39

22K 632 24
                                    

39

Siguro consistent ang 200+ readers na yan na nag-aabang ng update sa story na to…ano kaya kung lahat ng yan mag cocomment ano? O vote? O di ba, hansayasaya lang! Pero sa totoo lang, sobrang busy kaya hindi ako nakakapag update araw-araw lately…

***************************

Kenan went back to Tagaytay, he wanted to talk to Daphne and he wanted to clear things up. Kailangan niyang maayos ito sa lalong madaling panahon. Nandun na ang Nanay niya nung dumating siya ng bahay. Naabutan niyang umiiyak si Daphne.

“Nay?”

Agad na tumakbo ang dalaga papunta sa kanya. “Kenan, totoo ba? Totoo ba na nag-asawa ka na? At si Penelope yun? Hindi ba ang sabi nya, pinsan mo siya?”

Ang Nanay talaga niya, nauna na namang nagsabi kay Daphne ng totoo…mali..hindi nga pala sila mag-asawa ni Penelope, nagkukunwari lamang na mag-asawa.

“I’m sorry, Daphne, but it’s true.”

“no! You’re just joking me! Alam ko na hindi mo asawa si Penelope, alam ko na nasasaktan ka lang dahil iniwan kita. Please Kenan! I’m already here. Pupuwede na tayong magsimula muli.”

Kung siguro noon pa ito sinabi ni Daphne sa kanya, baka matutuwa siya, pero iba na ngayon, hindi niya alam saan nagsimula pero wala na siyang anumang nararamdaman sa kaharap. Pupuwede silang magsimula pero bilang magka ibigan na lamang.

“It’s true,Daphne, hindi sa naghihiganti ako sayo, wala na yun sa akin. Talagang asawa ko si Penelope at mahal ko siya. Bumalik lamang ako rito para ayusin ang lahat ng sa atin, at para kapag bumalik ako sa kanya, maayos na ang lahat.”

“No! Hindi ko matatanggap yan, Kenan!” Umiiyak na umalis ito ng bahay nila, susundan sana siya ni Kenan pero pinigilan siya ng ina.

“Hayaan mo na muna, anak. Matatanggap rin niya ang lahat. Sa ngayon, mahirap pang intindihin ang mga nalaman niya.”

*****************

Samantala, nag-aayos si Penelope ng gamit niya sa bag nung makita niya ang calling card na ibinigay ni Charyd. Hindi pa nga pala siya totally nakapagpasalamat sa lalaki. Kinuha niya ang cell phone para tawagan ito. Nakaka tatlong ring pa lang yata siya nung sagutin nito ang tawag niya.

“Hello.”

“Hi, Charyd, right?

“Yes, speaking.”

“It’s Penelope.” Pagpapakilala niya.

Reyna ng Arte V.S. Hari ng DeadmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon