Chapter 49 : Princess Morbuzakh

Start from the beginning
                                    

Paalis na sana siya…

“Eh ang tungkol sa atin?” pero napahinto siya sa sinabi ko. “Ngayong alam mo na ang tungkol sa akin.”

Ilang segundo din ang katahimikan sa aming dalawa at sa segundong yun hindi ako humihinga dahil hinihintay ko kasagutan mula sa kanya.

“Hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo, Alice.” Gumaan ang loob ko sa sinabi ni Clyde at napangiti din. Pinunasan ko ang luha ko at balak ko sana siyang yakapin pero napahinto ako ng magsalita ulit siya.

“Pero… Hindi ko alam kung pwede pa kitang pagkatiwalaan.” At saka siya naglakad palayo.

Pinagmasdan ko lang siya, hindi ko siya nakitang lumingon kung sumusunod man lang ako sa kanyang likuran.

Hanggang sa… mawala na siya sa aking paningin.

Nagblur ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Walang kwenta ang isang relasyon kung walang tiwala ang mga nagmamahalan sa isa’t isa.   

=======

“Berries! Berries!” nagsisigaw si Sha at nagpunta sa isang halaman na puno ng red berries. Kumuha siya at tinikman ito. “Gusto mo Alice! Berries.” Alok niya sa akin.

Nagpatuloy na kami sa paglalakbay at patungo kami sa kaharian na dating tinitirhan ng Hari at Reyna Morbuzakh.

Natatanaw na namin ang kaharian pero kailangan pa naming maglakbay ng tatlong oras bago kami makarating sa mismong palasyo.

Sa ngayon nagpapahinga muli kami.

Kinuha ko yung inaalok ni Sha at kinain. Walang pinagkaiba sa berries ng mortal world.

“Magkagalit ba kayo ni Clyde?” napatingin ako deretso kay Sha.

“A-Ah… hindi.” Medyo confidence kong sinabi. “Bakit mo naman naitanong?”

Pumunta si Sha sa aking balikat habang may hawak hawak na berries. “Kanina ko pa kasi napapansing hindi na kayo madalas magusap at lumalayo siya sayo.”

Ayokong isiping lumalayo si Clyde sa akin pero kung makikita mo. Mahahalata mong lumalayo talaga siya sa akin.

Simula ng nangyari kanina.

Hindi na siya tumitingin sa akin ng deretso, hindi nakikipagusap at hindi pa lumalapit sa akin simula pa kanina.

Ramdam na ramdam kong iniiwasan niya ako.

Ang sakit! Ang galing diba… kakasagot ko lang sa kanya tapos anong nangyari? parang sa isang iglap biglang naglaho ang lahat at nawala agad presence ko sa kanya. Feeling ko hindi kami magkakilala ngayon.

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now