"Salamat!" Masayang sabi niya. Sinipat naman siya ni Wadensel.

"Damn it babe! You didn't bring your extra pants?" Nakita naming naka-skirt pa kasi siya. Ang ganda talaga ni Sam. No wonder, madaming lalaki ang nabaliw sa ganda niya pero kagaya ko. Walang pag-asa.

"I forgot." Nakangiwing sabi niya. Napabuntong hininga naman si Wadensel at tsaka niya tinanggal yung leather coat niya at ipinulupot sa bewang ni Sam. Naka-black na t-shirt na lang si Wadensel ngayon.

"Let's go." And a sweet gesture. Inakay niya si Sam habang nakahawak siya sa bewang nito na parang aagawin namin.

Possessive! Nabakuran na niya talaga si Sam. Napailing nalang ako habang natatawa. Sumunod nalang kami sa kanila na pupunta sa rooftop. Doon kasi kami kakain.

"Ang sweet nila noh?" Tinignan ko ng masama si Zander tsaka ko siya binatukan. Imbes na magalit siya ay natawa nalang siya.

"Oh bakit?" Inirapan ko nalang siya.

"Ano naman ngayon sila kung sweet? Naiinggit ka ba?" Singhal ko sa kanya. Natawa siya at tsaka mas lalong lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Kung ikaw kaya ang tanungin ko? Inggit ka sa kanila?" Sinuntok ko yung tiyan niya kaya napasigaw siya. Naglingunan naman sila. At bago pa sila makapagtanong ay nagsalita na ako.

"Natatae lang siya. Kanina pa niya sinasabi." Ngisian ko si Zander. Tinignan niya ako ng masama.

"Gago. Sakit non ah!" Binelatan ko nalang siya at natatawang nakipagkulitan ako kina Vic. Naramdaman ko naman yung pag-akbay sa akin ni Zander kaya pinabayaan ko nalang.

Nang nakarating na kami sa rooftop ay agad akong napatakbo sa lamesa ng makita ko yung fried chicken.

"Heaven!" Inamoy-amoy ko pa yung hita ng manok at tsaka ko nilamutak.

Pagkain 'to! Dapat hindi inaatrasan kung nasa harapan na. Inalok ko naman silang lahat kasi napatigil sila sa ginawa ko kanina. Naiiling na lumapit na sila at tsaka sila umupo.

"Patay gutom!" Singhal sa akin ni Den. Hindi ko na siya pinansin. Lagi naman 'yang nanglalait eh. Laitero'yang lalaking 'yan. Palibhasa mas gwapo ako sa kanya.

"Oh my! Oh my! My favorite pasta!" Napatigil ako sa pagkain ko ng marinig ko yung sinabi ni Seb. Dali-dali ko iginala yung mata ko!

"Akin 'yan!" Pareho naming sigaw ng pareho naming nahawakan yun. Nagtinginan kami ng masama na parang uusok na yung ilong namin.

Inagaw niya yun kaya inagaw ko rin. Nag-aagawan lang kaming dalawa sa bowl pero walang pumapansin sa amin. Bwisit na baklang 'to! Siya nalang lagi yung kaagaw ko sa pagkain.

"Ano ba! Be gentleman naman! Ladies first!" Tapos inagaw niya ulit. Aba! Di ako magpapatalo noh! Kaya inagaw ko rin. Mga 15 minutes na ata kaming nag-aagawan eh.

"Gagawin ko sana 'yon eh! Kaso di ka naman babae! Akin na!" Singhal ko sa kanya. Nag-agawan lang kami ng pasta hanggang sa natapon.

"Walanghiya! Kasalanan mo 'to!" Sigaw niya sa akin. Naluluhang lumuhod naman ako. Yung pasta ko!

"Bakit?! Yung pasta ko!" Ngumawa nalang ako. Pero agad akong nabuhayan ng pag-asa ng maalala kong may fried chicken pa naman kaya tumayo ako at kukuha na sana ng....

"Asan na yung fried chicken ko?!" Malakas na tanong ko sa kanila. Pagkakita ko sa mga plato nila ay halos wala ng laman!

"Tapos na kaming kumain. Kayo kasi eh nag-aagawan pa. Ayan natapon. Ang daming nakahain na pagkain pero di niyo pinansin. Ano kayo ngayon?" Asar sa amin ni Zander kaya sinakal namin siya.

"Tama na!" Umubo-ubo siya pero hindi namin tinigilan! Para sa hustisya!

"That's enough. We'll go somewhere." Pigil sa amin ni Wadensel. Napabitaw naman ako.

"Babe, wait for me here okay? May pupuntahan lang kami saglit." He kissed her forehead at tsaka niya kami sinenyasan na sumunod. Naiwan yung mga magkakaibiga sa rooftop.

Nagtungo kami sa isang room. Nanlaki ang mga mata ko ng nandun yun lalaki na sumigaw kanina.

"W-Waden..." Hindi na niya natapos yung sinabi niya dahil agad siyang nakatikim ng suntok. Aww. Masakit yun ah.

"Isigaw mo na lahat ng pangalan ng babae, 'wag lang yung pangalan ng girlfriend ko. Do you get me?" Galit na tanong nito sa harap niya. Imbes na maawa kami sa lalaki pero naalala ko mga hangal kami.

"Ayan kasi!" Tumawa pa kami ng tumawa. Eh bakit ba? Alam naman nilang mangyayari 'to pag naglakas loob silang pagselosin si Wadensel. You know that possessive boy, gusto niya kung sa kanya. Sa kanya lang.

Matapos naming maturuan ng leksyon yung lalaki ay binalikan namin yung girls sa taas. Bakla naman yung dalawa, anong girls.

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Sam nung nakita niya si Wadensel. Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan ang dalawa kahit na masakit.

Ang hirap palang magmahal ng palihim. Yes, I'm secretly inlove to Samantha. Pero ayos lang 'to. As long na masaya siya. Masaya na din ako. Siguro ay kailangan ko na talagang mag-move on. Mapapatay ako ni Wadensel kapag nalaman niya 'to. I sighed.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon