"Alam ko na. Ok lang ako tsaka kaibigan naman natin si Levi so it's okay." sabi ko

"Oo nga. No secrets for brother's" sabi ni Levi.

"Halika na. Kailangan na natin magpractice." sabi ni Louie.

Pumunta na kami sa court at nahihiyawan kaagad sila. Chill guys! Practice pa lang to.

Gagalingan ko para sa kanya.

^•^

^•^

^•^
Elena  (Point Of View)

"Beshy cheer mo naman si babe mo!" sabi ni Kat.

Habang kumakain ako ng fries nasamid ako bigla.

"Sorry beshy. Ito inom kang coke mo." sabi ni Kat na hinihimas yung likod ko.

Ininom ko na yung cokefloat ko.

"Sorry akala ko babe mo na siya eh. M.U pa lang pala." sabi ni Kat

Nabuga ko yung iniinom kong cokefloat buti na lang walang tao sa harap ko.

"Pinagsasabi mo ba?" sabi ko

"M.U na kayo diba?" sabat ni Hannah.

"Mag-isang umiibig." sabi ko.

"Eh sino naman yun?" sabi ni Shane.

"Siya mag-isang umiibig." sabi ko.

"Beshy kailangan mong mag-promise sa amin. Kapag tinanong ka niya kung pwede kang ligawan kailangan mong umOo." sabi nilang tatlo.

"What!? No way! Na uh." sabi ko at uminom ng cokefloat.

"Please!" nagpuppy eyes pa si Hannah at Kat.

"Girls! Di bagay." tawa ko.

"Ang bad mo." sabi ni Kat.

"Ang cute kaya namin. Diba?" sabi ni Hannah

"Oo naman." Agree ni Kat at nag-apir silang dalawa.

"Hindi OK lang. Kahit di mo gawin. Ok lang sa amin, di kami masasaktan. Mas importante naman yung hindi mo pag-sangayon sa kanya kesa sa friendship natin kaya OK lang talaga." emote no Shane.

Grabe nila ako pahirapan ha. Grabe talaga sila.

"Ok OK. Pag-iisipan ko muna. Tutal kapag nagtanong lang naman siya kung pwede manligaw diba?" tanong ko.

"You sure? Oo kung magtatanong lang siya." sabi ni Shane.

"Fine!" sabi ko at niyakap nila akong tatlo.

"Mag-cheer ka naman beshy! Tignan mo si Chris pursigodo dahil may inspiration! Yieee!" sabi ni Kat.

"Haba ng hair!" sabi ni Shane.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Sige na nga pero isa lang.

"Go Star!!" sabi ko.

Binatukan ako ni Shane. Ang sakit. Himas himas ko yung ulo ko.

"Gaga! Cheer mo si Chris hindi yung section natin. Abnormal ka talagang babae ka." sabi ni Shane.

"Nabatukan na nga, na gaga pa at na abnormal. Meron pa bang iba?" Sabi ko.

"Sige na kase girl parang sasabihin lang eh." sabi ni Hannah.

"Oo na! Pinagtutulungan niyo ako eh" sabi ko.

"Go Chris!" sabi ko.

"Lakasan mo naman girl! Wala na bang ilalakas yan?" sabi ni Shane

Ito na nga eh lalakasan na eh.

"GO CHRIS!!!!!! DO YOUR BEST!" I shouted loudly.

Napatingin siya sa akin pati na yung mga kaibigan niya. Patay na! Huhuhu!

Nahiyawan lahat. "Ayieee!" sigaw nilang lahat.

Ako naman napayuko na lang sa sobrang hiya. Niyugyog nila akong tatlo.

"Girl!! Tignan mo si Chris nakangiti!" sabi ni Shane

"Nagbablush siya!!! Kitang-kita ko!" sabi ni Hannah.

"Girl! Sikat ka na naman nito sa room." Asar ni Kat.

I'm dead! Usapan na naman kami nito. What have I done???? I'm sooo stupid! Bwiset!

Tumingala ako at nakita kong niyuyugyog si Chris. Inaasar asar din siya at napapangiti na lang siya dahil doon.

Nang matapos ang practice nila. Nagpaalam na ako at dire-diretso na sa labas. Tinext ko na si Manong para magpasundo.

Habang hinihintay ko si Manong. May tumawag sa akin.

"Elena" tumalikod ako at nagulat ako ng makita si Chris.

×××××

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now