Chapter 29

417 13 0
                                    

Andito ako ngayon sa mall. Pinayagan ako ng mga kuya ko dahil may bibilhin akong mga gamit dito. Hindi ko din kasama si Wadensel dahil kinailangan siya sa company nila. Laging si kuya yung update niya pagdating sa akin.

Hindi kasi ako pwede sa cellphone. Hindi lang 'to dahil sa sakit ko, dahil din 'to sa allergy ko. Ako na yata ang taong ipinanganak na maraming allergies.

Nagpunta ako sa may book section. Nagtingin-tingin kung anong magagandang basahin pero wala akong nakita. Nilibot ko nalang ang mall tsaka kung ano ang gusto kong bilhin ay binibili ko. Habang naglilibot ako ay hindi ko inaasahang makikita ko dito si Lance.

"Sam?" Ngumiti ako sa kanya at tsaka ko siya kinawayan. Napatingin naman siya sa likod ko na parang hinahanap kung may kasama ako.

"Mag-isa ka? Where's your friends?" Kunot noong tanong niya.

"Wala sila. Tsaka ako lang nandito. May binili lang. Ikaw, sino kasama mo?" Tanong ko sa kanya. Nagkamot naman siya ng batok at tsaka siya may itinuro sa bandang NBS kung saan ako galing kanina.

"Sinamahan ko yung kapatid ko. Teka, tulungan na kita." Kukunin niya na sana yung pinamili ko ng tanggihan ko. Nakakahiya naman sa kanya.

"A-Ah hindi na. Pauwi naman na ako eh. Tsaka sabi ni kuya dapat 6 pm nandun na ako sa bahay." Paliwanag ko sa kanya. Nakita ko naman kung paano lumunkot yung mata niya.

"Kumain muna tayo bago tayo umuwi!" Masayang alok niya. Gusto kong tumanggi pero pinagbigyan ko na. May thirty minutes pa naman ako eh. Tinawag naman niya yung kapatid niyang lalake.

"Hi!" Masayang bati ko sa kanya pero kumunot ang noo ko ng hindi siya nagsalita at bigla nalang namula ng nagtangka kong hawakan yung hair niya. Napatingin naman ako kay Lance na natatawa sa tabi niya.

"Ba't ka namumula? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya at tsaka ko kinapa yung noo niya. Wala naman ah? Tsaka mas lalo siyang namula sa ginawa ko.

"Hala! Anong nangyayari? Wala ka namang lagnat baby boy." Sabi ko sa kanya. Dali-dali naman siyang nagtago sa likod ni Lance.

"Crush ka ata ng kapatid ko Sam." Natatawang sabi niya.

"Kuya!" Sita niya rito kaya natawa nalang kami dahil sa mahiyain 'tong kapatid niya. Magkamukha sila. Parehong gwapo pero may pagka-nerd nga lang 'tong bata dahil sa laki ng salamin niya.

Nagpunta na kami sa isang restaurant at tsaka kami kumain. Nagkwento naman si Lance about sa kanila ng kapatid niya. Makulit daw, madaldal tsaka sobrang makapal daw yung mukha kaya naman nakatikim ng suntok sa kanya ang bata niyang kapatid.

Ang saya nilang pagmasdan. Halata mong laging nag-aasaran at magkasundo sa lahat ng bagay. Tukso nga lang si Lance dahil lagi niyang kinukulit ang kapatid niyang si Larry.

Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Pagkarating ko sa bahay ay wala sina kuya. Nasa company kasi sila kanina at sinama ako doon pero wala naman ako nagawa doon kaya gumala nalang ako sa mall. Inilapag ko yung pinamili ko sa kusina at tsaka ko inakyat yung kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto ay lalakad na sana ako papunta sa kama ko ng bigla nalang akong matumba at naglikha ng ingay. Hindi ako nakaramdam mg hilo basta ang alam ko lang ay biglang bumagsak ang katawan ko. Ngayon lang nagparamdam ang sakit ko simula noong nahilo ako doon sa school.

Sinubukan kong tumayo at maglakad papunta sa kama ko. Feeling ko pagod na pagod yung katawan ko pero hindi ako makaramdam ng hilo. Inaantok ako at tsaka nanghihina. Napasapo nalang ako sa mukha dahil sa kabang nararamdaman ko.

Bakit feeling ko lumalala?

Narinig kong may kumatok sa kwarto ko.

"Ma'am okay lang po ba kayo diyan?" Tanong ng isang kasambahay.

"Ayos lang po ako. May nahulog lang ako." Nanghihinang sabi ko.

Nahiga ako sa kama at tsaka ko pinikit yung mata ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ayokong sabihin 'to kina kuya. Ayokong sabihin sa kanila.

Sawang-sawa na akong pumunta sa hospital. Sawang-sawa na akong kinakaawaan nila. Hindi ko man nakikita ay nararamdaman ko 'yon. Hindi ako manhid. Nagmamanhid-manhidan lang.

"Dad, where's Wadensel?" Tanong ko kina daddy dito sa office niya sa bahay.

Sinenyasan naman niya akong tumahimik muna dahil may kausap siya sa cellphone niya. Pinabayaan ko nalang siya at tsaka sila pinagmasdan. Yung tatlong kuya ko ay may binabasang papeles. Si mommy naman ay seryosong nagpipirma. Wala akong maka-usap dahil busy silang lahat.

Napabuntong hininga nalang ako. Nung isang araw ay mas naging busy sila. Wala na kaming oras magpapamilya. Sina kuya naman ay pumupunta-punta sa ibat-ibang lugar kaya minsan lang kami makumpleto.

Kagaya nalang ngayon. Pero may ginagawa sila about sa company. Naiintindihan ko naman yun eh.

Lumabas ako ng office at wala pa ding nakakapansin. Napangiti nalang ako ng mapakla. Nagpunta nalang ako sa kwarto ko at doon nanuod ng Korean Movie. Kahit papaano ay naibsan ang pangungulila ko sa kanila. Kilig na kilig kasi ako sa korean drama na Love in the Moonlight. Ang gwapo nung prinsipe.

"Baka ipagpalit mo na ako niyan." Napalingon ako sa may pinto at nakita kong nandun si Wadensel. Nakabusangot yung mukha niya habang masama ang tingin sa akin. Tinignan ko lang siya ng inosente.

"Hi babe!" Sinalubong ko siya ng yakap. Pagkatapos ay hinalikan niya ako ng mabilis sa labi tsaka kami naupo sa couch ko dito sa kwarto ko.

"Mukhang pagod ka. Hindi ka na sana pumunta dito." Sita ko sa kanya. Napanguso naman siya.

"Na-miss kita eh. Tsaka hindi uso sa akin ag salitang pagod kapag ikaw ang pinag-uusapan babe." Malambing na sabi niya at tsaka niya tinanggal yung coat niya.

Niyakap niya ako sa gilid at inunan ko naman yung ulo ko sa dibdib niya. Nanuod naman kaming dalawa hanggang sa napapangiti ako sa eksena. Naramdaman ko naman yung kamay ni Wadensel sa baba ko at tsaka niya iniharap yung mukha ko sa kanya.

"Mas gwapo ako sa prinsipeng 'yan. Ako nalang ang titigan mo." Tinitigan niya ako sa mata tsaka siya kumindat. Pabirong pinisil ko naman yung ilong and I gave him a peck on the lips that made him smile while blushing.

"Ikaw lang naman yung mahal ko eh. Wag kang magselos diyan." Natatawang sabi ko at tsaka ko ibinalik yung tingin ko sa tv.

Nagpatuloy nalang kami sa panonood. Gosh! Yung dalawang bida dito, bagay na bagay sa personal! Pero gwapo rin si Jin Young. Nakakainlove siya!

Tuloy lang ako sa panonood hanggang sa naramdaman kong nakatulog na yung taong mahal ko. Naiiling na pinagmasdan ko siya. Mabuti nalang at lumipat kami kanina sa kama.

Pinagmasdan kong mabuti yung mukha niya. Ang gwapo ni Wadensel. Mukhang mabait pero paggising parang tigreng galit.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon