Chapter 30[Asawa ko si Zake]

Começar do início
                                    

"Umalis nga kayo diyan" Nabuhayan ako at napatingin sa nagsalita.
Pinapaalis ni Zake si Rain sa gilid ko.



"Ano ba yan pare. First come first serve naman oh" Sabi ni Rain.


Tinignan ni Zake ng masama si Rain at kaagad namang umalis si Rain at nilagay ni Zake ang bag niya sa upuan at umupo.

"Yiiii~ Zake. Namiss moko kaagad??" Tanong ko habang nakangiti.
Di niya ako pinansin at ang mga classmates namin ay nakatingin lang sa amin.

Hi Zake!!

Welcome back Zake.

I love you Zake.

Kamusta ka na baby?

May mga babaeng nagsilapitan kay Zake. Yung isa umupo sa arm ng chair ng upuan ni Zake.

Aba aba!! Ngumiti si Zake!! Kyaaahhh!! Susugurin ko na talaga ang mga babaeng to eh.

Tumayo ako umubo para mapansin.

"Ehemmmm" Ulit kong ubo.
Napatingin sila sa akin at tinaasan pa ako ng kilay. Aba..
Kulang nalang magkaroon ng KILAY PARTY dahil ang ninipis at matataas ang mga kilay nila. Meron ding makapal. Kasing kapal ng mga make-up nila sa mukha.

"Anong kailangan mo??" Tanong ng isang babae.

"Kailangan ko lang naman ang asawa ko. Subukan niyong hawakan ang asawa ko, ilalagay ko talaga kayo sa kilay party" -Sabi ko .

Tumawa sila na parang tanga.
Owsss!! Diba rhyme??
Bagay na bagay talaga sa kanila.


"Haaaay. Pakalat-kalat talaga ang mga feelingera" Sabi ng babae at ngumisi at umirap.

Tinalikuran nila ako at ibinaling ulit ang atensyon kay Zake.

"Hoy Zake.. Ang landi landi mo. Bahala ka nga" Sabi ko at umupo ulit.
Oo!! Nagtatampo ako. Kasi ako asawa niya di niya nilalambing at nginingitian. Minsan lang. Tapos ngayon, ipapakita niya pa yan sa harap ng asawa niya??
Ahhh!! Nakakainis ka Zake!!

"Ganyan talaga siya Xia. Hayaan mo na" Napatingin ako kay Justin sa likuran ko.

"Nahiya naman ako sayo" Tawang-tawa si Rain.

"Oo na Rain! Shut up..... pero bakit ka nagseselos?? Maid ka lang ni Zake hindi ba?" Tanong ni Justin.

Umiling ako at nagseryoso ng mukha. Syempre baka sabihin nila na nagjojoke na naman ako.

"Ano yun??" Sabay na tanong nilang dalawa. Hinihintay ang pagsagot ko.


"ASAWA KO SI ZAKE" Sagot ko.
Nakita kong napakunot ang noo nila. At ilang segundo pa anh nakalipas ay humalakhak sila sa tawa.

"Tssss. Hahaha. Okay lang yan Xia"Sabi ni Rain sabay tapik ng balikat ko.

"Hahahha.. Natural lang ang mangarap ng mataas" Dugtong ni Justin.

"Bakit di niyo ako pinapaniwalaan?? Eh?? Totoo naman, promise!! Tanungin niyo pa si Zake. Hmphh" Sagot ko.

Nanahimik ang lahat ng dumating ang prof namin.
Nagsiupuan na din ang mga babaeng dadalo sa kilay party.

Napatingin siya sa akin at nagulat ako ng tinawag niya ang pangalan ko.

"A-ako ho??"

Hala...Huwag mong sabihing----
Ako ang gusto niyang pumalit sa kanya? Sa pagiging teacher niya??
Nakita niya siguro yung mga kilay girls kaya natakot siya at ako ang mag-sasub sa kanya?
kyaaaah!!! Ayoko. Gusto ko pang magibg flight attendant no. Ayokong maging guro noh. Nakakaistress daw yun.
Palaging may chinecheck na mga papel, palaging nauubos ang laway mo dahil sa kakasalita, palaging basta basta! Ayoko.
Pero, makakatulong ako sa iba diba?? Ano-----

''XIA??" Ulit na sabi ni sir.
Pumunta ako kaagad sa harap.

"Introduce yourself Ms. Farrol"

*sigh* Akala ko talaga, gagawin niya na akong sub-teacher!!

"Hello!! Ako nga pala si----"

"Speak in english please"


"I am Xia Farrol. Me is 16 year olds. Me my aunt is take care of me ,but finally I have saw my grandma and me my aunt and i moved to her house. And Zake is get marry with me and my husband is now is Zake. Hehe. Thank you"

Nakatingin lang ang classmates namin sa akin na nakanganga.
Sabi na nga ba eh, natulala sila sa akin kasi ang galing galing kong mag english!!

Maya-maya pa ay tumawa sila ng malakas. Yung iba parang mamamatay na sa kakatawa.

"Okay class!! Hahaha... Don't laugh at her. Hahaha" Si Ma'am ang gulo-gulo. Don't laugh at her pero siya tumatawa din.



Bumalik na ako sa upuan ko habang nagtatawanan pa din ang mga kaklase ko.

Pagkatapos ng class ay pinapunta ako ni Zake sa canteen. Nakita ko sila doon, nakaupo at nag uusap.

----------

To be continued .....

[April, 13,2017]

Stay With Me #COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora