Peep peep! Broom broom!, beep beep! Wang wang wang!
Samu't saring ingay ang maririnig
Sa paligid
Mistulang ang katahimikan ay di mo na mararanasan
"Oh Mia H.! Mia H. ! 2 na lang aalis na" sigaw ni kuyang barker na pawis na pawis na at puhunan ang boses upang kumita ng pera.
Sumakay ako pero puno na ang sinasabi nyang 2 na lang ay di makatotohanan tsk.
"Sa kanan pausog na lang ho oh!"
Sigaw nya habang tinutukotok ang kanang bahagi ng jeep
Nakaupo ako pero kalahating pwet lang ang nakalapat
Tsk ayaw kasi umusog ng ibang pasahero; ayaw umayos ng upo gusto nila sila komportable at wala na silang pake sa iba kung makakaupo ba ng maayos
Papunta ako sa mga tropa ko sa Clev. C
Ako si Peter, di ko alam sa mga magulang ko kung bakit yun yung pinangalan sakin tsk.
18 yrs. Old, bunso sa tatlong magkakapatid
Huminto sa pag-aaral pagkatapos grumaduate ng high school
Tinamad na din kasi ako
Yung kuya ko nakakulong, buti nga di natuluyan nung may nagtokhang sa amin
Pusher kasi tsk.
Ate ko ayun 22 pa lang pero mukha ng 40 dahil tatlo na agad anak maaga kasi naglandi tsk.
Mga magulang ko?
Ayos naman tsk.
Yung mama ko labandera sobrang payat na kakatrabaho para lang mairaos ang pang araw-araw na buhay
Papa ko? lasinggero tsk.
"para! " sigaw ko at may kasamang pagkatok pa sa tuktok ng jeep.
Napatingin sakin ang mga pasahero at tinitigan ko din sila tsk.
Bakit may angal? Sabi ko sa isip ko.
----------
"ter, ano bang nangyare sa inyo ni Alexia? Haha ang ganda pa naman nun" sabi ng tropa kong si Jes.
Ang torpe kong tropa kaya hanggang ngayon di pa nakakapag-gf.Di na nga kagwapuhan tas di pa marunong pumorma tsk. Kawawang nilalang.
"bakit? Gusto mo? Sayo na! Tsk. Dali-dali lang maghanap ng bago. "
Biro kong sagot.
"wow! Iba talaga pag pogi, haha"
Sabi naman ni Bob. Ang monggoloid kong tropa.
Medyo mataba at masayahin
"parang di nyo naman kilala tropa nyo, ge mauna na ako sa inyo ah"
Pagyayabang ko. Eh totoo naman eh.
"oh bakit? " jes.
"wala inaantok na ako eh" ako.
Kanina pa rin kami nag-iinuman eh.
"Ge, ge, baka mamaya umiyak ka pa sa harap namin hahahah" Bob.
Nagtawanan ang mga baliw
"mga baliw" ako.
Tinapik ko sila sa likod at naglakad na.
--------
Naglakad na ako pauwe......
Papuntang sakayan pauwe samin
May nakasalubong akong grupo ng mga kabataan
Siguro mga 8pm pa lang naman..
"naku lagot ako kay papa gabi na di pa naman ako nakapagpaalam" sabi mg babaeng may paglamahaba ang buhok at may itsura sya ah.
" wag kang mangamba sabihin mo yung totoo na gabi natapos service natin" sabi naman sa kanya ng kasama nyang babae na matangkad sa kanya ng bahagya.
Gabi na ba? Tsk mga OA naman to
Parang 8 pa lang eh
Sayang may itsura pa naman yung isa kaso nga lang OA
Ayoko sa ganun tsk.
Nagtuloy-tuloy na ako ng lakad at
Sumakay na ako ng jeep pauwe sa amin...
Boy: "isang pinagpalang gabi po sa inyong lahat, ahm magbabahagi lang po ako ng salita ng Diyos,etc.etc........"
Tsk. Anong kalokohan pinagsasabi neto???
Kainis dapat sa ibang jeep na lang ako sumakay eh..
