"Ang sabi mo kanina may nakakatakot itong kuya. Bakit hindi ka magpractice kung paano haharapin iyon? Pagpracticesan mo ako." Seryosong seryoso si Knight. He even crossed his arms.

"What the hell! I can handle that!" Tapos ay iniwasan nya si Knight at tuloy tuloy na lumabas ng bahay na iyon. Napapunas pa sya ng pawis ng makasakay sa kotse nya. Takte! Mahirap pala manligaw, dadaan ka muna sa kahihiyan. Tsk! Nakakahiya ang ginagawa nya.

..

..

..

Tanghali nang nagising si Anya. Ang sarap ng tulog nya. Grabe! Totoo ba ang mga nangyari kahapon?

"Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl?" Kanta ni Lenny with matching dance step at iwinawagayway pa ang buhok. Binato naman ni Anya ng unan ang kaibigan nya.

"Gaga!" Singhal nya dito.

"Aray ko naman! Napakabrutal mo talagang babae ka!" Binato din ng unan ni Lenny si Anya. "Handa na po ang pananghalian. Baka gusto nyo na pong bumangon at magkwento tungkol sa kahabaan ng hair mo?" Humalukipkip pa si Lenny.

"Ano naman iku-kwento ko?" Anya looked away tapos nag blush pa sya. Parang teenager lang. With matching hawi pa ng buhok and lagay sa likod ng tenga pa yan at halatang nagpipigil ng kilig.

Halata namang naasar si Lenny dahil hindi na nya napigilan ang sarili at hinablot ang buhok ni Anya.

"Aray! Gaga ka bitiwan mo ang mahaba kong hair!"

"Bwisit! Sobrang haba nito putulin natin! Kumekerengkeng ka na dahil sa buhok na ito! Isang Damien Friol at isang Jin Kingson Estude! Mag share ka!" Tapos ay nagsabunutan na silang dalawa. Nagpagulong gulong sa kama. Normal na harutan nila yang sakitan eh. Nang mapagod ay sabay silang nagtawanan.

"Oo nga pala mars, nagtext ang mga suitors mo!" Kinikilig pa na sabi ni Lenny.

"Sabi ni Damien.. Goodmorning Anya, I miss you already. Yesterday was amazing except the last part. Please call me when you're awake." Nangingisay-ngisay pa na sabi ni Lenny. Bigla namang sumingit si Manuel.

"Che! Mas sweet yung text ni Sir Kingson no! Sabi nya ganito. Antonia, don't you dare go out today. I told you, I'm not kidding. You don't want me mad. I don't share what is mine. Oh di'ba taray maka-angkin lang akala mo nabili na nya 'tong gagang 'to. At huwag ka ang taray din ng name sa phone book. I'm Yours! Kayaaahh!!!" Nangisay pa si Manuel. Nanlaki naman ang mga mata ni Anya. 'I'm Yours' daw? Haba ng hair! So iyon pala ang ipinalit ng boss nya na pangalan sa phonebook ni Anya.

"Pinaki-alaman nyo ang cellphone ko?" Kunot noong tanong ni Anya. Bwisit talaga tong dalawa na 'to. Kinikilig tuloy sya pero mamaya na sya maglulupasay kapag wala nang nakakakita.

"Tumawag din ang kuya mo. Yari ka daw >_>" sumipol pa si Lenny.

"Nagtext din ang ate Ban mo. Magkita daw kayo nandito sila sa Manila." Dugtong pa ni Manuel.

__·____#)> Ilang message pa kaya ang mga binasa ng mga 'to.

"Pero hindi ka pwedeng umalis today, mayayari ka kay Sir!" Bawi pa ni Manuel

"Mamili ka Mars, mayayari ka sa greek god mong boss o mayayari ka sa kuya mo? Basta ako si Damien ang pipiliin ko." Sabi pa ni Lenny. At nasaan pala si Damien sa pagpipilian?

..

..

"Oh my gosh! Grabe na-missed ko na kayo!" Excited na sabi ni Ban kina Knight at Aisha. Nagkita-kita sila sa isang restaurant ng isang five-star hotel. Kasama din nila si Patrick.

It's Him! My Jerk Boss!Onde histórias criam vida. Descubra agora