First Pursuit - 01

405 6 2
                                    

KRING! KRING! KRING!

"Ugh, anong oras na ba?", tanong ko sa sarili ko habang hinahawakan ang bandang batok ko. Grabe, ang sakit ng leeg ko. Napasarap ata ako ng tulog. I feel refreshed. It felt like I slept for more than eight hours. Pero, bakit ang ingay? 

Ay, natunog nga pala 'yung alarm kaya ako gumising. Inabot ko na 'yung alarm clock sa side table malapit sa kama ko para patayin. Sobrang lakas naman ng volume nitong orasan na binili ni Mama. Nakakarindi, talagang mapapabangon ka para i-off. 

5:30 AM.

Oh, shi-eet of paper. 

"Nakakairita! Bakit kasi alas siete ang common opening of classes!" Sinigawan ko ang Stitch stuffed toy at nagpagulong gulong sa kama. Naiyamot ako sa nakita ko. Paano ba naman kasi, hindi na ako sanay na ganitong oras ako dapat gumigising. Nagtaklob ako ng kumot para subukang matulog ulit. Ang kaso, kahit anong pikit ko, hindi na ako makatulog. 

"Ano ba yan, kala ko pa naman mga 6 na. Makatayo na nga kahit maaga pa." 

Tiniklop ko na ang kumot ko at inayos ang mga nakakalat, amoy laway na mga unan. Naglakad lakad muna ako sa kwarto para kahit papaano, mawala na talaga ang antok ko kahit katiting pa. Medyo nakakahilo na, saglit. 

Dumiretso na ako sa banyo para maghilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin "Pucha, ang dami ko na namang pimples." Syempre kakanood ko 'to ng series gabi gabi este umaga at gabi. Saglit akong pumunta sa cabinet para maihanda ang uniform ko. Ngumiti ako dahil nakaka-excite pumasok ngayong grade 8 na ako. Hindi na ako naiilang sa mga kaklase ko at may barkada akong madaratnan. Kumuha na din ako ng tuwalya dahil maliligo na din ako. Bago pumasok ng banyo, tinitigan ko muna 'yung poster sa cabinet ko.

"Hay, Zayn papasok na ako sa school ha? I love you." Hinalikan ko 'yung poster at ngumiti. OO, NAHIHIBANG NA AKO. PERO MAHAL KO TALAGA 'TO, EH.

Pumunta na akong banyo at naligo. I went out of the bath with my uniform, tied my necktie and wore the new pair Mama gave me. Kinuha ko na rin 'ang bag ko at chineck kung may nakakalimutan ako. Naconfirm ko naman na wala naman pala akong naiwang gamit kaya't bumaba na ako ng hagdan para magpaalam na kay Mama.

"Mama? Ma! Aalis na ako ng bahay ah? Anong oras na kasi." Tinatawag ko siya, pero ang weird kasi walang sumasagot. Sinubukan kong sumaglit sa dirty kitchen sa may likod ng bahay, baka sakaling may hinahanap o nililinis siya.

Tiningnan ko naman, pero...

"Ma? Ma! Ay, wala din pala siya dito. Nasan kaya 'yun?" Naglakad lakad ako baka mapansin ko siya. Umupo muna ako sa sofa, dahil medyo pinapawis na ako kahit kakaligo ko lang. Kinuha ko muna 'yung magazine sa table habang nag aantay. Nagulat ako kasi si Zayn 'yung cover! Wala naman akong natatandaang bumili ako nito. Pero, kahit di ko alam kung saan galing ito, binuklat buklat ko na rin. Ang saya naman. Another magazine added to my collection! Pak!

"Nagustuhan mo ba, anak?" Biglang may tumabi sakin at nagulat ako na si mama pala. Niyakap ko siya at tinanong kung siya ba ang nag-iwan nitong magazine na 'to sa mesa. "Oo, anak. Parang advance regalo ko sa'yo. Motivation, kind of." Ngumiti siya sa'kin. "Para sa pinakamamahal kong Paupau."

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at nagtanong. "Ma, saan po ba kayo galing? Kanina ko pa po kasi kayo hinahanap kasi papasok na po ako."

"Anak, galing ako kina Na Perlit, naubusan kasi tayo ng langis, magluluto kasi ako ng itlog para ulam mo. Teka, nak, kumain ka na ba? Baka magutom ka sa klase."

Nakakatuwa naman si Mama, sobrang thoughtful. "Ma, 'wag na po. Okay lang po ako, kayo na lang po muna kumain ha? Sorry po di ko kayo masasabayan."

"Okay lang 'yun anak, naiintindihan ko naman. O siya, hindi ka pa ba aalis?"

The Pursuit for LoveWhere stories live. Discover now