Nagsuksok ako ng earphone sa tenga ko syempre
At tinodo ang volume para di ko mapakinggan yung nagsasalita ng tungkol sa mabuting balita daw
Tsk parang wala namang ganun eh
Puro patayan nga nababalitaan ko......
--------------
Andito ako sa park ngayon
Inaantay ang babaeng nakachat ko
Maganda sya sa fb hehe may bago na naman akong chixx
Kaso ang tagal naman nun tsk pabebe ata.
Maya-maya may lumapit sakin...
Dalawa sila tsk. Baka gusto makipagsapakan, di uubra to kahit dalawa pa sila
"ahm, kuya maari ka ba namin share-an? about sa word of God? "
Sabi ng isa na mas matangkad kesa sa kasama nya.
Tinignan ko lang siya at Di ako sumagot
"kahit 5 minutes lang kuya" sabi naman ng isa nya pang kasama.
Tinitigan ko sila ng masama
Aba ngumiti pa
Mga bakla ata toh eh. Tsk
"kuya marahil may inaantay ka ngayon? At siguro yung inaantay mo ay yung kapayapaan, kapayapaan na di mo mahanap-hanap" yung mas matangkad ulet nagsalita.
Ang weirdo naman neto...
"kuya may ipapakilala ako sayo, Siya yung kapayapaan sa gitna ng kaguluhan, Siya ang kasagutan sa lahat ng katanungan at Siya ang solusyon sa lahat ng problema, Siya si Jesus, kuya" yung isa naman.
Ano to palitan? Tsk.
Di ko pa rin sila pinapansin pero tuloy pa rin sila sa pagsasalita, mga baliw ata to eh...
At salita sila ng salita kahit di ko naman sila iniintindi
.
.
.
"kuya maari ka ba naming iinvite sa church namin , susunduin ka po namin dito, sa saturday po ng 4pm ah kuya, salamat po sa time mo, by the way ako nga pala si Cedric" yung mas matangkad.
Inaabot nila yung kamay nila sakin pero tinignan ko lang yun at di ko sila kinamayan.
"ako naman si Bryan, God bless po kuya" yung isa pa.
Tumango na lang ako para umalis na sila tsk....
----------
Nagkita rin kami kanina ng babaeng kachat ko, si Elena, maganda nga sya at kami na agad, easy to get tsk...
At magkikita kami ulet sa saturday ng 4pm
Haha mukhang makaka-score ako ah...
Excited na ako magsaturday....
--------------
Saturday
3:30 pm pa lang andito na ako excited eh haha
Lumipas ang 30 minutes
Wala pa rin sya
May pagkapabebe talaga pero ok lang maganda naman eh
Maya-maya may lumapit na naman sakin na dalawang lalake...
Sila yun ah yung nakaraan
Yung dalawang weirdo..
"Hi kuya buti andito ka" yung mas matangkad na naman.
Bakit sya lagi ang unang nagsasalita?
Laki ng ngiti nakakadiri tsk...
"Hay, Praise God" tapos yung isa naman.
Eto naman laging pangalawa ano to back up nya?
Maya-maya may nagtext sakin
(from: Elena
Babe, sorry d ako makakapunta, may ginagawa kaming project ng mga cmates ko :(, sorry talaga babe, babawi ako promise
Muah..... :(:(:( )
Tsk badtrip naman....!!!
"ano kuya tara na? " yung una pa rin.
"saan?! " sabi ko na may halong angas na tono.
badtrip ako tsk tapos may 2 weirdo pa
" sa church kuya, diba ininvite ka namin, remember? Tas umoo ka hehe" nakangiting sabi ng back up nya.
Badtrip naman oh
Nawala sa isip ko yun ah
Edi sana di ako nag-antay dito...
Tsk..
VOCÊ ESTÁ LENDO
Forever with J
EspiritualNaniniwala ka ba sa forever? Ako hindi, kasi isang beses lang ako nainlove pero di pa sya napunta sakin, ang sakit, ang sakit sakit. Nung unang beses ko syang makita di ko na sya makalimutan Nung una kong marinig ang boses nya, para sakin yun yun...
