Ngumiti ang ina ni Sam at tsaka tumingin kay Clyde na sobrang seryoso ng mukha.

"I also want to give her the very best. And I know it's you. Pero you said earlier that you hurt her. Do you know how much I badly want to broke your face? You hurt our girl na kahit isang lamok lang ay ayaw naming padapuin."

Seryosong sabi niya. Bigla siyang napatungo at sising-sisi sa nangyari.

"I'm sorry iho. Pero kung ano ang gusto ni Sam ay yun ang gagawin namin."

Malungkot na wika ng kanyang ina at dahilan para mas lalong sumikip ang dibdib ni Wadensel at bigla siyang napaiyak na parang inagawan ng candy at hindi na muling ibabalik.

Awang-awang pinagmasdan siya ng kanyang kaibigan.

"I can't stay away from her tita. I love her so much and I don't know what to do without her. Please tita... Gagawin ko ang lahat para mapatawad niyo ako at mapatawad ni Sam. Wag niyo lang siyang ilayo sa akin."

Lumuluhang pakiusap niya.

Napabuntong hininga ang mag-ina. At tsaka nagkatinginan. Tumango naman ang kanilang ina sa panganay na anak.

Nakamasid lang ang mag-aama habang pinagmamasdang ikabit ang madaming aparato kay Sam. Kitang-kita nila ang pamumutla nito pero nanatiling maganda parin ang mukha niya.

Biglang silang napaluha dahil bumalik na naman ang dating buhay ni Sam. Naging tahanan niya ang hospital mula sa pagkabata hanggang ngayong malaki na siya.

Nasasaktan sila para dito dahil imbes na nakikipaglaro siya noon sa mga bata ay nanunuod nalang siya sa bintana ng kwarto niya at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.

Kapag lalabas lang siya noon ay sa rooftop at sa garden lang siya pumupunta para lumanghap ng sariling hangin.

"Dok. May pag-asa ba na gumaling ang anak ko?" Tanong ng kanyang ama sa doktor ni Sam na chinicheck ang vital sign niya.

"Chemotherapy ang sagot diyan but we suggest na sa US kayo magpa-sched ng chemo niya para masiguradong gagaling siya. But knowing this beautiful lady, she doesn't want to do it." Buntong hininga ng doktor niya.

Bigla naman silang nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ng doktor pero alam nilang mahihirapan sila. May phobia si Sam sa pagsakay ng eroplani dahil naaalala niya ang pagkamatay ng kanyang lola dahil sa kasama siya noon sa nag-crash na eroplano at sa awa naman ng diyos ay nakaligtas siya pero namatay ang lola niya.

Isa ito sa hindi alam ni Cath. Hindi niya alam na may phobia si Sam sa pagsakay ng eroplano kaya hindi siya nagtaka noong nagpanggap siyang nagpagamot sa US.

Nang sumapit ang gabi ay doon lamang nagising si Sam.

Muli ay napangiti siya ng maamoy ang matagal na niyang hindi nalalanghap na amoy. Ang amoy ng hospital.

Idinilat niya ang mata niya at nakita niyang nasa sofa ang pamilya niya at may kama sa baba. Tahimik silang nanunuod pero wala man lang silang reaksyon ng may lumabas na multo sa tv dahil mukhang hindi naman sila nanunuod dahil malalim ng iniisip nila.

Muling may lumabas na multo kaya napasigaw si Sam at dali-daling nagtaklob ng kumot.

"Ilipat niyo!" Tumitiling sigaw niya at dahilan para mapapitlag ang pamilya niya pero maya-maya lang ay natawa sila ng maalalang takot pala sa horror si Sam.

Natawa ang mga magulang niya.

"I'm sorry baby. Eto kasing mga kuya mo hindi napansing horror pala yung pinapanuod namin." Natatawang sabi nila.

Napanguso naman si Sam at akmang babangon at tatabihan sila sa kama ng mapansin niyang may nakakabit sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at ngayon niya lang napansin ang mga aparatong nakakabit sa kanya.

"Wow. I miss this." Natatawang wika niya.

Totoong namiss niya 'yon dahil tanggap na niya ang mangyayari kahit mahirap. Sa kabila ng ngiti ni Sam ay malungkot na pinagmasdan siya ng lahat kaya napatingin siya sa mga ito.

Mas lalo siyang ngumuso at tsaka patagilid na hinarap silang lahat.

"Wag nga kayong malungkot. Gusto niyo rin ba akong malungkot?" Napapangusong tanong niya sa mga ito. Umiling naman sila bilang sagot.

"Smile lang kayo. At least kapag hindi ko nakayanang lumaban ay alam ko kung saan ako pupunta."

Nakangiting sabi niya sa mga ito. Ang inaakala niyang susuklian siya ng ngiti ay nakita niyang nangilid ang mga luha ng mga 'to. At tsaka naman siya napagtanto ang sinabi niya sa kanila.

"I'm sorry." Hinging paumanhin niya.

Lumapit naman ang kanyang daddy at lumuhod sa sahig sa tabi niya at hinawakan ang kamay ni Sam na may dextrose.

"Baby, tama na ang pagpapanggap. Hindi masamang maging mahina. Ang masama ay ang kinikimkim mo sa loob mo pero hindi mo na kaya. Tama na anak. Andito kami para masandalan mo. Wag kang mahiya at magalinlangang ipakita kung gaano ka na kahina dahil nandito kami para palakasin ang loob mo. Tama na yung mga oras na ikaw ang nagpapalakas sa sarili mo, this time hayaan mong kami naman. Okay lang ba sayo 'yon, bunso?"

Ang ngiting nakapaskil sa labi niya kanina ay biglang napa-straight line. Yung kaninang sigla niya ay napalitan ng totoong panghihina. Kitang-kita 'yon ng pamilya niya at dali-dali lumapit sa kanya at tsaka siya niyakap.

"Thank you and I promise not to do it again." Sabi niya habang nangingilid ang luha niya.

Napangiti naman sila at tsaka nagkatinginan sabay sabing....

"Group hug!" At tsaka sila nagtawanang magpapamilya.

Ngayon napagtanto niyang mas nakakagaan pala ng loob kapag naging open ka sa nararamdaman mo dahil alam mo kung sino ang magpapalakas sayo kapag nanghihina ka na.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now