"Nice meeting you rin po," ani Xander.

Si Mama ang maraming kwento habang kumakain kami. Si Xander naman, parang hindi mapakali sa kinauupuan niya. Hindi ko naman siya masisi, mukhang nagulat talaga siyang ipapakilala ko siya ngayon sa buong pamilya ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Xander mula sa ilalim ng mesa. Napatingin naman siya kaya nginitian ko agad para pumanatag naman siya.

"Ikaw Xander, ano namang business ng family niyo? Or work ng father mo perhaps?" out of the blue ay tanong ni Mama.

Mukhang nagulat si Xander sa tanong kaya uminom muna siya ng tubig saka humarap kay Mama.

"Uhm, bale may maliit po kaming grocery store saka po burger stall." Halata sa boses ni Xander na hindi siya komportableng sabihin ang mga 'yun. "Nagta-trabaho rin po si Papa," aniya pa.

Alam ko ang tungkol sa grocery store nila Xander. Nakapunta na kami doon minsan. Marami silang parokyanong nagsa-sari sari store dahil mas mura ang benta nila lalo na't wholesale. Hindi naman 'yun kalakihan tulad ng ibang may pangalan nang grocery store pero mukhang malaki naman ang kita. Sa labas nun, ang sinasabi niyang burger stall.

"Oh, that's nice!" sabi ni Mama. Hinahanap ko 'yung sarcasm sa boses ni Mama pero wala naman 'yun. Mukhang na-impress naman talaga siya. "Saan nagta-trabaho ang Papa mo?"

"Sa MVB Productions po," walang gatol na sabi ni Xander.

Napatingin kaming lahat kay Xander. 'Yung mga negosyo ng Papa niya alam ko pero 'yung nagta-trabaho si Tito Alex sa MVB? Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dun.

Mukhang napansin ni Xander na napatingin kaming lahat kaya naman tumingin siya sa akin sa nagtatanong na mata.

"Anong pangalan ng Papa mo?" tanong ni Kuya Maico kaya lumipat ang tingin ni Xander sa kanya.

"Uhm, Alex Montemayor po," nag-aalangan pang sabi ni Xander.

"Oh! Ikaw pala 'yung anak ni Alex," ani Kuya. Bumaling siya kay Mama kapagkuwan. "Mama, you remember Alex? He's one of our assets in the company."

Tumango agad si Mama saka tumingin kay Xander. "Yes, Alex Montemayor. No wonder you look familiar." Kapagkuwan ay tumingin sa akin si Mama. "Naku hija, you did a great choice."

Natuwa ako sa sinabi ni Mama kaya nakangiting tumingin ako kay Xander. Nakangiti siya ng konti pero halatang hindi siya natutuwa sa nangyayari. Hindi ko naman kasi akalain na empleyado ni Kuya ang Papa niya. MVB Productions is Kuya Maico's company. MVB, from his name Maico V. Buenaventura.

Matapos nilang malaman ang tungkol sa pamilya ni Xander, wala nang tigil sa pagku-kwentuhan sina Mama at Kuya Maico. Mostly ay tungkol sa kompanya at nababanggit nga doon si Tito Alex. Tahimik na si Xander at ni hindi na rin tumitingin sa akin.

Gusto na sana kaming isabay ni Kuya Maico sa pag-uwi pero tumanggi kami ni Xander. Nasa ibang way kasi ang uuwian namin at ayos lang naman kaming mag-commute. Pero hindi naman pumayag si Mama kaya nagpumilit siyang mag-taxi na lang kami.

Tahimik si Xander sa biyahe. Hinawakan ko ang kamay niya pero ni hindi man lang siya gumanti ng hawak. Ganun lang kami sa buong byahe. Nakatingin siya sa labas habang nakahawak ako sa kamay niya.

Pagkarating namin sa bahay, niyaya ko siyang pumasok. Hindi naman siya tumanggi at pumasok na lang sa loob.

"Xander, may problema ba?" tanong ko agad. Hindi ko na kakayanin ang silent treatment niya na yan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ang alin?"

"That you're goddamn rich, dammit!" Hindi siya tumitingin sa akin pero nakikita ko 'yung galit niya.

"K-kaya nga kita p-pinakilala..."

"Pero nagmukha akong tanga doon! Una, nalaman kong sobrang yaman mo pala. Tapos ano? Empleyado niyo pa ang Papa ko? Sinong hindi maiinis dun?" pasigaw na sabi niya, ngayon, nakatingin na siya sa akin.

"Hindi ko naman alam..."

Hindi ko mapigilang mapahikbi. Ang akala ko kasi magiging maganda ang kalalabasan ng gabing 'to. Ang akala ko matutuwa si Xander oras na ipakilala ko na siya kina Mama. Mali pala ako.

"Hindi tayo bagay Mica..." malungkot na sabi niya saka tumungo.

Nag-panic agad ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya saka pinilit na humarap siya sa akin.

"Ano bang pinagsasasabi mo d'yan? Wala namang kaso sa'kin o kina Mama kung mayaman ka o hindi a? Hindi mo ba nakitang gusto ka nila?" sabi ko agad.

Umiwas siya ng tingin sa akin at umiling kapagkuwan.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Ayokong mawala si Xander sa akin. Hindi ngayon, hindi kahit kailan at lalong hindi sa ganitong dahilan lang.

"'Wag ka namang ganyan, Xander. 'Wag mo namang gawing issue 'to please..." Inilapit ko sa bibig ko ang mga kamay niya. "Wala akong pakialam kung hindi ka mayaman. Wala ring pakialam ang pamilya ko dun. Kaya please... 'wag mong gawin 'to o... 'wag mo kong iiwan."

Inalis niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at inilagay sa pisngi ko.

"Tumahan ka na." Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kamay niya. "Alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak e," aniya pa.

"Kasi naman e..."

"Hindi kita iiwan, okay? Tumahan ka na d'yan."

Hinampas ko agad siya sa braso. "Nakakainis ka!" sabi ko saka basta na lang pinunasan ang mga luha ko.

Hinila niya agad ako saka niyakap ng mahigpit.

"Natatakot lang ako, Mica. Natatakot akong hindi ko kayang maibigay lahat ng magustuhan mo."

"Tanga ka ba?! Wala naman akong ibang gusto e, ikaw lang," sabi ko.

Ramdam ko 'yung pag-ngiti niya. Humalik siya sa pisngi ko saka nagsalita.

"Natatakot ako pero hindi ibig sabihin na hindi na kita mahal." Niyakap niya ako ng mas mahigpit pa. "At mamahalin pa rin kita kahit buong mundo ang humadlang."

My Poker-Faced GuyWhere stories live. Discover now