“Ganun nga yata, hehe. Sabi rin nila Kuya ko, baby pa ako eh,” ngisi ko sa kanya.

“Kuya mo ba si Hiro?”

Mabilis pa sa alas-kwatro akong umangal. “DI AH! Walang panget sa mga Kuya ko noh!”

“MGA Kuya?” tanong niya ulit. Parang nagulat pa siya. Siguro nga bihira lang ang mga taong tulad ko na maraming kuya.

Tumango naman ako. “Oo, dami nga eh. Lima, hehehe,” pagmamalaki ko tas narinig ko nang kumalam nag sikmura ko. “May pagkain ka ba diyan? Kahit bebelgam lang?”

Natawa naman si Martin. “Gusto mo ng oatmeal cookie? Mas masustansiya kesa junkfood,” alok niya.

Sempre napangiti ako don. Pagkain ‘yun eh! “Sige.”Pero pagtingin ko sa kamay niya, wala naman siyang hawak na kahit ano. “Nasan?”

“Hoy, Dennis! May willing kang taste tester dito o!” sigaw niya sa mga kaibigan niyang nagkukumpulan sa bandang gitna.

Tas nagsilapitan sa’kin ‘yung iba pa niyang katropa na pinalibutan ako. Tas si Dennis, may inabot sa’king lalagyan na puno ng biskwit.

Sempre nagtaka ako kasi nung kumuha ako ng isa, mas lalo silang lumapit sa’kin tas ‘yung mga mukha nila parang kinakabahan. Tas nung isusubo ko na…

“Sandali—sigurado ka bang gusto mong kainin ‘yan?” pigil nung isa.

“Matibay ang tiyan niyan, hindi agad nasisira,” sabi naman nung isa pa.

Edi tinignan kong mabuti ‘yung cookie. “Panis na ba ‘to?” tanong ko. Pero wala naman akong nakikitang amag. Tas mabango pa.

“Aray ko naman, Charlie,” nakasimangot na sabi ni Dennis. “Ako kaya ang nag-bake niyan. Kagabi ko ginawa.”

“Ah, kagabi lang pala eh. Pwede pa ‘to…” tas sinubo ko agad ‘yung biskwit habang napasinghap na naman sila.

“Anong lasa?”

“Ay, ‘di ko nalasahan. Nalunok ko agad eh,” nakangisi kong sabi sa kanila kaya nagkamot sila ng ulo. “Teka, eto nanamnamin ko na.” Tas kumuha ulit ako ng isa pa sa lalagyan ni Dennis at mas matagal na ngumuya. Pumikit pa talaga ako para malasahan kong mabuti.

“Ano na, Charlie?”

“Hmmmm….”ungol ko tapos  kumuha pa ako ng isa. “Matamis na maalat-alat… pero swak ‘yung lasa. Masarap.” Kumuha ulit ako ng isa pa at mas mabagal na nginuya ‘yon. “Saka… malambot, hindi masakit sa ipin. Meron kasing iba, pag nginunguya ko, pakiramdam ko mabubungi ako eh.” Kuha ulit ng isa pa. “Siguro mas masarap ‘to kapag may sokoleyt o kaya… peanuts…”

 

“O sige, tama na. Masarap na raw. Safe naman siguro. Mauubusan na tayo, nakailan na ‘tong si Charlie eh,” sabi nung isa kaya ayon, minulat ko na ang mga mata ko bago nila pinag-agawan na ‘yung natirang oatmeal cookie.

 

Habang pinagsasaluhan namin ‘yung ni-bake ni Dennis, biglang dumating ‘yung prof namin sa Elementary Algebra! Tapos sabi: “Class, bring out a sheet of yellow paper, we’ll have a quiz.”

 

Nataranta talaga kami! Buti nga pinayagan pa niya kaming tawagan at hintayin si Hiro eh. Nagdahilan nalang sila Chelsea na kesyo nasa clinic kasi masakit daw ang ulo kahit nagdo-DOTA lang naman. Kaya habang hinihintay naming makabalik si Hiro, kanya-kanyang buklat ng notebook! Buti nga tinuruan ako ni Kuya Chad kung pa’no mag-memorize eh. ‘Yung kailangan lang tandaan ‘yung keywords. Araw-araw nga niya akong inaaral eh kahit definition of terms lang daw.

 Tapos eto pa, eto pa! Fifty items ‘yung quiz! Mantakin niyo, quiz ba ‘yon?! Parang exam na eh!

Buti nalang talaga, sa araw-araw na pinagpapraktisan ako ni Kuya Chad ng Learning Psychology niya, may tumatak sa baby goldfish memory ko. ‘Yun nga lang, hanggang definition of terms lang. Kaya nadalian ako sa twenty items na identification. ‘Yun nga lang, wala akong maalala sa mga formula kaya ‘di ko nasagutan ‘yung problem solving.

Sinubukan kong kumopya kay Hiro, kaso madamot. Hmp! Buti pa si Martin nagshe-share, hehe. Di ko naintindihan ‘yung equation niya kaya ‘yung sagot na lang ang kinopya ko. Ni-share ko rin ‘yung sagot ko sa identification kaso tumango lang siya. ‘Di siguro kampante sa mga sagot ko. Nikabahan tuloy ako.

Bahala na nga.

Sana pumasa, hehehe.

====

A/N: WARNING!!! WAG TULARAN!!! Alam niyo namang medyo twisted ang pagkakaintindi niya ng sharing. Pati talaga sagot sa quiz kailangang i-share! Hahah.

Next UD niyo na makikilala kung sino-sino sina Martin, Paolo, Dennis and the rest of the gang XD hehehe

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now