1

15K 256 85
                                    

Rise and shine sunshine! ☀️

Time check is now 6:47 AM, and is brought to you by my cellphone with a remaining 6% battery life.

"Good morning tequila!" I patted her head and played with her face. Gigil much! She grumbly faced to the opposite side and never faced at me once again.

"Hmp suplada! Kala mo naman maganda." Surprisingly, she turned around and stared at me, tongue out. "Hala hala galit ka na nyan?"

Di niya inalis ang tingin niya sa akin which is funny at dahil ayoko rin magpatalo kaya di ko rin siya tinigilan. I can stay up like this for the whole day if it means winning this staring game. Haha! I slowly moved and stood up from bed not breaking the eye contact and she did the same. Talagang hinahamon ako neto ha? Hala sige laban na tuuu.

"Alyanaaaa!" Oh shit si mama. "Bumaba ka na. Nandiyan ba si tequila? Di ko siya nakita dito." Dagdag pa niya. Nang narinig ni tequila ang kanyang pangalan ay agad siyang bumangon at tumakbo papuntang pintuan.

"BWUAHAHA YOU LOSE, LOSER!" I jeered.

Arf arf!

Pabaling baling ang kanyang tingin sa pinto at sa akin.

"Alyana! Tequila! Bumaba na nga kayo." Sigaw na naman ni mama. Tequila wiggled her tail tila bang alam niya ang ibig sabihin ng pagtawag ni mama sa kanya.

Arf arf!

"You hungry ugly dog?" I kneeled and hugged her. "Hoy pangit gutom ka na?"

Arf arf!

"ALYANA! ISA! BUMABA KA NA! PAG ETO UMABOT NG TATLO MALALAGO--"

"OPO MAAA PABABA NAAA!" Hay nako etong si mama napaka short tempered. Dali dali kong binuksan ang pinto tsaka kumaripas ng takbo si tequila pababa ng hagdan. Ewan ko nalang kung mahulog siya.

*blag blag blag*

"Hala!" Agad kong chineck si tequila at tama nga ako, nahulog sa hagdan ang panget kong aso. "Panget na nga ang baby ko inangkin pa ang pagiging tanga!" Tumakbo ako sa kanya at kinarga siya. "Masakit ba? Tanga ka kasi. Haish!" Kahit naman inaaway ko to at inaasar na pangit, love na love ko to masyado. Huhu.

"Ano yung narinig ko?" Mama appeared from nowhere.

"Si tequila ma nahulog." Sagot ko at lumakad na papuntang kusina.

"Panget na nga tanga pa." Mama

"Ay grabe ka ma wag kang ganyan sa aso ko." Pagtatanggol ko. Ako lang ang may karapatang mambully sa baby ko. 😭 Himas himas si tequila ng bigla siyang tumalon at tumakbo papunta sa kanyang pwesto. "Ay grabe siya basta pagkain parang hindi nahulog." Umupo na rin ako sa upuan upang makapag almusal. "Si kuya po ma?" Tanong ko.

"Di umuwi."

"Si Anton?"

"Umalis na."

"What? Bakit ang aga?" I'm referring to our youngest brother, Anton.

"Parang naman hindi ka nasanay. Di na tayo magtataka kung sakaling papalitan na niya ang gwardiya ng paaralan niya." Lol, napaka joker talaga ni mama. Insert sarcasm.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon