The butterfly (One Shot)

69 12 6
                                    

Maaga akong gumising ngayon, 'ba syempre naman, importante yata ang araw na 'to.

Inahit ko ang balbas at bigote ko, alam ko kasing ayaw mo ng facial hair.

Suot ko din ang pabangong paborito mo, at ang regalo mong polo.

Winax ko ang bago kong gupit na buhok.

Kailangan ko talagang maging gwapo.

Nakuha ko pang kumindat at ngumiti sa harap ng salamin. Napailing ako sa'king kabaliwan haha.


Ipinarada ko ang kotse ko sa tabi ng daan, at kinuha ang order kong bulaklak kahapon. Yung cake nalang.


"Good morning, sir!"

"Good morming, Mrs. Valdez!"

"Aba, at talagang, napaka gwapo ha." Bola nya sa'kin. Well, gwapo naman talaga 'ko haha.

"Heto ng order mo." At inabot nya ang strawberry cake na favorite mo.

"Salamat po." At umalis na ako.

Hindi ko alam, pero parang may pait sa ngiti nya.


Naiimagine ko ang ngiti mo, mahal. Naalala ko kasi nung hindi pa tayo, grabe naman at talagang napakasungit mo.

Naaalala mo pa kaya nung binato mo ako ng sapatos kasi akala mo sinisilipan kita? Pero ang totoo, pinulot ko lang ang panyong nahulog mo. Sorry ka ng sorry sa'kin nun haha. Nakakakilig kaya na sinusuyo mo ako.

Grabe, isang taon din kitang niligawan bago ko nakuha ang matamis mong oo. Pero gaya nga ng sabi mo, ang mga babae ay gaya ng mga paru-paro. Maganda at mahirap makuha.

Ngayon, 6th year anniversary na natin. Hay, excited na kong makita ka!


Inayos ko ang polo ko, at chineck ang buhok ko sa side mirror ng kotse.

"Gwapo mo, self." Natatawang kausap ko sa sarili ko.

Lumakad ako palapit kung nasaan ka, yung mga paru-paro sa tyan ko, alam mo bang nandito parin kahit na ilang taon na ang lumilipas? Ganun parin kalakas ang epekto mo sa'kin.


"Hi, love..."







Nagulap ang mga mata ko ng makita ang pangalan mong nakaukit sa lapida. Natatakpan ito ng mga dumi at natuyong dahon mula sa puno ng acaciang naglililim sa libingan mo.


"Happy anniversary, love. Miss na miss na kita..."


Hindi ko na napigilan pa, parang bata akong napahiga sa lupang nakatabon sa'yo at parang batang ngumuyngoy sa kakaiyak.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 13, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

The butterfly (One Shot) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin