Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY

Start from the beginning
                                    

"Sino ka?!" Ang malakas at matigas na tugon ni Odessa sa narinig na tinig.

"Ako ang iyong lakas at ikaw ang aking pagkatao, ikaw at ako ay iisa..." Ang muling sabi ng tinig.

Biglang nagising si Odessa nang maramdaman niya ang napakalamig na tubig na bumuhos sa kanyang katawan. Kaagad ay napabangon siya at napansin niya na tila naligo siya sa ulan.

"Pa... Pasensiya na Odessa kailangan kong gawin na buhusan ka ng tubig kasi bigla ka na lamang nagliyab at pati ang kuwarto mo ay nasusunog na rin. " Ang ninenerbiyos na si Danum.

Napatingin si Odessa kay Danum, nanggigigil siya sa galit. Pero nang makita niyang nangitim ang kabuuan ng kuwarto at umuusok pa ang ilang mga kagamitan roon ay nawala ang galit niya bagkus ay napalitan iyon ng pagkahiya lalo na sa ipinapakitang kabaitan ng diyos ng tubig na si Danum.

"Patawad po sa naging asal ko diyos na Danum. Marahil ay nadala lang ako sa nakita kong pangitain. " Ang paghingi ng paumanhin ni Odessa na hindi makatingin kay Danum dahil sa hiya.
"Pangitain... Pangitain na may kinalaman sa hinaharap sa iyong buhay, at ang mangyayari pa. Hindi ko alam na mayroon ka palang kakayahang makita ang hinaharap Odessa."

"Ang hinaharap? " Ang nagtatakang tanong ni Odessa kay Danum.

"Tama ang hinaharap. May kakayahan kang makita kung ano ang mangyayari sa'yo sa hinaharap. Kakayahang nakuha mo bilang isang Sangre, bilang isang anak ng Buan. " Ang tugon ni Danum sa kanya na tila hindi na siya nagtataka na mayroong ganoong kakayahan ito.

"Hindi ako kailan man naging isang anak ng Buan, at hinding-hindi mangyayari iyon! " Ang wika ni Odessa na napataas ang tono ng kanyang boses.

"Kahit pagbaligtarin mo pa ang mundo iyan pa rin ikaw. At hinding-ng hindi na magbabago pa dahil nananalaytay sa'yo ang dugo ng isang anak ng buwan ang dugo ng Sangre. At ang nakikita mo ay ang iyong hinaharap."

"Hindi! Hindi totoo yan! " Binalutan ng takot ang mukha ni Odessa. Takot sa nakita niyang pangitain.

Ano ba ang ibig sabihin ng kanyang mga nakita? Ang bundok ng kalansay ng mga tao, ang pag-ulan ng apoy, mga ipu-ipong apoy, ang pagkabitak ng mga kabundukan at pagkasunog nito, ang higit sa lahat ang ibong Baguisan na alam niyang siya at ang ibong Baguisan ay iisa.

"Pero, ano ang ibig sabihin ng aking pamahiin? May nakita na rin akong pamahiin dati, sabay naming nakita ni Randy kahit iba yung nakita namin na pamahiin ay may pagkakatalud pa rin ito sa nakita ko ngayon. " Ang paliwanag ni Odessa habang nakatingin sa malayo at lumakad papunta sa bintana ng kuwarto.

"Sino si Randy na iyong tinukoy? " Ang tanong ni Danum.

"Si Randy? Siya ang...kaibigan ko. Siya ang mortal na reinkarnasyon ni Banaual."

"Si Banaual? Ha, naalala ko na. Ang aking pamangkin. Ang bunsong anak ng aking kapatid na si Bathala. Si Banaual na anak ng isang mortal na pinatay ni Banak." Ang malakas na tugon ni Danum ng maalala si Banaual sa katauhan ni Randy.

Tumango si Odessa bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Danum. Pero nagkainterest si Odessa na makilala si Banak na pumatay sa tunay na ina ni Banaual.

"Sino si Banak? Bakit niya pinatay ang ina ni Banaual? Sino ang mortal na ina ni Banaual?" Ang usisa ni Odessa na nagkainterest na malaman ang nangyari sa mortal na ina ni Banaual.

"Si Banak ang isinumpang kapatid na bunso namin ni Bathala. Siya ang reyna ng mga itim na diwata ng ikatlong mundo. Bilang paghihiganti kay Bathala ay pinatay niya si Mawina ang mortal na naging katipan ni Bathala. Noong panahong iyon ay labis na ipinagbawal ni Bathala ang pakikiugnayan ng mga diyos at diyosa sa mga mortal na tao na sinunod naman ng lahat maliban lamang kay Banak. Pinarusahan si Banak at ipinatapon siya sa isla ng Murcia, sa kaharian ng Paroba. Dahil sa galit ni Banak ay binalak nitong makidigma sa aming kapatid na Bathala. Pero natalo si Banak at isinumpa siya ni Bathala na mamalagi sa ilalim ng karagatan sa pagitan ng isla ng Culiat at kaharian ng Paroba. Pero isang araw ay bigla na lamang dumating si Mawina at ito ay nagdadalang-tao. Sabi niya ay anak iyon ni Bathala at nalalapit na ang kanyang panganganak. Nagkaroon ng kaguluan sa palasyo ni Bathala dahil na rin sa pagsisiwalat ni Mawina. Lahat ay nadismaya dahil kung sino pa ang gumawa at nagpatupad sa batas ay siya pa mismo ang lumabag dito. Maraming nagalit kay Bathala ng dahil don, galit sa kanya kahit na ang kanyang mga anak." Bumuntong hininga si Danum at panandaliang pinutol muna ang kuwento.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now