ONE

9 0 2
                                    

Characters:
Kathryn Bernardo as Lorianne Maarika White
Daniel Padilla as Aaro Josiah Richardson

LORIANNE'S POV
"Hoy, Maarika!!! Gumising ka na nga jan!" Sigaw ni manang.

"Manaaaaang, maaga pa!" Reklamo ko.

"Anong maaga? Trenta y minutos nalang eh, malelate ka na sa klase mo!" Napadilat ako dahil sa narinig ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tiningnang thirty minutes na nga lang talaga at malelate na ko sa unang araw ng klase! Ngayon pa ako nalate oh! Paano na first impression saakin niyan?!

"Manang, naplantsa na ho ba ang damit ko? Sila mommy po ba, umalis na?" Tanong ko habang inaayos ang kama ko.

"Oo anak, umalis na ang mommy at daddy mo. Ang baon mong pera nasa baba, maligo ka na oh. Handa na rin ang sasakyan sa baba." Sabi niya.

"Pwede niyo ho ba akong gawan ng sandwich ngayon, manang? Sa kotse nalang ako kakain." Paliwanag ko.

"Ohsiya, sige sige. Dalian mo na at magbibihis ka pa."

Matapos sabihin yon ni manang ay dumiretso na ako sa banyo mabuti nalang at nakaligo ako kagabi, inamoy ko ang aking buhok hindi pa naman mabaho. Mag dadry shampoo nalang ako at mag hahalf bath para mabilis.

Matapos kong mag halfbath ay nakapag toothbrush na rin ako sa shower. Nagbihis na ako at kinuha na rin ang bag ko.

Dali dali akong bumaba, mabut at may twenty minutes pa ako. Nakakita ako ng isang libo sa center table at kinuha ko naman yun at nilagay sa wallet ko. Kinuha ko na rin ang sandwich na gawa ni manang.

Nasa kamay ko na rin ang susi ng sasakyan ko at lumabas na ng pintuan para pumunta sa garahe.
Dali dai na rin akong sumakay sa kotse ko at agad na pinindot ang remote upang bumukas ang gate ng garahe.

May 15 minutes pa ako para umabot sa first class ko. Smooth ang pagdadrive ko hindi ganoon ka bilis pero pag may dumaan agad ay kailangang malakas ang pagkakapreno ko kundi mamatay ang kung sino mang tatawid.

At eto na nga ba ang sinasabi ko, inapakan ko ang preno ko dahil muntikan nang mamatay tong lalaki na to! Pero in fairness gwapo siya ha, at mukhang musically inclined siya. May dalang gitara eh, malay ba natin baka props niya lang or what.

Bumaba ako ng kotse ko at nakita ko naman ang mukha niyang inis na inis na nakatingin sakin. Nakaupo siya ngayon sa daanan. Lumapit ako para magsorry at para tulungan siya. Nilapit ko ang kamay ko para kunin niya ngunit pinalo niya lang ito.

"Alam mo, dapat hindi ka nagdadrive eh!" Bungad niya sakin.

"Alam mo hindi ka dapat tumatawid dito e! Kita mo bang walang pedxing dito?! Uso gumamit ng overpass oh!" Sabay turo ko sa overpass. At tsaka wala kasi talagang pedxing dito, hindi ko nga alam kung bakit siya biglang sumulpot kung saan eh.

"I came out of my car to help pero ikaw pa tong galit eh ikaw naman tong may mali!" Bulalas ko pa.

"I'm sorry, kuya. Pero kailangan ko nang umalis. Malelate na ako sa klase ko eh." Paalam ko pero naalala kong may tatanungin nga pala ako.

"Saan ka nga pala nagaaral? Papasok ka ba ngayon?" Tanong ko saka ikinakunot naman ng noo niya.

"None of your business, Miss." Sungit na sagot niya. Paalis na sana siya pero pinigilan ko ulit siya. Dahil napansin ko ang namecard na nakasabit sa bag ng gitara niya.

"Hillmoore University?" Tanong ko.

Napatigil naman siya at tumingin siya sakin. Inangat ko ang id ko at ngumiti sa kanya.

Lori.Where stories live. Discover now