d q tnatanong
sungit mo ah
yabang mu kc
aq pa mybang?
talaga!wg ka magtxt d kta kilala
Use number
Save.
Enter name
KUPAL
Saved!
Jovanie raw ang pangalan nya. Siya yung kasama ni Jm nung kinuha nya yung no. ko. Naipagtanong ko sya sa mga Kaibigan ko at gaya ng panlalait ko sakanya,ganun din ang narinig ko.
“haha yung bulataw na yun? pagpasensyahan mo na”
“naku friend my virus na phone mu!may no. na kasi ni jovanie”
“maraming may ayaw run.haha pero napagtitiisan naman”
Nalaman ko rin na trip nila ang pangunguha ng number ng araw na yun.
Trip pala ang hanap. Tama lang na ipakita ko ang tamang trip.
Naging friends kami. Madalas magkausap sa phone, madalas magkatxt, at nagpipikunan.
Dumating pa sa point na “babe” na yung tawagan namin.
Hindi lang ata minsan na nasabihan ako ng isa raw akong malaking “PAASA”. Ang totoo hindi naman talaga. Kasalanan ko ba kung false alarm pala yung naramdaman ko? kung akala ko sasagutin ko na dahil feeling ko inlove na ako pero hindi pa pala? tapos bigla kong marerealize, friendship lang ang kaya kong ibigay.
Dumaan na ang summer class pero hindi pa kami nagkita nung kupal. Madalas kong kasama noong summer class si Russel at Lester after class
dahil CLSU rin sila nakatira. Si krizia, mas madalas ng kasama yung boyfriend nya . Kapag hindi naman busy si Jen, nakakasama rin namin sa pagtambay sa pond sa likod ng College at pag-iikot sa University nang nakamotor.
“nagbigay ng textmate si Kenneth may jowa naman.”
“haha sino?”
“yung Kevin,taga bagong sikat”
“barkada rin namin yun mabait yun”
“ayun di ko rin masyado tinetxt”
“si jovanie walang gf”
“bestfriend nya yun eh.haha”
“over my dead body”
“Ako nga rin bigyan mo ng katxt.”
“eto si zeza,forward ko nalang”
4th year, 1st sem. Onti nalang. Kung maipepetition ko sa 2nd sem yung mga behind subjects ko dahil sa pagshishift ko ng major, gagraduate ako ng November 2011.
Masaya naman ang buhay estudyante. Lalu na kapag walang klase at kasama mo ang mga kaibigan mong baliw.
“Ganda nakapag add ka na ng philo?”
“di pa te,hirap ihanap ng sked.kaw ba ate anji,makakapag pt ka na next sem?”
“Di pa rin eh. Tanggap ko na. Kahit anong gawin di talaga kaya kaya sabay-sabay tayo nila nek. Sabay-sabay tayong magaganda!”
“Hahaha.trulagen! saka para saan ba‘t pupunta rin don. Geh te,punta lang ako kay kuya Gil”
Feel na feel ko ang high heels ko sa paglalakad papuntang canteen. At ang buhok kong humahampas. Hindi ko naman sinasadya. Nagkataong sunod sa galaw ang buhok ko na madalas nilang napapansin.
Txtm8s (in- between part1)
Start from the beginning
