Chapter 8

18 1 0
                                    

Zouo Knife POV

"Zokni!!!" - Agad akong napalingon sa lalaking halos ilantad na ang pangalan ko dito sa buong school. Piraso ng papel! Nemen. I admit na nga po masyado na kong napapalapit sa lalaking to 😳😳

"Zokni!" - Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at ngiting-ngiting nakaharap sakin. Piraso ng papel! Bat ang gwapo nya pag ngumingiti?!

"Ah lu-lumayo ka nga!" - Bahagya kong syang tinulak dahilan para mabitawan nya ang kamay ko. Giish.

"Hahahaha yah! You know what, sobrang saya ko ngayon.." - Tinignan ko lang ang mukha nyang walang humpay na naman sa kangingiti.

"Oh? Tsk. Pano mo nagagawang maging masaya samantalang parang may sikretong patayan kada sulok ng school na to" - Naging seryoso ang mukha nya sa sinabi ko. Hmp. Totoo naman diba.

"As long as hindi nila sya pinapakialaman, masaya ko sa lugar na to" - Sabi nya sabay kindat. Aish bumalik na naman sya sa palagi nyang pag ngiti hmp!

"Knife.." - Napatingin ako sa babaeng nasa harapan namin ngayon.. Hindi ko alam kung bakit nya ko nilalapitan ngayon. Well, mag kaibigan naman sigyro kami right?

"Anong kailangan mo sa kanya?" - Seryoso at malamig na tanong ni King kay Cindy na ikinabigla ko naman. Bat ganun ang tono nya? Ang gulo rin ng lalaking to eh. Kanina lang nakangiti at ang amo amo ng boses tapos ngayon ang lamig ng pakikitungo nya

"Ahm.. Kasi Knife, balita ko, magaling ka daw sa Math, gusto ko sanang magpatutor sayo.."

"Hindi sya pwede."

"Wait lang King ah, wala akong makitang dahilan para hindi ako pumayag." - Depensa ko kay King. Eh kasi naman! Hindi naman sya yung kinakausap diba? And wala sa kanya ang desisyon.

"HINDI.SYA.PUMAPAYAG. NOW, GO." - Madiin nyang sabi kay Cindy na mata sa mata. Ok. Aaminin ko, kinilabutan ako kaya di na ko kumontra.

Kitang-kita ko naman kung pano nag-smirk si Cindy. Eh?

"Go!" - Umalis si Cindy na wala ng imik pero nakangiti pa rin. Hindi ba sya kinilabutan?

"Hey! Problema mo?" - Masungit kong tanong sa kanya. Eh nakakainis eh!

"Basta wag kang lalapit kahit kanino."

"Ex--

*bang!*

"Shit." - Hinila ako ni King at itinago ang ulo ko sa dib-dib nya.

Halos manlambot ang tuhod ko dahil sa putok ng baril na nanggaling sa kung saan.

"Aaaaah!!!"

*Bang!*

"Ki..king...."

"No..no.. It's fine Zokni.. Walang mangyayari hangga't nandito ako.." - Nanginginig ako sa takot. Feeling ko anytime babagsak na buong katawan ko dahil sa takot..

Ken's POV

Dali dali kong hinanap si Knife dahil baka kung napano na sya.

*Bang!*

Damn it. Ika't-long putok na ng baril to. Aish. Nasan na ba yung babaeng yun?!

Halos puntahan ko na lahat ng pwede nyang puntahan. CR, Rooftop at kada room pa, pero walang Knife akong nakita.

"KNIFE!!" - Maraming estudyante na ang nasa labas, yung iba may bahid ng takot ang mukha.

Nilibot ng mata ko ang hallway hanggang sa nahagip ng mata ko ang isang lalaking yakap-yakap ang isang babae...

SOM: UQIN ACAEMYWhere stories live. Discover now