Pinagmasdan ko siyang nagaayos habang nakakunot ang noo ko. Napako ang tingin ko sa towel niyang kupas at tsaka may butas-butas. Pinagtatawanan siya ng ibang maglalaro pero wala siyang pakialam. Napatingin naman ako sa twalyang nasa balikat ko at tsaka ko yun inilagay sa kamay ko.

Lumapit ako ng konti sa kanya habang nakamasid sa entrance. Nakita kong pumasok sila mommy kaya malapad ang ngiting kinawayan ko sila.

"Pamilya mo?" Gulat na napatingin ako sa tabi ko. Yung may kausap kanina sa phone. Yung tono kasi ng pananalita niya ay parang nahihiya at nag-aalangan. Tumitingin-tingin naman yung iba sa amin at nagbubulungan.

"Yes. I'm Samantha Mika Montecillo. Sam for short, and you are?" Gulat na napatingin siya sa akin at tsaka sa kamay ko. Hindi niya siguro inaasahang magpapakilala ako sa kanya.

"N-Naku! 'Wag ka ng makipagkamay! Magaspang yung kamay ko. Halata namang malambot 'yang kamay mo. Kutis mayaman ka pa. Tsaka baka magalit sa akin yung mga suporters mo kapag dumikit ako sayo." Naiilang na sabi niya. Napangiti ako sa kanya at tsaka kinuha yung kamay niya at ako na mismo ang nakipag-shake hands. Nagulat siya pero ngumiti nalang ako.

"Oh, ayan. Nagpakilala na ako. 'Wag mo silang intindihin. Hindi naman nila hawak ang desisyon ko. Anong pangalan mo?" Naiilang na tumingin siya sa mga kamay namin pero maya-maya lang ay bumuntong hininga siya at tsaka alanganing ngumiti.

"Luke Ryle Juanco. You can call me, Luke. Naks! Napapa-english tuloy ako sa'yo!" Napatawa kaming pareho. Binitawan ko naman yung kamay niya at tsaka ko kinuha 'yung towel niya. Napamaang naman siya.

"Ibubully mo din ba ako? Hindi ka nalang pala sana nagpakilala." Inis na sabi niya. Mabilis na umiling ako sa kanya at tsaka ibinigay yung towel ko sa kanya. Mas lalong hindi maipinta ang mukha niya.

"Ano? Ipapalaba mo sakin 'to? Mabango pa nga eh!" Inis na sabi niya na ikinatawa ko ulit. Napapalingon naman yung iba sa amin pero wala akong pakialam. Nakakatuwa lang itong si Luke.

"Sa'yo na 'yan. 'Yan na gamitin mo tapos ako gagamit netong sayo. Hep! 'Wag kang umangal! Friends na tayo, okay? Tsaka remembrance mo na 'yan sa akin." Nagugulat siya sa mga sinasabi ko kaya napapanganga nalang siya.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya at napalakas rin kaya napatakip siya ng bibig. Nag-peace sign naman siya sa iba. Nakakatuwa talaga siya!

"Kita mo. Napapa-english ako ng dahil sa'yo eh!" Sinisi pa talaga ako.

"Yeah, I'm serious. Tsaka alam mo bang gusto ko ring mapasa-akin amg goldentroph?" Sabi ko.

"Malamang! Wala ka naman dito kung hindi mo 'yon gusto. Pero mayaman ka na, bakit kailangan mo pa ng pera?" Kunot noong baling niya sa akin. Dismayadong umiling ako sa kanya.

"I don't need the money. I want the trophy. Bata palang, pangarap ko ng makuha 'yon. Kaya nagpursigi akong sumali sa ibat-ibang swimming contest para mahanap ang hinahanap ko. Kaya nandito na ako." Bumuntong hininga ako at tsaka napatitig sa pool.

Pero pangarap din pala ng iba and now, I'm having a second doubt.

"Talaga? Ako, pareho. Gusto ko yung pera para sa mama ko, tapos yung trophy na matagal na naming pangarap makuha ng papa ko. Pero wala eh, maaga siyang kinuha ng Diyos." Nanlulumong sabi niya. Gulat na napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry for that." Malungkot na ngumiti siya sa akin.

"Okay lang. Pero sana ay matupad ko ang pangarap naming dalawa." Pagbubuntong-hininga niya. Bigla akong napatulala.

Kung pera lang ang pag-uusapan ay kaya ko siyang tulungan. Pero 'pag Goldentroph na ay, napakalaking epekto non sa akin. Hindi ko alam ang magiging kapalaran ko dito.

Pare-pareho kaming may gustong makuha 'yon pero may nag-iisang tao na deserve makuha 'yon. At may isang tao na kailangan hindi para sa sarili niya. Kagaya ko din siya na inuuna ang iba.

Napabuntong hininga nalang ako. Napakahirap magdesisyon. Pero alam ng diyos kung paano ako nagpursigi at nagpakahirap para lamang makuha ko ang Goldentroph. At alam na alam niya kung gaano ko kagustong mapasaakin 'yon. Matagal kong pinangarap na makakapagpaligaya sa akin pero bakit naging ganito?

Muli kong sinulyapan ang Goldentroph na napakalaki. Kami lang yata ni Luke ang pasulyap-sulyap doon na parang kumikinang na bituin.

"Teka? Boyfriend mo ba 'yon?" Napatingin ako sa itinuturo ni Luke. Sa gawing parte ng kaibigan at magulang ko.

"Ang samang makatingin. Nakakatakot." Napako ang tingin ko sa itinuturo niya. Muli ay kumabog ng malakas ang puso ko.

'Wag mong lagyan ng malisya.' Sabi naman ng utak ko. Kaya napabuntong hininga ako.

Nakatingin siya ng masama sa amin. May sinasabi si Zander sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa amin ni Luke na para bang handa niya kaming ilunod dito sa pool.

Bakit kasali si Luke? Dapat ako lang. Hindi dapat siya mandamay ng iba.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن