TWO

6 0 0
                                    

Characters:
Kathryn Bernardo as Lorianne Maarika White
Daniel Padilla as Aaro Josiah Richardson

LORIANNE'S POV
Habang naglalakad ako sa hallway sa third floor ay kinakain ko ang sandwich na gawa ni manang. Hay, pero gutom pa rin ako. Medyo malapit lang naman ang music building dito. Check ko muna sched ko kung kaya ko pang pumunta don.

3 pm -------------------- Archi 1.

5pm --------------------- Basic Drawing

6 pm -------------------- Physical Education

Wow, may pe subject pa pala ako? Sabagay freshie. Ugh, siguro stressful tong year na to? Char. Keri yan! 12 pm palang pala, so may time pa akong maglibot or I should say maglakad papuntang music building. Habang nakatingin ako ng maigi sa schedule ko ay hindi ko na natingnan ng maayos yung nilalakad ko. May nabunggo tuloy ako. Natapon yung sandwich ko pero nasa kamay ko parin yung sched ko. Pero ako nasa sahig T__T sakit ng pwet ko huhu!

"Hala! Miss, sorry!" Lalaki pala yung nabangga ko, kaya pala malakas yung impact eh! T^T

"Ako nga dapat magsorry, kasi hindi ko tinitingnan yung dinadaann ko! Huhu sakit!" *pout* Paliwanag ko.

"Gusto mo bang mag clinic, miss?" Tanong ni kuya. Bat ang pogi din nito?! >.<

"Ah eh, heh, okay na po ako. Pero yung sandwich ko hindi, pero okay lang bibili nalang ako. Asan ba yung cafeteria dito?" Tanong ko nang makatayo na ako.

"Hindi mo alam?" Tas tiningnan niya yung id lace ko.

"Ah, freshie ka pala. Samahan nalang kita. Ilibre nalang kita kung ayaw mong magpasama sa clinic." Sabi niya pero nakatingin parin siya sakin.

"Ah, talaga? Ang bait mo naman po haha." Tawa ko pero parang plastic yung labas non kasi dalawang ha lang yung tinawa ko.

"What's your name?" Panimula niya.

"Lorianne Maarika." Sabi ko.

"I think I've heard that name before. Actually kanina ko lang siya narinig, sa ka banda ko." Paliwanag niya.

"Sinong ka banda? Wala yata akong kakilala sainyo kasi unang araw ko palang dito haha." Tumawa ulit ako.

"Oh uh, nevermind that."

Nasa tapat na kami ng elevator at bumukas ito. Pumasok kami at pinindot niya ang ground floor.

Ilang seconds lang ay nasa ground floor na kami. Nakalimutan kong itanong sa kanya ang pangalan niya.

"What's your name? Senior ka na ba dito?" Tanong ko.

"You can call me, Kid. Yes, actually I am."

"Graduating ka na pala! Kuya Kid nga dapat ang itawag ko sayo! HAHAHA" oh ayan totoong tawa yan ah!

"Kid will do, pero ikaw kung saan ka komportable." Mukhang mabait naman to si Kuya Kid eh. Atleast may bago na akong friend! Woo hindi ko nga lang ka batch or ka block mate lang sana hahaha :-(

Nakarating na kami sa cafeteria at medyo marami ang tao. Marami ang bumabati kay Kuya Kid, marami ring nakatitig lang sa kanya. Marami ring nakatitig saaking babae. Hmm, bakit kaya? May dumi ba ako sa mukha?

Kinalabit ko si Kuya Kid, at tinanong kung may dumi ba ako sa mukha.
"Kuya, may dumi ba ako sa mukha? Ba't halos lahat ng babae nakatingin saakin?"

Napatawa naman si Kuya Kid, siguro nga may dumi ako sa mukha kinuha ko ang panyo ko at, dinampi dampi sa mukha ko.

Hinawakan naman ni Kuya Kid ang kamay ko at binaba yun.
"Wala kang dumi sa mukha, Maarika." Sabi niya, thanks God! Pero nagtataka pa rin talaga ako kung bakit nakatingin sakin ang mga babae.

Lori.Where stories live. Discover now