“How about the identification items?”

 

“Ay, hindi po ah!” alma ko. “Galing po lahat ‘yon sa baby goldfish memory ko!”

Kumunot naman ‘yung noo niya sa sinabi ko. “Baby goldfish memory?” ulit niya.

Tumango ako nang maraming beses. “Opo. Sabi po ni Kuya Chad, ang goldfish daw po, kayang umalala ng mga bagay na tatagal hanggang limang buwan. At dahil ngayon lang po ako nagkaroon ng goldfish memory, baby pa lang siya. Kaya hanggang… dalawang buwan lang po siguro ang itatagal sa utak ko, hehe,” mahabang paliwanag ko sa kanya pero parang di na siya nakinig dahil nagsusulat na siya sa papel.

“Then let’s test your baby goldfish memory,” hamon niya tas inabot ‘yung papel sa’kin.

Nung nakita ko, LIMANG ITEMS NA PURO FORMULA! “WAH! Quiz na naman po? Huhuhu… Dean Sungit naman eh…” halos palahaw ko. Katatapos lang ng long quiz kahapon, gagawin pa niyang longer.

“Kung gayon, hindi ako naniniwalang galing lahat ng sagot mo sa baby goldfish memory mo,” mariin niyang tanggi. “I will assume na kinopyahan mo si Hiro dahil hindi ka nag-aaral and I will definitely inform your parents about this.”

 

Napamulagat ako don! “Hala! Nag-aaral po ako ah! Nitutulungan pa nga po ako ni Kuya Chad eh!” Bakit ako ang pinagbibintangang hindi nag-aaral? Si Hiro nga ‘yung nagka-cutting classes eh!

“Then prove it,” sabi niyang sobrang seryoso. “Dahil may nakakarating sa’king balita na inaaya mo raw maglaro sa computer shop si Mr. Kwok.”

“Ha?! Hindi po totoo ‘yan! Si Hiro po ‘yung—“

Mas nilapit niya sa’kin ‘yung papel at ballpen. “Then answer this and prove me wrong.”

Nakabusangot talaga akong nagsulat dun sa papel. Isusulat ko lang daw kung anong tawag dun sa formula na ‘yon. Buti na lang talaga araw-araw na niche-check ni Kuya Chad ‘yung notebook ko tas pag may bago siyang nakikitang salita, pinapaulit-ulit-ulit-ulit niya sa’king isulat sa whiteboard niya sa bahay. Kaya ayon, nasaulo ko, hehehe.

Tinignan niyang mabuti ‘yung papel nung binalik ko sa kanya. “I’m surprised. Kabisado mo nga ang formula at ang mga pangalan nila pero hindi mo alam kung paano mag-solve gamit ang mga iyon?”

“Mas mahirap po kasi kapag kailangan nang palitan ng numbers, hindi na kinakaya ni baby goldfish memory. ‘Yung formula naman po kasi, constant na ‘yun eh. Samantalang ‘yung mga numbers, nag-iiba-iba bawat question. Tas andami pa nila. Naguguluhan po ako kung anong tamang formula ang gagamitin.”

Huminga naman ng malalim si Dean. “Charlie, walang mangyayari kung puro theories lang ang alam mo. Dapat matuto ka rin kung paano gamitin ang mga iyon nang tama. Mas importante ang application kaysa theories.”

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now