2-The Brother

39.8K 801 17
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

2

Lunes na naman, kahit naman dalawa lang silang magkapatid ng Kuya niya na si Pranco Daniel Ang, at alam niyang mayaman sila. Hindi naman sila pinalaki ng mga magulang niyang sina Hernando Ang at Conchita Ang na  iresponsable. Maaarte nga lang siya at brat kung minsan, sanay naman kasi siya ng nakukuha ang gusto niya, nasanay siyang isang prinsesa at spoiled sa kapatid niyang lalaki.

Tulad ngayon, kailangan niyang pumasok ng opisina kahit medyo masama ang pakiramdam, kailangan kasi dahil aasikasuhin niya pa ang maiden issue ng bago nilang magazine para sa mga bata. They decided to venture not only in lifestyle magazines and other health magazines but also they entered in the world of the teens and the kids. 

Ang Kuya naman kasi niya ay inaasikaso rin ang kanilang real estate business, may sarili na rin itong negosyo, isa kasi siyang racer. So bukod sa family business ay busy rin ito sa kanyang sariling business. Bihira niya na nga itong makita ngayon, lalo na nung nain-love ito sa kanyang artistang girlfriend na ayaw na ayaw niya. Maganda pa kaya siya dun. Pero kahit sino pa ang mahal ng Kuya Pranco niya, mahal niya na rin.

“Yaya Emma, I don’t like the food today.” Nasa harap na siya ng hapag kainan, as usual, wala ang mga magulang niya, may meeting dito, conference duon, tour dito, tour duon. Nakalakihan na niya. Si Yaya Emma na talaga ang nakagisnan niyang parang magulang.

 “Anong gusto mo iha?” Talagang ang bait ng yaya niya.

“I like fresh mango juice ,chicken hotdog and two slices of bread.” Parang fast food lang ano kung makaorder ito, kasi nga mayaman sila, lahat ng gugustuhin nyang kainin, meron sa mansion nila.

“Iha, nagdidiet ka ba? Wala man like rice dun?”

She rolled her eyes, sabi nga ng daddy niya, that’s so unlady like and it’s not an appropriate attitude.

“Yaya, I don’t like to eat much, sabi ni Wella, I’m so fat na raw.” Lambing niya sa matanda, eto lang naman ang hindi niya kayang awayin, mahal na mahal niya ito at alam niyang ganun rin ito sa kanya.

“Iha, hindi ka mataba. Payat mo nga eh. Pag nakita ka ng Daddy mo na ganyan na kapayat, pagagalitan kaming lahat nun, akala niya di naming inaalagaan ang unica hija niya.” 

“Me ng bahala kay Dad, Yaya.” Mabilis na dumating ang breakfast na gusto niya.

“Yaya, baka I will be late pag-uwi ha, tell Manong Filemon na I will call him if magpapasundo ako. Kainis yung car, hindi pa okay, kaya this Saturday, I’ll buy a new one.”

“Sige Iha. Darating nga pala ang Mommy at Daddy mo galing China bukas.”

“Okay Yaya.” Parang wala lamang na sabi niya.

****

Hindi pa naman siya nalate nung dumating siya ng opisina. Kahit naman ubod siya ng arte ay nirerespeto pa rin siya sa opisinang yun. Pagdating kasi sa trabaho ay sobra siyang istrikto. Ayaw na ayaw niya ng marumi.

Pag dating ng kanyang opisina na kulay pink ang halos lahat ng gamit ay diretcho siyang umupo sa kanyang pink na swivel chair ng biglang may gumapang na maliit na alam niyang daga.

Bigla nagtitili siya. She hates rats and cockroaches!

Napasugod tuloy ang kanyang sekretarya.

“Ma’am?”

“Who the hell is cleaning here? I want them to get out of my building now!”

“Ma’am, bakit po?”

“Can’t you see, there is a rat! I don’t pay them for nothing, you know what I hate ha, Lynette, now call a pests control and I want my office to be disinfected now.”

“Ye-Yes Ma’am.” Nanginginig na umalis ang kanyang secretary.

“Hey, ang aga namang bulyaw yan, Babe.”

Tinaasan niya ito ng kilay, ang kanyang nag-iisang kapatid na si Pranco Daniel Ang.

“What made you visit me Pranco Daniel?”

“Chill. I just missed you Babe.” Humalik ito sa pisngi niya. Namiss niya rin naman ito. Ito lang kaya ang nag-iisa niyang kapatid na kahit sobrang kulit ay ito lang ang kayang magtiis sa mga tantrums niya. Babe ang tawag nito sa kanya, tuloy nung college sa Spain, kapag may pinagseselos itong girl, siya ang ginagawang panangga.

“Ma’am, excuse po, papunta na raw po ang tinawagan naming pest controller.” Kinakabahan pa rin sabi niya.

“Did you already make a memo to fire the one who’s in charge in cleaning my office?”

“Babe, you don’t have to do that. Ah, Ms. Beautiful?” Tawag nito sa secretary niya na noon any nagblush dahil sa ginamit na endearment ni Pranco. “Please assign a new personnel to clean my sister’s office, okay.”

“Hey! Who told you to intervene with my decision?”

“Hey, don’t you know that I am the only son of the owner of this building? Therefore I can decide too.” Asar niya sa kapatid.

“Heh! Now, tell me my dear bro? Why are you here?”

“I just would like you to be my special visitor in opening of my newest branch of Gear to Fear at MOA.”

“Really! Wow, congrats brother Pranco Daniel.”

“Thanks Babe, you know I hate that name.”

“But it suits you, sounds like a newbie in a Mexican teledrama, with your 6’1” height, that luscious lips, of course, don’t forget the soft curls, and the so beautiful eyes with matching long curly eyelashes, oh, I’ll die for you, my Pranco.” Those were the lines in one of her crazy exes.

“Penelope Danielle! You know I don’t wanna hear those lines again.”

Tumawa si Penelope. “Okay Pranco, I’ll still have a lot of business to attend to, just send me the invitation.”

“Are you trying to throw me out?” Nakangiting tanong ng kapatid.

“Uh huh! Your pang-amoy is so malakas.”

“Okay, then, can I ask your secretary to go out with me?”

“Don’t you dare do that!” Naiinis na sabi niya.

“Pikon, see you around Babe.”

Pagkaalis ng kapatid ay tinawag niya si Lynette, she needs to be sure that her efficient secretary is still around.

“Ma’am?”

“Don’t you ever listen to Pranco, okay. Now, where are those people who will disinfect my office?”

“They are already outside Ma’am.”

“Send them in.” Utos niya.

“Good morning po, Ma’am.”

That voice and that face! That drop dead gorgeous taxi driver is in front of her!

Reyna ng Arte V.S. Hari ng DeadmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon