Chapter 5:Number

1.1K 13 2
                                    

9:00 pm na ako nakatulog kagabi. Hinintay ko pa kasing matapos si Mama at Papa sa pag-aaway nila. Siguro ang iniisip niyo umiiyak ako kapag nag-aaway sila?
Hindi na. Nasanay na din kasi ako. Para lang akong nanood ng drama tapos hindi magaling yung mga artista kaya di ako maiyak.

............
Buti na lang talaga maganda yung napaginipan ko kaya maganda gising ko. Napaginipan ko kasing gusto ako ni Jose. Omgggg. Haha. So maaga akong nagising, nagluto ng umagahan ko pagkatapos naligo ako at nagbihis na ng school uniform.

Dahil maaga pa naman, napagisipan ko munang magbukas ng fb.
Nagulat ako biglang may nagpop na chatbox.
JOSE VICERAL
Batla! Bigay mo sakin number mo ha! OTW na ako papunta sa inyo. Hirap kasi kung fb lang palgi ang communication natin. Byeeee👋.
✔Seen.5:30 am

Sineen ko. Maramdaman man lang niya kung anong feeling ng maseen. *evil laugh*

Pagkatapos kong mabasa yun. Napagdesisyunan ko nang maglog-out. Sakto sa pagdoor bell ni Best.

*dingdongdingdong*

"JULIA! Ano ba may balak ka bang buksan yung gate?! May balak ka bang pumasok?!!" Galit na galit na sabi ni papa.

"Eto na po. Paalis na." Mahinahon kong sabi.

Pagkatapos nun ay wala nang sinabi pang iba si papa. Di man lang ako sabihan ng mag-ingat ka anak. Pero okay lang, sanay na naman ako.

"Batla! Katakot naman pudra mo! Buti di ka natatakot?" Saad ni bakla.

"Naku baks. Sanay naku dun." Sabi ko.

"Hayy. Buti na lang talaga maganda tayo best." Sabi niya.

"Oo nga best. Haha. Yaan mo susundan natin ang yapak ni Pia Wurtzbach! Haha."sabi ko habang nakapamewang.

"Spell mo nga yung apilido ni Pia?" Sabi ni bakla.

"Uy anong oras na oh? Bilisan na natin baka malate tayo." Saad ko habang nakatingin nsa wrist watch ko.

"First and foremost, baks walang tayo alam mo namang hindi tayo talo! Hahaha. Lakas mo makasunod sa yapak ni Pia , di mo naman knows spelling ng surname niya. Haha. Chaross lang foh! Gorabells na ME AND YOU." Sabi niya habang kumekembot.

"Ewan ko sayo! Dami mong alam! Haha. Tara na at male late na talaga ikaw at ako. Hahahahaha." Saad ko habang napapakamot sa ulo. Oy wala akong kuto ah. Hand gesture lang yon. Lam nyo naman daming alam ng ate nyo. Haha.

"BTW, eto na yung number ko oh. Text mo na lang ako later." Sabi ko habang inaayos yung buhok ko.

GAYlangan kita.Where stories live. Discover now