You're The One That I Want Update #7

Start from the beginning
                                    

Tss. Wednesday! Birthday ni Denn! So what?

Teka Lei bakit ang iritable mo ata? Haynako Elizabeth get a grip! Tapos na yung pagtuturo mo ng gitara dun sa mokong na yun. As in tapos na! Nanalo na sya sa contest. Hanggang dun lang naman diba? Friends with benefits kayo. Ginamit ka nya para matuto sya maggitara. At anong benefit mo sa kanya? Wala. Ewan. Wala. Nabwisit ka lang.

Cut na nga lang ako ng klase! Dun na lang ako sa may likod ng school tatambay. Tutal saglit lang naman kami dito, walang makakapansin sa--

Ano ba! Bakit nandito na naman sya?!?!? Mang-aagaw ng pwesto!!!

Aalis na sana ako nang..

"Elizabeth."

Ever since nalaman nyang Elizabeth ang first name ko tuwang-tuwa sya. Elizabeth. Psh. Siya lang natutuwa sa pangalan na yun!

"Wag mo nga akong tawaging Elizabeth. Hindi ikaw ang lola ko."

Nakahiga lang sya dun sa may lapag, nakatulala. Birthday na birthday ang emo!

"Psh. Sina Kristian asan?"

"Absent. Boring."

"Ba't ka pumasok kung boring?"

Tinignan nya ako na parang sinasabing 'hindi mo alam?' "Ha. Wala lang. Mas mabuti na dito kesa sa bahay. Boring dun." Nakita nya atang dala ko bag ko. "Uwi ka na?"

"Sana."

"Wow, skipping classes. Ikaw ba talaga yan Elizabeth? Pasaway ka na pala."

Sinamaan na naman nya ng tingin si Denn. "WAG MO NGA AKONG TAWAGING ELIZABETH!!!"

"Lakas ata ng sumpong natin ngayon ah!"

"Pasalamat ka birthday mo ngayon kundi uupakan na kita!"

Nagulat ata sya sa sinabi ko. "Pano mo nalaman na birthday ko? Don't tell me stalker ka?"

(~.~) "Narinig ko lang sa tabi-tabi. Tch. Feel mo naman."

"Tara, libre kita."

(O.O) "Nako wag na. Di na kailangan."

"Binigyan ako ng panglibre. Sayang naman."

"May klase pa."

Tinignan ni Denn ang oras sa cellphone nya. "Isang oras na lang naman! Tara na cut na tayo."

"What if hana-"

"Di tayo hahanapin ni Miss. Tara." Ngumiti pa ito na nang-aassure. Alam na!

If I Fall (Taglish)Where stories live. Discover now