Chapter 14 - Mind reader ka ba kuya?

79 0 0
                                    

CRYSHNELLE'S POV

Kyaaaaaaaaaaaa~ CHRISTMAS BREAK NA! WHOOOOO! No Projects, No Exams, No Stress! YAAAY! Kaso lang... Si Mama, kinailangang pumuntang Australia-- nanaman. kasi may aasikasuhin daw sila sa business namin.. Psh. Lagi nalang. Simula naman nang nag disappear si papa na di malaman kug saan napunta, puro na siya BUSINESS, BUSINESS, BUSINESS! BUSINESS-IN ko kaya mukha nun! Pero syempre joke lang. Mama ko pa rin un! <3 hahah. So, kami nanaman lang ni Kuya George at si bunsoy my labs na si Dave dito sa bahay... hayy... Sa mga ganitong panahon talaga, di ko mapipihilang mamiss si papa... Saan ba kasi yun nagsuot? kainis naman. Tapos, malapit na rin ako magdebut pero wala parin siya... Psh. Asa pa ako. teka speaking of debut.... SA FEB NA YUN AH! Wala bang plano si mama na ipagcelebrate ang birthday ko? Shett lang. -____- Feb 12 ang birthday ko. Debut ko na. Tanging hiling ko lang naman eh, kahit simpleng celebration lang, basta si papa ang escort ko. Oo hindi kami close ni papa, pero kasi naiinggit ako noon nung nag birthday si Maira nung July....

--FLASHBACK--

"Elaine bilisan mo nga! takte. Maganda ka na! tama na yan! Lamunin ka jan ng toilet bowl sige ka! malelate na tayo sa party!" Sigaw ko kay Elaine with matching pagkalampog ko sa pinto ng banyo. Paano kasi, paganda pa ng paganda eh maganda naman na! Such an Insult. -___-

"Oo eto na lalabas na! Makapagmadali to! Anong oras na ba!" Natataranta na ring pagkakasabi niya pagkabukas niya ng pinto ng banyo.

"7pm na! 8 yung party bilisan mo! baka matraffic pa tayo!" kinuha ko na yung bag ko tapos chineck ko na rin baka may naiwan pa akong gamit.

"Kuya! iandar mo na yung kotse! Pababa na kami." Sigaw ko kay kuya George kasi siya maghahatid samin dun. Alangan nakagown and all kami tapos magddrive ako? NO WAY! =))

"Bilisan niyo sayang gas! Hahahahah." Weh ang epal lang ni kuya. -___-

"Ano ba! Halos pwede na na nga lang tayong mag tricycle sa lapit ng venue eh! makaano naman to! tara na nga! mas excited ka pa ata kay Maira eh siya tong magdedebut!" Pang aasar pa sakin ni Elaine habang palabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse. Kaya nandito si Elaine sa bahay eh kasi wrong timing masira yung kotse niya, so dito siya natulog kagabi, dala dala na rin ung mga gamit niya, para sabay daw kami magpunta. Eh dun lang naman sa malapit na hotel ung venue eh. Pero bonggang hotel yun wag ka. Hahaha.

Maya maya rin, nakarating na kami sa hotel. Pumunta na kami dun sa mismong venue and POOF! Nanlaki ang mga mata namin ni Elaine. Nagmasid kami... May Photobooth, may bigscreen, maraming guests tapos ang elegante tapos anlaki at ang ganda. Sarap magpapicture sa bawat kanto ng venue. Amp! Hahahaha. 

"Crysh... m-ma..may.....Photobooth..." Nauutal pang sinabi ni Elaine tapos nanlalaki ung mata at anlaki din ng ngiti na para bang naglalaway na sa pagkakita sa photobooth. -___-

"Oh oh pigilan mo.. pigilan mo... mamaya na tayo jan... hanapin muna naman natin ung may birthday diba?" Alam ko naman na kasing binabalak niyang sunggaban un. Ni hindi pa nga namin nababati si Maira e. hahaha. grabe pagkavain.

"Eh pano naman natin un makikita eh mamaya pa entrance nun! Duuuhhh. tara na kasi photobooth tayoooo. Please???" Psh. Onga no. DI ko naisip un ah. Pero all this time, sino nga kaya escort nun? Di niya sinabi e! Secret daw amfufu. -___-

"hayy. Ona sige na tara na! Isa lang muna ah tas mamaya nalang ulit. Pero uy, alam mo ba kung sino na escort niya? I mean oo all this time laging SECRET sagot niya satin, pero di ka ba nakatunog manlang kung sino?" tanong ko sa kanya habang pumunta kami sa pila sa photobooth.

"Hindi eh. Nakaka-curious no? May lovelife ba yun? Di naman nagsheshare kung meron man..."  Sabi niya habang nagreretouch NANAMAN siya.

"Hmm.. abangan nalang natin mamaya.. haha. O ayan sunod na tayo. ^___^" bigla niyang tinago ung pressed powder niya sa pouch niya nung sinabi kong next na kami. Haha.

Hanggang saan aabot ang BENTE PESOS mo? (ON HOLD)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz