Pumunta muna ako sa locker para ilagay ang iba mamaya ko nalang kukunin
Pagbukas ko
*blop*
•-•
Sobrang daming basura mga papel na nalaglag
"Hay" bulong ko tapos lumuhod ako upang pulutin ang mga nalaglag na papel
Ang mga babae at lalaki sa paligid ko ay nagtatawanan
Napalunok nalang ako at kinagat ko ang labi ko upang pigilang umiyak
Isa isa kong binuksan ang mga papel
"Bakit hindi ka nalang mamatay?"
Isinarado ko to at binuksan ko pa ang iba
"Malandi"
"Mangaagaw"
"Mamatay ka na ang panget mo!"
"Hindi ka bagay sa school na to"Napapikit ako ng matagal bago ko pinulot ang lahat
"Um hindi basurahan tong locker ko ah" sabi ko sa mga nakapaligid
"Basurera naman yung may ari nangongolekta ng mga lalaki"
"HAHAHAHAHAHAHAHHA" nagtawanan ang mga nasa locker room*kringg kringg*
Nagbell na kaya nagmadali na silang lahat umalis
Ilang saglit pa natapos ko na ang mga gawain ko kaya umalis na ako
Nakayuko lang ako hindi ko namalayan na kusa na palang tumutulo ang mga luha ko
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nabangga ako
Pagtingin ko si Jerome lang pala
"Ah aray aray aray" sabi ko tapos yumuko ako ayoko na kasing magtanong siya kung bakit ako umiiyak
Ngumisi siya
"Ikaw tong nakabunggo tapos hindi ka manlang magsosorry?" Tanong niya
Inangat ko ang mukha ko kaya alam kong nakikita niyang umiiyak ako
"Pasensya na bastos ako pasensya na kung malandi ako at higit sa lahat pasensya na kung PANGE-" naputol yung sinasabi ko kasi niyakap niya ako bigla
"Bakit kasi hindi ka lumaban?" Tanong niya habang magkayakap kami
"E-eh k-kasi *hik* k-kasi *hik* h-hindi t-tama-" pinutol niya yung sinasabi ko
"Sinabi ko bang magsalita kang pader ka?" Tanong niya
"Cry" sabi niya ng mahina
Umiyak na ako hindi ko mapigilan lalo na kapag may kasama ako
Napapahigpit ang pagkayakap ko sakanya at humahagulgol lang ako
Sometimes kailangan mo talaga ng kaibigan na magcocomfort at nandiyan para sayo everytime na kailangan mo sila
Bumitaw nadin ako sa pagkakayakap nung umokay na ako
"S-salamat okay na ako" sabi ko
"Good mauna ka na" sabi niya sakin
Nauna na ako at pagpasok ko nagsimula na ang klase
"Miss im sorry po kung late ako hindi na po mauulit" sabi ko tapos yumuko ako
"Ms. Lopez kung itutuloy mo yan baka hindi mo na makuha ang valedictorian title" sabi ni miss tapos nagsimula na siyang magsulat
Sinimulan ko na din magaral
Aral
Aral
Aral
*kring kringg*
Uwian na pala
"Tara Ara sabay na tayo" sabi ni gab tapos hinawakan ang kanang kamay ko
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom
Nang may biglang humawak ng kaliwang kamay ko
Si Jerome
Pareho silang nakahawak sa maglabilaan kong kamay
Nakita kong tinitignan ni Gab ng masama si Jerome
Tinignan ko si Jerome sa kaliwa ko at nakita kong sinasalubong niya ang masasamang tingin ni Gab
"Bitaw" sabi ni Jerome kay Gab at nagglare ito
"Ikaw ang bumitaw" sabi ni Gab
Haharangan ko na sana silang dalawa pero bigla kong nabitawan si Gab dahil sa lakas ng paghila ni Jerome sakin napunta ang ulo ko sa dibdib niya naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya at nararamdaman ko din ang bawat tibok ng akin
Sandaliang nanahimik ang lahat
"Sorry but.."
"She's Mine"
A/N: Readeeeers im so sorry if natagalan pero eto naaa sana naenjoy niyo yung pagbabasa
Dont forget to
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡ lovelots
YOU ARE READING
Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Highest Rank in Teen Fiction #13 🙈💕 Magkaiba ang NOON sa NGAYON kaya alam mo? sayang ka talaga eh. Alam mo kung bakit? Ang swerte mo na kasi sakin kaso pinakawalan mo pa ako. Ayan tuloy NGANGA KA NGAYON Ako nga pala si Arabella Serene...
Chapter 37
Start from the beginning