"H-Hello po, sir. I'm Samantha Mika Montecillo." Nakipag-beso ako sa lolo niya at namataan ko yung step-mother niyang nakataas ang kilay sa akin habang nag-iisa doon sa isang gilid habang may hawak na wine. Bigla nalang niya akong inirapan.

"Don't call me sir. Lolo nalang iha." Nakapikit--ay nakangiting sabi niya sa akin. Tumungo naman ako dahil naramdaman kong umakyat yung dugo sa mukha ko kaya hindi na ako magtataka kung halos mamula na ako dito.

"O-Okay po. L-L-Lo..L-Lololo!" Nauutal na sabi ko. Nagtawanan naman sila pati na din si Wadensel. Napapout nalang tuloy ako.

Nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni Wadensel. Nakangising itinago niya yung mukha ko sa dibdib niya.

" L-L-Lo..L-Lololo! Nahihiya 'tong soon to be wife ko." He chuckled. Psh! Ginaya pa talaga ako! Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya kaya tinawanan niya ako ulit at paulit-ulit na binigyan ako ng halik sa noo.

"Sorry babe. Come on, I'll introduce you to my relatives." Hinila niya ako sa garden nila kung nasaan yung mga relatives nila.

"Wow! May bumabang anghel!" Biglang lumapit sa amin yung isang ka-edad naming lalaki at kukunin sana yung kamay ko ng ilagay ako ni Wadensel sa likod niya. Selos na naman 'to.

"Back-off Chad!" Wadensel.

"May I call your attention please. I want to introduce that this lady beside me is my girlfriend and soon to be wife! And all to my dear cousin's. She's mine!" Malakas na sabi niya at sakto para marinig ng lahat.

Bigla naman akong kinilig sa sinabi niya kaya napakagat nalang ako sa ibabang labi ko habang pinipigilan yung pagngiti ko. But I can't help it.

He's very sweet. Lagi nalang niya akong pinapakilig araw-araw.

"Oh? Binabakuran na ni Wadensel! Ayos yan! Mana ka sa aming mga tito mo!" Sigaw naman nung isang matipunong lalaki na gwapo.

Gosh! Pinapaligiran ako ng mga gwapo. Hinanap naman ng mata ko si Pat pero hindi ko siya mahanap.

"Psh! Girlfriend pa lang naman eh. Pwede pang maagaw. D..."

"She's my soon to be wife! Tumigil ka nga!" Inis na turan niya sa pinsan niya. Hinawakan ko naman yung kamay niya para pakalmahin siya.

"Tama na nga yan Chad. Inaasar mo na naman yang pinsan mo." Napatingin ako sa lolo nila na nasa tabi na namin. Habang inaawat yung dalawa.

Natatawang itinaas nung Chad yung kamay niya na parang sumusuko.

"Im just kidding. Pero to be honest, she's very pretty. Sorry, she just catch my attention." Sabi nito at tsaka niya ako kinindatan. Mas lalong humigpit naman yung hawak sa kamay ko ni Wadensel.

"Easy ka lang apo. Mahal ka niyang si Sam. Hindi ka ipagpapalit niyan." Natatawang sabi ng kanyang lolo. Napabuntong hininga naman ito at tsaka niya ako hinila ulit pero bumulong siya.

"I should've not invite any of my cousins!" Inis na bulong niya sa akin. Tinignan ko naman siya.

"Pati pinsan mo pinagseselosan mo. I find it cute. Pero don't worry. Loyal ako sayo babe." I winked at him at nakita ko naman kung paano mamula yung mukha niya. Kunyaring naiinis ito pero napapangiti naman. Natawa nalang ako sa itsura niya.

Pinakilala niya ako lahat sa mga tito at tita niya. Pati na din sa mga pinsan niya pero ni isa sa kanila ay hindi niya hinayaang mahawakan ako.

Mga manyak at maldita daw kasi. Baka manyakin or saktan daw nila ako at baka makapatay pa daw siya dito sa bahay nila. Natawa nalang ako sa sobrang pagkaseryoso niya. Hindi ko nakita si Tito at si Pat sa paligid. I wonder kung nasaan sila.

Pagkatapos akong ipakilala ni Wadensel sa kany ay hinila niya ako papunta sa kusina nila. Nagulat naman ako sa nadatnan ko. Sina tito at Pat. Seryosong nagluluto. Natawa pa ako dahil sa naka-dress ng maikli si Pat habang maarteng sumasandok.

Nagpipigil ako ng tawa dito habang si Wadensel naman ay pinaglalaruan yung buhok ko sa likod ko. Ang hilig niyang laruin eh. Biglang napalingon sila sa amin.

"Hi tito! Hi Pat!" Tuwang-tuwang lumapit ako sa kanila at tsaka ko sila niyakap na dalawa. Tinignan ko naman yung niluluto nila. Mukhang masarap!

"Iha! Sorry we're not there. Pinaghahandaan kasi namin ang pagdating mo dito. We want to personally serve you. Ganyan ka ka-welcome sa family namin." Bigla naman akong na-flatter sa sinabi ni tito. Napatingin ako kay Pat na titig na titig sa akin.

"Stop staring. Isa ka din!" Asar na sabi ni Wadensel sa kapatid. Npahalakhak nalang siya at tsaka ako sinipat ulit.

"Gosh! Girl. I love your outfit. Pwedeng akin nalang 'yang heels at dress mo pagkatapos nito? I love it talaga!" Nagpapadyak na sabi niya. Bigla naman siyang binatukan ni tito.

"Patrick! Mahiya ka naman. Ibibili nalang kita ng ibang dress." Bigla naman akong natuwa para kay Pat sa sinabi ni tito. Tanggap na tanggap talaga niya at sinusuportahan. I adore tito for that.

Biglang nagningning ang mga mata ni Pat.

"Talaga dad? Sabi mo 'yan ha? I want 15 dresses." Umikot-ikot pa siya. Nakangiti akong pinagmasdan silang dalawa at tsaka ako napalingon kay Wadensel na iiling-iling na pinagmasdan sila.

"Dress freak!" Asar sa kanya ni Wadensel. Umupo ako sa isang stool ay tsaka ko sila pinagmasdang tatlo. Ang tatlong lalaki na Tuazon.

"Jealous bastard!" Hindi naman siya nagpatalo.

"Ugly!" Wadensel.

"Warfreak!" Pat.

"Ga..."

"Dem..."

"Kapag hindi kayo tumigil na dalawa. Hindi ko kaya papalapitin kay Sam." Gulat na napatingin ako kay tito na nasa tabi ko na.

"Hala! Ba't ako nasali tito?" Nagtatakang tanong ko. Ngumisi naman siya at tsaka tinuro yung dalawa.

Gusto kong matawa dahil para silang inosenteng bata na tumahimik. Bumalik sa pagluluto si Pat at si Wadensel naman ay kunyaring tinutulungan yung kapatid niya. Pero kitang-kita kong nagsisikuan sila.

"Ikaw pinapam-black mail ko sa kanilang dalawa kapag nag-aaway. Kaya napapatigil ko sila." Natatawang bulong sa akin ni tito at tsaka lumapit sa dalawang anak niya. Pinagmasdan ko nalang sila at iginala yung paningin ko.

Mula dito ay natanaw ko ang step-mother nila na mag-isa na naman. Wala siyang kinakausap. Mukhang ayaw din nila sa ugali niya at mailap din siya sa mga tao. Sadyang maamo lang siya kapag si tito ang kausap niya. Napabuntong hininga nalang ako. Ganyan talaga kapag nagmamahal. Nagbabago pagdating sa'yo. Kagaya nalang ni Wadensel.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt