Chapter 35

387 14 0
                                    

"Anong sinabi mo Wadensel?" Gulat na napatingin kami kay daddy na nasa likod na namin. Pero mas nagulat kami ni kuya ng ipagpatuloy ni Wadensel ang pagtawa at tsaka niya inakbayan si daddy.

"Gagawa po kami ng baby ni Sam tito!" Tuwang-tuwang sabi niya. Siguro kung katabi ko ngayon si Wadensel ay baka nakurot ko na siya ng paulit-ulit.

"Aba't?" Akmang sasapukin siya ni daddy ng magsalita ito.

"Siyempre pagkatapos naming ikasal. Ikaw naman tito. Sobrang advance niyong mag-isip." Iiling-iling na sabi ni Wadensel sa kanila pero hindi parin nawawala ang mapaglarong ngisi niya.

Natawa nalang ako dahil parang nakahinga sila ng maluwag.

"Good. Mabuti at nagkakaintindihan tayo." Seryosong sabi niya.

"Tito may tiwala ba kayo sa akin?" Maya-mayang tanong niya.

Tumango-tango si dad.

"Malaki. Malaki ang tiwala ko sa'yo pagdating sa inyo ni Sam." Seryoso na sabi din ni dad.

Bumalik kami sa gazeboo at doon naupo.

Masinsinang nag-uusap si Dad ay Wadensel habang kami ni kuya Zeijan ay nakikinig lang sa kanila.

"Talaga tito? Ipapaalam ko sana siya sa inyo na matutulog kami sa Hacienda bukas. Pwede po ba tito?" Parang batang tanong niya. Napatingin naman kami kay dad at naghihintay sa sagot niya.

"Sure." Pagpayag niya at tsaka niya seryosong tinignan si Wadensel.

"As I said a while ago. I trust you. Don't break it at baka maputol ko 'yang yaman mo." Banta ni dad na ikinatawa ni kuya Zeijan. Kunot noong nilingon ko naman siya.

"May nakakatawa ba doon kuya?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nakita kong lumingon sa akin si daddy at si Wadensel at sabay ding nagtawanan. Napanguso tuloy ako. Ginulo naman ni kuya yung buhok ko.

"Oo Sam. But only boys can relate into it. Hindi pwede sa babae."

Napatango nalang ako at tsaka tinuloy ang pakikinig sa usapan nila.

"Thank you tito." Nakangiting pasamalat niya kay dad.

Gabi na ng makauwi sa Wadensel at dito na din siya nag-dinner bago umuwi.

Dumiretso na ako ng kwarto ko at nag-half bath. Pagkatapos ay humiga ako sa kama at tsaka ko hinayaang tumulo ang luha ko.

"Gagawa po kami ng baby ni Sam tito!"

"Siyempre pagkatapos naming ikasal. Ikaw naman tito. Sobrang advance niyong mag-isip."

Patuloy ang pagkawala ng luha ko habang inaalala ang sinabi niya kanina. I'm sorry Wadensel.

Selfish ba ako kung itatago ko parin ang sakit ko?

Ayoko siyang saktan. Natatakot akong mapalitan yung laging nakikita kong ngiti niya ng pilit na ngiti. Tahimik na umiyak ako sa kwarto ko at tahimik na iniinda ang sakit ng ulo ko.

Hanggang sa may naramdaman na naman akong mainit na likidong kumawala sa ilong ko. Dali-dali akong tumakbo sa banyo habang sapo-sapo ang ilong ko at naghilamos ng tubig.

Napabuntong hininga kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin at tsaka ko pinunasan yung mukha ko. Ngumiti ako sa salamin.

"Kaya mo pa naman diba Sam? You're a great pretender. Wag kang maging pabigat sa kanilang lahat. You need to act more to convince them that you're fine. Matapang ka diba? So fight! Wag kang manghina!"

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon