Chapter 12

10 1 0
                                    

Zouo Knife POV

Day passed.. Ilang araw na rin simula ng huli kong makausap si King. At naiinis ako dahil parang hangin na lang ako sa mga mata nya. Gusto ko syang sapakin, sambunutan, sampalin. Nakakainis. Ganun na lang yun?!

"Hoy Knife Alcantara!! Lutang ka na naman jan!" - Saway sakin ni Reiz.

"So-sorry.."

"Nako. Iniisip mo siguro si Papa King mo nuh! Teka, ano ba nangyari? Parang dati lang halos buntot mo na sya.." - Sabi naman ni Samantha. Agad naman akong napayuko. Ano nga bang nangyari? Naman oh!

"Tss. Wag mong pairalin yang pride mo. Ikaw rin ang may kasalanan." - Tinignan ko ng masama si Ken. So kakampihan nya yung lalaking yun?!

"Wala naman akong naaalalang may ginawa akong mali nuh. Tsaka sinubukan kong kausapin sya nuh pero anong napala ko? Wala. Halos daanan nya lang ako, hindi ko nga alam kung tao pa ba ko sa paningin nya." - Nabusangot kong sabi. Totoo naman eh. Nakakainis sya!

"Umamin ka nga, tinamaan ka na ba?" - Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Calvin.

"Hi-hindi noh! Sapakin kita jan eh!"

"Alam mo Knife, ang love parang cellphone yan eh. Pipiliin mo kasi nagustuhan mo. Maaadil ka kakagamit. Napapagod kaya nalolowbat. At Nasisira kapag hindi mo iningatan." - Halos mapanganga ako sa sinabi ni Mark. Halos mabuga naman ni Calvin yung iniinom nyang tubig dahil sa sinabi ni Mark

"Ptch pre! Sabihin mo nga, nakailan ka na ba talaga?!"

"Malala ka na ata Mark.." - Komento ni Samantha

"Alam mo, ikain mo na lang yan."

"What he point is, kung gusto mo sya aminin mo na sa sarili mo. Dahil napapagod rin ang isang tao kung ipinapakita mong walang patutunguhan yung ginagawa nya. Kung anong meron kayo, pangalagaan mo dahil kung lulubusin mo, masisira." - Paliwanag ni Ken

"Nadali mo Ken! Oh! Ano kayo?! Ang hihina nyo kasi mga hangal! Tinagurian kayong mga nasa Sec A at B tapos ganyan kayo! Tsk tsk. Sinasabi ko na nga ako ang pinaka henyo sa barkadang to.." - Sumbat ni Mark with matching ayos ng buhok kunwari. At kami naman, diring diri syang tinititigan

"Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami-dami ng gamit, bakit cellphone pa yung naisip mong itulad sa love na yan."

"Pfft. Hahahahahaha" - Halos magtawanan kaming lahat sa sinabi ni Ken. Okay na eh. Kampi na sana kaso may ganung hirit pa.

"Akala ko kakampi kita pre."

"Boooooo!! Laos ka na!!" - Sigaw ni Calvin saka pinaghahagis ng kinakain nyang fries si Mark.

Simula ng makapasok ulit ako, sila na ang naging kasama ko lagi. Unti-unti ko silang nakilala sa loob lang ng ilang araw. Sa katunayan madalas na rin akong hindi naglulunch or recess sa school dahil laging sa fast food chain ako hinihila ng mga to. Katulad ngayon.

Si Reiz Zy, The Inventor. Sya ang pinaka mautak sa kanilang lahat. Mabait na may pagkasuplada. Sya rin ang inbentor sa grupo. Kumbaga, mahilig syang dumiskubre ng mga kakaibang bagay tungkol sa science esp when it comes to experiments.

Samantha De Jesus, the feminine. Srsly. Hindi nya ata kaya mabuhay ng walang style sa katawan. Pero masasabi kong mabait sya. And yah, with jer style and body, kayang kaya umakit ng gaga.

Melanie Viro, the quite. Sya yung pinaka tahimik sa grupo pero kapag nagsalita, sarcastic. Palaban rin yan. Sa kanya ako masyadong walang alam dahil tahimik talaga sya.

Charmaine, the bookworm. Napakahilig magbasa.. Pero kung akala nyo mga story na romance ang binabasa nya, isang malaking NO. Dahil ang mga binabasa pala ng gaga ay puro patayan na storya. Pero as she said, she also loves to read edu book.

SOM: UQIN ACAEMYWhere stories live. Discover now