END

26.1K 711 36
                                    

49

OO, tama, true! Pak! Plangak! End na po ito! Wag na kasing magreklamo, magcomment at vote na lamang kayo sa baba...wahahaha! Salamat

************************8

“the oldies are not so atat in our wedding right, Mamon? Imagine, two months from now! Gosh! Like I’m soooo natataranta na!”  Reklamo ni Penelope kay Kenan.

“Akala ko ba gusto mo ng mag-asawa, ngayon na nai-set na ang date saka sasabihin mong ang bilis, ang mabilis eh yung Linggo lamang ang pagitan.”

“You don’t know how girls like us prepare, Mamon! I still need to diet pa, look at me na oh, I have little fats na.” Reklamo pa rin ni Penelope.

Tinignan ni Kenan ang itinuturo ni Penelope na fats niya, saan? Eh ang payat nga ng nobya. Pero para hindi na humaba pa ang usapan ay nanahimik na siya.

“See! You are not making imik! So, I’m so mataba na talaga right?” Nagmamaktol na ito. Tuloy kinurot ni Kenan ang magkabilang pisngi niya.

“Wala ka ngang kataba-taba, Cookie, ang kailangan mo ay kumain ng marami at nang magkalaman ka.” Which is true. Isa pa, kahit siguro tumaba pa si Penelope, mamahalin pa rin niya ito.

“I want to be beautiful during our wedding!”

“You will be, and I know that you will be the most beautiful bride that I will ever see.”

“I’m sooo kilig, Mamon.” Natawa tuloy si Kenan, kinurot na lamang niya ang mga pisngi ng nobya. Now he imagined that his life with her will never be dull, alam niyang lagi siya nitong mapapasaya.

Naging busy na ang lahat pagkatapos, ang daming kakailanganing papeles para sa kasal, although meron namang mag-aasikaso pero ganun pa rin. Kailangan nilang tignan ang venue kung okay na ba dahil mukhang marami-rami ang pupunta dahil pareho sila halos ng mundong ginagalawan. Kailangan rin nilang I check ang mga pagkaing ihahanda, even the flowers, kailangan pa nilang I approve, at higit sa lahat, aligaga si Penelope sa wedding gown na isusuot niya. Naapailing si Kenan, kung anu-anong beads ang gustong ipalagay, simpleng white wedding dress nga lang ay alam niyang okay nan a isusuot ng nobya dahil maganda na ito. Pero siyempre, lahat ng kakailanganin ng nobya niya ay pagbibigyan niya. Ganun niya ito kamahal.

They decided to invite everybody na naging party ng buhay nila, siyempre si Pranco ang bestman at ang kaibigan ni Penelope ang maid-of-honor.  Malaki ang reception na kailangan nilang kunin dahil ang dami nilang kaibigan, hindi rin dapat mawawala ang mga suki at ang mga taxi drivers ni Kenan, present rin dapat sina Lola Rose at Lolo Mel.

“Mamon, will it be fine if I will invite Charyd?”

“Bakit?” Nakasimangot na tanong ni Kenan, talagang hindi niya gusto ang Cha-cha na yun kahit kailan.

“Because he’s my friend, like do I have a dahilan other than that?” Alam niyang hangang ngayon ay asar pa rin si Kenan kay Charyd na kung tutuusin ay hindi naman dapat.

“Gusto mo bang imbitahan ko rin si Daphne?” Asar ni Kenan.

Reyna ng Arte V.S. Hari ng DeadmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon