"Psh! You really love to trip me." Nakabusangot na sabi niya at tsaka niya pinitik yung noo ko. Natawa nalang ako at tsaka ko kinurot yung pisngi niya.

"Gustong-gusto ko nga 'yong reaksyon mo eh." Tatawa-tawang sabi ko sa kanya.

"Kulit mo ah." Pabirong kiniliti niya ako kaya kiniliti ko rin siya. Ayun. Yung kaninang kiliti lang ay napunta sa harutan.

"Tama na nga. Kinikilig ka na naman sa akin." Mayabang na sabi niya habang nakahiga siya sa lap ko at pinaglalaruan ang daliri naming dalawa.

"Anong kinikilig? Ikaw kaya, namumula ka oh!" Turo ko sa kanina pang namumulang mukha niya.

"Nagsalita ang hindi namumula." Ngising sabi niya. Sabay kaming natawa sa kalokohan namin.

"But seriously. Ilang gusto mong anak?" Biglang tanong niya kaya natatawang pinalo ko yung abs niya. Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin.

"Ikaw ha? Tsansing ka babe. Gusto mo bang makita? Sige papakita ko." Nagulat ako ng bigla niyang itaas yung damit niya kaya napatakip ako ng mukha ko.

"Bat nagtakip ka pa?" Natatawang sabi niya at tsaka kinuha ulit yung kamay ko at hinalik-halikan. Nakita kong nakababa na yung damit niya.

"Mga kalokohan mo, Wadensel! Pero, If I given a chance to have.."

"Pang beauty pageant babe ah?" Tumatawang sabi niya. Pinalo ko naman siya.

"Tumahimik ka nga!" Natatawa ko ring saad.

"Hindi ba kayo nagsasawang maglambingang dalawa? Araw-araw kayong ganyan. Sakit na kayo sa mata." Sabi ng kadarating si kuya Zeijan. Hindi naman namin siya pinansin at patuloy lang kami sa pag-uusap.

"May naririnig ka babe?" Inosenteng tanong sa akin ni Wadensel.

"Wala naman babe. Tayo lang naman yung tao dito ah? Baka multo?" Kunyaring natatakot ako. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbusangot ng kuya ko habang nakatingin sa amin.

"Aba! Maang-maangan pa kayo!" Sigaw niya sa amin. Kumunot yung noo ni Wadensel kaya ginaya ko rin siya na ikinatawa niya. Ginagaya ko lang siya.

"Hala! Tumaas balahibo ko babe! Baka multo nga!" Kunyaring gulat na sabi niya at tsaka napaupo sa tabi ko.

"Takot ako sa multo!" Kunyaring takot na takot na reak ko at tsaka kami nagyakapan.

"Binibwisit niyo ba ako?!" Si kuya. Nagtinginan kami ni Wadensel at tsaka niya tinignan yung nasa paanan niya pati sa silong ng upuan namin.

"Wala dito yung nagsasalita babe. Baka nasa bulsa mo. Tignan mo dali! Kawawa naman." Hinalughog ko naman yung pocket ng pajama ko na kunyaring naghahanap.

"Wala talaga babe. Baka naupuan mo?" Pa-inosenteng sabi ko. Tumayo naman siya para tignan.

"Wala, babe. Baka naupuan mo?" Sabi niya din sa akin. Tumayo ako at kunyaring naghahanap.

"Wala babe, eh. Tara na nga. Baka namamaligno na tayo." Yaya ko sa kanya. Pigil ang tawa naming dalawa at tsaka nilagpasan si kuya na namumula na sa inis.

"Ah ganon? Pwede ka ng umuwi Wadensel." Biglang napaharap sa kanya si Wadensel.

"Ah! Kuya Zeijan! Andito ka pala? Gwapo mo ah?" Pang-uuto niya dito pero nakatingin lang siya ng masama sa amin.

"Hindi! Uwi!" Mariin na utos niya. Inakbayan naman siya ni Wadensel.

"Eto naman. Di ka na mabiro." Panlalambing niya sa kuya ko. Nakangiting pinagmasdan ko lang sila.

"Wag mo 'kong malambing-lambing diyan. Nakakadiri ka. Umuwi ka na! Kanina ka pang umaga nandito. Sawa na ako sa pagmumukha mo!" Singhal sa kanya ng kuya ko. Nakita kong napangiwi doon si Wadensel at tsaka ako nilingon.

"Eh ano naman ngayon kung sawa ka na sa pagmumukha ko? Girlfriend ko naman yung sadya ko dito." Mayabang na sabi niya at tsaka nag-crossed arms.

"Kuya niya ako kaya may karapatan akong pauwiin ka!" Di nagpatalo si kuya sa kanya.

"I'm his boyfriend and she have the right to say that I'll go home. Not you." Supladong turan niya dito. Binatukan naman siya ni kuya.

"Pinagloloko mo 'ko! Umuwi ka na sabi! Bukas ka na mambulabog!" Sabi niya dito.

"I don't like. I'll sleep here!" Kumunot ang noo ni kuya sa sinabi niya.

"At saan ka matutulog? Hindi naayos ang guest room!" Singhal ni kuya. Napangisi bigla si Wadensel.

"Edi sa kwarto ni Sam. We're going to make a baby!" Natatawang sabi niya. Pero natigil siya sa pagtawa ng may magsalita sa likod namin. This time si kuya naman ang napangisi.

Uh-oh. You're in trouble, babe.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon