Intro 1.2

1.6K 37 7
                                    

Good Morning Sir! Bungad sa akin ng Driver ko pagbaba palang sa parking lot ng condo na aking tinutuluyan. Sa tagal ba naman ng pagt't'rabaho nila sa pamilya namin iwan ko nalang kong di pa niya ako makilala ng husto.

Good Morning din,sagot ko naman sa kanya habang pumapasok sa loob ng kotse. Hindi na ako nag abala magpabukas ng  pintuan ng kotse at ibinigay ang attache case na dala ko.

Nasaan si Tatay? Bakit ikaw ang sumundo sa akin? Tanong ko sa kanya habang tini tingnan ang aking cellphone kung may mga text/email akong natanggap.

Masama po ang pakiramdam ni Itay kaya ako po ang sumundo sa inyo sir. Sagot niya sa akin habang inaayos rin ang sarili.

Sana nagtext na lang siya sa akin odi kaya tumawag para hindi kana nag abala na sunduin ako dito. Kaya ko naman ipag drive ang sarili ko. Sagot ko nalang sa kanya.

Alam naman po ninyo na hindi papayog yun lalo na si Inay na hindi ko kayo sunduin Sir. Sabi nalang niya.

OKAY, Diretso tayo sa office, biglang sabi ko nalang sa kanya habang inaayos ang seat belt sa aking sarili. Alam ko naman na talo na ako. Wala na akong magagawa.

Ok po Sir. Iling nya habang naka tingin sa rear view mirror ng sasakyan.

Hay! Same old, same old, bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Po? Narinig ko nalang na tanong ni mike sa akin habang nakatuon ang sarili sa pag d'drive.

Huh? Ah wala. Sagot ko nalang sa kanya. Bilib talaga ako sa lakas ng pandinig ng taong to. Lakas ng tenga odi kaya pakiramdam. Lakas makaramdam. Yung kahit di ko sabihin alam na niya.

Nga pala po sir, Sa mansion po kayo uuwi ngayon? Biglang tanong niya sa akin makalipas ng ilang minuto sa daan.  Pina patanong po kasi ni Inay. Alam niyo na. Magluluto na naman. Dugtong niya sa kanyang tanong.

Doon ako uuwi mamaya kong ititigil mo yang pag PO sa akin. Sagot ko sa kanya habang naka ngiti. Ilan taon ba agwat natin? 3 taon lang atska sabay tayong lumaki at magkaibigan tayo kaya tigilan mo yang pag Sir sa akin.Quota kana ngayon araw nato. Mahaba kong litanya sa kanya.

Ei Sir, alam niyo naman po diba ang sagot dyan. Bata pa lang po tayo nasabi na sa inyo nina inay ang dahilan. Sagot niya habang nakatingin parin ng diretso sa daan.

Alam ko naman yun mike, wala naman tayong kasamang iba. Kita mong dalawa lang tayong tao dito sa kotse. Sabi ko rin sa kanya sa seryosong tono.

Ewan ko sayo Dan. Kahit kailan talaga makulit ka. Kaya ka napagkakamalan hindi marunong mag seryoso sa buhay dahil sa ugali mo. Naka ngiti niyang sagot sa akin.

Seryoso ako sa buhay. Alam mo yun. Sila lang ang hindi. Hugot kong sagot sa kanya.

Sabi mo ei. Maikling sagot niya habang pinapasok sa parking lot ng kumpanya ang kotse.

Sige alis na ako. Sabi ko sa kanya habang bumababa ng kotse.

Okay po. Sunduin na lang kita mamaya. Sagot na lang niya.

>Andito ako ngayon sa loob ng elevator kong saan mga matataas ang posisyon ng kumpanya ang pwedeng gumamit. Natatawa parin ako sa pag uusap namin ni Mike kanina sa kotse. Minsan napapaisip ako. Paano ba ako nagka sundo ei sobrang opposite ng ugali namin. Kung gaano ako kakulit sa bahay ganun siya katahimik at kung anong seryoso ko sa labas lalo na sa kumpanya at sa mga taong nakapaligid sa akin ganun naman siya kakalog sa labas. 3 taon ang agwat namin sa edad pero kahit ganun naging magkaibigan naman kami. Sa totoo lang yung kapatid ko na ka edad niya ang mas close niya. Mas vibes sila kumbaga. Magkambal na nga kung mag turingan. Anak siya ng mga taong tinuring narin namin pangalawang pamilya ng mga kapatid ko simula nung mamatay sa isang car accident ang both parents namin almost 10 years ago. Tatlo kaming magkakapatid. Si ate Lili na nasa amerika na ngayon kasama ang asawa't nito at isang napaka cute na anak. 35 years old na siya. Late bloomers kaya late na rin nagpa kasal. Kala ko nga tibo yun dati. Kaya sobrang saya ko nung malaman kong may boyfriend na siya. Sobrang laki nang sakripisyo niya sa amin noon ng kapatid ko. Ako ang sumunod kay ate, 31 years old. Ako ang namamahala ng kumpanyang iniwan ni papa sa amin. Si ate ang unang humalili nito noong panahon iniwan kami nina daddy. Buti na lang at dito na siya nagt't'rabaho kaya madali na lang sa kanya. Siya rin ang nag train sa akin upang ako naman daw ang mamahala nito pagdating ng panahon. 5 taon na ang nakalipas simula nung umupo ako bilang presidente nito. Wala naman naging problema kahit papaano. Mas lalo pa ngang naging successful ang kompanya.  5'9 ang height ko.Maputi ako kasi hindi ko naman hilig mag bilad sa araw noon pa. Matangos ang ilog, medjo malaki ang mata na bumagay naman daw sa akin dahil sa mahahaba kong pilik mata. Bagay daw sa akin sabi ng mga nakaka flings ko. Dati hindi ako naniniwala na gwapo ako, yung pwede maging model sabi ng nakakarami. Wala naman kasi akong paki alam sa hitsura ko. Sobrang naging focus lang talaga ako noon sa pag aaral. Hangga't sa dumating yung babaeng nagpaniwala sa akin sa maraming bagay. Pinaramdam niya sa akin na special ako hindi lang dahil sa hitsura ko kundi dahil sa buong pagkatao ko. Mas naging pursigido ako sa lahat ng bagay. Nagkaruon ng inspirasyon. Gusto namin ang isa't isa.Ramdam ko yun.Hindi niya ako iniwan sa mga panahong nasa dilim ako. Mga panahon kailangan ko ng karamay at masasandalan. Ngunit nawala nalang siya bigla. Umalis at sumama sa bestfriend niya 5 taon na ang nakakaraan. Hanggang ngayon andito parin sa puso ko yung sakit na nararamdaman ko. Marami akong tanong na kailangan ko ng kasagutan mula sa kanya. Kaya siguro ngayon hindi ko parin magawang mag seryoso sa relasyon. Takot ako sumubok at masaktan. Isang malakas na tunog ang nagpa balik sa aking katinuan. Nasa 30th floor na pala ako ng building kung saan doon ang aking opisina. Tsk. Buhay nga naman. Biglang sambit ko. Serious mode on. Bulong ko sa aking sarili bago lumabas ng elevator. Iilan tao lang ang nakakakita ng totoo kong ugali, yung Soft side ng isang DANIEL "Dan" Villacosta, sabi ng isang bahagi ng aking utak<

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Nurse ni Rude Bussinessman.Where stories live. Discover now