Nakakaintinding tumango naman ang mga ito pero nagulat na lang kaming tatlo nang pagkatapos gisingin ng ina ko si Zeke— na noo'y abot-abot ang pagpapaumanhin ni Mama at yung nakakagagong abot-abot din na paumanhin ni Zeke dito— ay hinatak ni Mama ang isang kamay ni Kuya Kurt. Kailangan daw humingi ng pasensya ni Kuya kay Zeke sa ginawa nito.

Kinuha ko ang kamay ni Mama na nakahawak kay Kuya Kurt at sapilitang hinila mula dito. "Stop it Ma. Walang kasalanan si Kuya Kurt."

Tinignan ako ng masama ni Mama at marahas na bumulong. Halatang ayaw iparinig kay Zeke. "Sinuntok ng pinsan mo ang pobre tapos sasabihin mong walang kasalanan?! Nasaan ang logic sa pinagsasabi mo Louie Antoinette?!"

"Kurt. Apologize. Right now," Mama demanded to my cousin na noo’y alam kong nagtitimpi na rin dahil sa sinabi ko dito kanina.

And I could not just let my mother embarrass my cousin in front of that jerk!

"No!" sigaw ko at dinuro si Zeke. "That jerk owe me more than an apology and I will not let Kuya be under his mercy just because you caught him red handed Ma!" malakas kong saad bago hinatak ang dalawang kamay ng mga pinsan ko papasok sa loob ng bahay. Iniwan namin sina Mama at Zeke doon sa labas. Bahala silang dalawa. Baka hindi ko matantiya yang si Zeke sa panggugulong ginawa niya ngayon.

"Bunso, sasabihin mo ba kay Mama ang totoo?" tanong ni Kuya Kurt sakin nang makaupo kaming magkakatabi sa sofa. Halata sa itsura nitong takot pa rin kay Mama. Napagitnaan ako nilang dalawa ni Kuya Just.

Kahit naman si Kuya Just eh, halos takasan na ng kulay ang mukha kanina sa konting pagtaas pa lang ng boses ni Mama.

Sometimes, I still can’t believe na despite their manly stance, under pa rin sila sa mercy ng mga elders sa bahay. I mean, iyong natataranta talaga sila. Just like me din siguro though ako na ang mako-consider na pinakagrabe makasagot-sagot minsan kay Mama, hahaha!

Masyado lang sigurong napalaki kami na malaki ang takot sa mga nakakatanda, accompanied by respect.

"Sasabihin mo o sasabihin ko? Alam mong masamang magalit si Mama mo. Dyan ka nagmana eh, kaya alam kong alam mo yan." saad naman ni Kuya Justin sakin.

Kahit kinakabahan na ako eh napangiti pa rin ako sa sinabi nito. "Let me handle this, okay? I will tell her. Pero hayaan niyo na muna akong magsabi."

"Siguraduhin mo yan," panigurado ni Kuya Justin.

"Opo."

There are always two sides to every story. But still, there are intolerably stupid people who overreact after hearing one side of it.

At isa na ang nanay ko doon. Ngayon. Na kung tutuusin eh wala namang sinabi si Zeke. Nakita niyang nakahandusay lang ito sa semento, kami na lumabas na masama.

Kaya nakakainis lang isipin.

Sabay-sabay kaming nagulat when the front door slammed at pumasok si Mama na bitbit ang paper bag at trench coat. Walang Zeke na sumunod sa likod nito kaya medyo napanatag ako. Agad na binagsak ni Mama ang mga bitbit sa sahig at lumapit samin.

Miss Astig 2Where stories live. Discover now