Chapter 3: Closeness is real

1.4K 17 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay nagpaalam nako kay BEST para umuwi.

"Best uwi na ako ha, strict kasi parents ko ang ganda ko kasi eh." Sabi ko nang may halong pagyayabang.

"Best tama na alam kong problemado ka pero wag dito. Charot lang, ingat ka. Taga san ka ba?" Sabi niya.

"Echosera ka talaga. Hahahahaha. Ah dito lang ako malapit sa school sa #585 Camachile st." Sabi ko.

"Ayyyy! Pak na pak! Sa #587 Camachile St. lang ako! Bagong lipat lang kami. Ano sabay na tayo?" Sabi niya.

"Bet ko yan. Stalker kita noh?" Sabi ko.

"Kapal mo ah? Ako magnanasa sayo? Iwwwwww." Sabi niya.

"Makaiww ka naman, uwi na tayo." Sabi ko.

"Osige!" Sabi niya habang kumekembot.

"Tara na! Dami mong alam." Sabi ko habang tawa ako ng tawa.



Habang nasa daan napadami kami ng kwentuhan. Kwinento ko sa kanya yung problema ko sa bahay, yung dahilan kung bakit minsan masungit ako. Palagi kasing nag-aaway Mama't Papa ko gawa ng financial problem. Siya din daw ganun yung sitwasyon kung bakit lumipat siya ng school, lola niya lang daw ang kasama niya at ang mama niya.

Habang nasa daan......

"Beks,promise natin na magtatapos tayo ng college ah. Bawal muna lovelife". Sabi ko.

"Okay beks. Pak na pak yan. Uy ayan na pala #585 oh, napasarap kwentuhan natin. Oh pano , bukas na lang ulit daanan na lang kita dito best. See yah!" Sabi niya.

"Sige ! Ingat ka. Labya!" Sabi ko sabay flying kiss.

"Ishiewwww! Kadiri ka! Haha. Salamat labyutoo! Add kita sa fb mamaya hintayin mo na lang!"

"Okay uwi na! Haha" sabi ko.

GAYlangan kita.Where stories live. Discover now