THREE

3 0 1
                                    

AARO'S POV

"Thank you Lori. See you later." At sinara ko na ang pintuan ng sasakyan. Naglakad ako papasok ng music building, maraming bumabati saakin mostly girls well hindi ko sila masisisi kasi gwapo talaga ako. 

A/N: 

ABA'T NAPAKAYABANG MO NAMAN AARO JOSIAH!!! 

(heh, author sorry na ganito mo ako pinalaki e hahaha!) 

HINDI KITA GANYAN PINALAKI AARO JOSIAH MAGING HUMBLE KA NAMAN!!! 

(can't do that author!!! byeeee!!! isulat mo na yung story ko!!!) 

AH BASTA UMAYOS KA HA. 


back to AARO'S POV

So ayun nga, hindi ko sila talaga pinapansin kasi kapag pinansin ko sila baka may masugod sa school clinic ng wala sa oras ang aga pa o! Ang aga pa para magpakilig ng mga fangirls ko! 

Habang naglalakad ako papuntang auditorium kung saan gaganapin ang closed practice ng banda eh naisip kong may mapagtitripan ako sa klase, matagal narin kasi akong hindi nantitrip dahil rin sa isang babae, aish nevermind niyo na yun kasi matagal ko pang ikekwento yon! 

Isa pala akong bassist sa banda namin, minsan nagvovocals din ako pero second voice lang lagi. Pero daig ko pa bokalista namin wag kayo ako kasi pinakasikat sa banda namin, oh diba? Iba talaga pag gwapo. 

*AARO JOSIAH!!! BE HUMBLE!!!* 

oo na author, eto galit na galit e!

*HEH!* 

So ayun na nga nakarating na rin ako sa auditorium finally. Btw, I'm taking up Architecture too. Diba see you later ang sinabi ko kay Lori kanina? It means magkikita nga kami mamaya kasi may klase ako mamayang hapon at ka block ko siya nun. 

I prefer Lori than Lorianne or Maarika, ang unique kasi eh. Tsaka it suits her face. Oh walang malisya yun ah? Hindi pa nga kami masyadong magkakilala nun eh ahaha! 


-AUDITORIUM-

Dumating ang favorite kong kanta, pinapractice namin kakasimula palang buti at dumating na si Kid, pero ang kinagulat ko eh may kasama siyang babae. Sino kaya yun? Hindi ko mamukhaan kasi malayo yung stage sa pinto. 

Habang papalapit ng papalapit sila Kid at yung kasama niyang babae ay napasigaw kaming dalawa... 


"Miss White?!"

"Richardson?!" 


oh diba pormal na pormal, surnames pa ang tawagan namin. 


"This is a closed practice, sinong maysabing pwede kang pumasok dito, Lorianne?!" Oh diba galit na galit ako, ayoko kasi talagang may nanonood sa practice namin eh makikita naman nila kami magperform sa stage. 

Dahil sa sigaw ko ay napayuko si Lori at mukhang nagpipigil ng iyak niya. Si Kid naman ang sumagot sa tanong kong pabalang kanina. 

"I brought Maarika here, chill out Josiah." Yun lang ang narinig ko dahil inis pa rin ako. Maarika pala ang tawag niya kay Lori. Hmm atleast hindi Lori. 

Napatingin naman ako sa baba ng stag ng biglang magsalita si Lori, 

"kuya Kid, mabuti pa babalik nalang ako sa building namin. Baka makaistorbo lang ako sa inyo eh. Napanood ko naman na kayo kanina, I better go. May klase pa ako ng alas tres eh." Sabi niya, oh shit!! Oo nga pala may klase pa ako sa Archi 1. Kaka alas dos palang eh, pero mas mabuti nang maaga para sa unahan makaupo! 

Lori.Where stories live. Discover now