Chapter 22 - Dude Pare Dre Tol Tropa Brad Friend MARTIN! SORRY! ^______^v

104 0 0
                                    

CRYSHNELLE'S POV

Kanina pa kaming dalawa ni Martin dito. Nagkukwentuhan lang kami. Well I guess... wala nang gap saming dalawa? :D Ang kulit niya nga eh! Grabe! Kung ano ano ung mga pinagkukwento niya sakin. Like mga kalokohan nila nila Jay sa Veltrine.. Mga ganun. Hahaha. Nagtitinginan na nga samin yung mga tao sa lakas ng tawa ko sa mga kwento niya eh! Syet nakaka-wa poise! 

Umorder pa nga kami ulit para lang makapagstay pa tsaka habang hinihintay namin sila. Ang tagal naman nila?

Kinwento niya rin kung pano siya natutong magluto.

Yung unang niluto pa nga daw niya hindi manlang niya natikman kasi iniwan niya lang daw sa lamesa tapos nag naligo at bihis siya. Pagbalik niya nadatnan niya kakaubos lang daw nung driver nila! Akala daw kasi nung driver eh un ung meryendang hinanda nung maid nila. Narinig pa nga daw niyang pinintasan yung niluto niya eh. Nabadtrip daw siya kaya ayun binawasan niya yung sweldo nung driver! Buti nga di ni pinatalsik eh.

"HAHAHAHAHA! Anong sabi sa luto mo? Anong pintas?"

"Ampakla daw ng lasa! Kung hindi lang daw siya gutom eh di niya yun kakainin. Nakakainis talaga! Napaso pa nga ako nun eh! Tas sasabihan niya lang na mapakla, tapos HINDI KO PA NATIKMAN! Nakakaasar! Edi kung mapakla sana di niya nalang inubos para natikman ko manlang gawa ko diba!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA! O-oy teka, anong oras na? Bakit wala pa rin sila dito?" Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa relo niya tapos biglang naging ganto yung mukha niya ---> O__O 

"Crysh 5:30PM na pala! Hala yung mga yun! ANo na kayang nangyari?!"

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!?!?!?!5:30pm na?!?!?!

"Taeng yan! Teka lang!" Kinuha ko yung phone ko.

7 text messages. Yung dalawa galing kay Sab, tapos ung iba galing sa barkada.

From: Jay

"Crysh san na kayo?? Bakit ang tagal niyo umuwi????????!!!"

From: Morris

"Crysh oyy umuwi na kayo dito! Ang tagal niyo!"

From: Elaine

"Girl bakit di pa kayo umuuwi? aabutin na kayo ng dilim jan!"

From: Maira

"Hoy babae nag enjoy yata kayo masyado jan ah? Uwi na kayo! Mag gagabi na! Tagal niyo!"

From: Tiffany

"Uwi na kayo. Ang tagal niyong dalawa jan."

BWISET YAN! BAKIT PURO GANYAN TEXTS NILA?????? ANO BANG MERON? TSAKA BAKIT NAKAUWI NA SILA?!??!?!

Binuksan ko naman yung text ni Sabrina.

From: Sabrina

"Girl. Nauna na kami ha. Nung papunta kasi kami jan sa jollibee, nagkasalubong kaming lahat tapos biglang nagtext sakin yung isang nandoon, nagkaproblema raw sa resort. Eh kinailangan ko nang bumalik kaya hinila ko silang lahat, di na namin kayo napuntahan jan. Sorry talaga friend. Sabay nalang kayong umuwi ni Martin. Ha? Pasensya na talaga. Yung deal, basta ako nalang manlilibre sa inyo. Ha? Sorry talaga. Sige. Uwi kayo ni Martin ah! XD

HINDI KO ALAM PAUWI! PANO YAN?!?!?

Tumingin ako kay Martin, nagbabasa din yata siya ng text msgs. Napatingin din siya bigla sakin.

"Alam mo pauwi?" Tanong niya sakin. O___O

Hala? Di niya rin alam? NAKOOO! PANO NA TO!

"Hindi eh! Hala tae naman oh!"

Hanggang saan aabot ang BENTE PESOS mo? (ON HOLD)Where stories live. Discover now