Mahal mo pa ba?

15 0 0
                                    

Pinarada na ni Earth  ang kotse sa parking lot ng Big hit entertainment. Tumatawag na sa kanya si Butler Choi pero hindi na lang niya pinansin at dahil sa inis niya ay iniwan na lang niya ang cellphone niya sa kotse at bumaba na . Dumeretso siya elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang practice room ng BTS. Habang nasa elevator ay nag ayos muna siya ng sarili niya dahil sa pagtatalo nila ng daddy niya ay hindi na siya nakapag ayos. Ang dala lang niya sa bag niya ay pulbo at liptint . Kaya pinagtiyagaan na lang niya yun. Tinali niya ng madalian ang buhok niya at sakto namang bumukas na ang pinto ng elevator. Wala siyang dala kundi isang maliit na sling bag at ang DSLR camera niya. Buti na nga lang ay naiwan niya ito sa kotse niya kaya may magagamit siya ngayon para kuhanan ng pictures si Jungkook. Hindi na siya nag abala pang kumatok pag dating niya sa practice room kasi bukas na naman yun at alam niyang si Taehyung na naman ang naka iwan nun. Pumasok na siya pero hindi siya napansin ng BTS dahil busy ang mga ito sa mga ginagawa nila. Nakita niya si Jimin na nag sasayaw habang seryosong naka tingin sa salamin natawa na lang siya sa mukha ni Jimin kasi habang nag sasayaw ito ay na nalalamin. Sila taehyung at j-hope naman ay busy sa pinapanood nila na who knows kung ano yun kasi halatang tutok na tutok sila at  pinagpapawisan. Napailing na lang siya kasi parang alam na niya ang pinapanood nila. Nakita din niya si Jin at Rapmon na halatang may pinagtatalunan dahil naka kunot na ang noo ni Jin na halatang naiinis na. Sa isang sulok naman ng practice room ay nakita niya si Jungkook na nakapikit at nag papahinga kagagaling lang siguro niyang mag sayaw kasi halatang pagod ito at medyo pinagpapawisan pa siya. Napangiti na lang siya sa nakita niya .Naisipan niyang kuhanan ng picture si jungkook habang naka pikit ito kaya lumikha ng tunog yung camera. "Shit "mahina niyang mura dahil sa tunog nito ay napatingin sa kanya ang mga members ng bts. Buti na lang mukhang tulog talaga si Jungkook kaya hindi nito narinig ang tunog.

Earth's POV

Nawala sa isip ko na malakas pala ang tunog ng camera na dala ko kaya napatingin tuloy sila sa akin. Mukhang nabigla sila nung nakita ako halata naman dahil hininto nila lahat ang mga ginagawa nila para tingnan ako. Nginitian ko na lang sila at sinenyasang wag maingay para naman silang bata na tumango. Dahan dahan akong lumapit kay jungkook at nakita kong pawis na pawis pala siya buti na lang may dala akong tissue kaya dahan dahan akong umupo sa tabi niya at pinunasan niya ang pawis sa noo niya. Alam kong nakatingin silang lahat sa akin pero wala akong pake at ginawa ang bagay na hindi ko pinagiisipan. I kiss jungkook's lips and close my eyes. "I love you. Please forgive me. "   As soon as I said that may tumulong luha sa mata ko. "Hala! Hinalikan?!" Biglang sabi ni J hope kaya medyo nagising si Jungkook lumayo na agad ako sa kanya dahil alam kong pag dumilat siya at nakita niya ako na malapit sa kanya ay masisira lang ang araw niya. Tumayo na ako at nilingon sila nakita kong binabatukan nila Jimin at Taehyung si J-hope. Napangiti na lang ako sa kalokohan nila nang lingunin ko si Jungkook ay gising na siya at nakatingin sa akin.
"Oh Hi Love ." I said and wave my hand at him. Hindi niya ako pinansin at kumuha na lang ng tubig at uminom "Sana ako na lang yung bottle water " . Naramdaman yata niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin. Nginitian ko siya pero inirapan lang ako. Sungit talaga nitong ilong nato. Tumabi na lang ako kay Jin at Rapmon na nakatingin parin sa akin sila taehyung, jimin at j-hope naman ay nag haharutan sa tabi namin. "Hey " sabi ko lang at umiwas ng tingin sa kanila.
"Earth  ".   narinig kong sabi ni Jin. Tumingin ako sa kanya pero parang pinipigilan siyang mag salita ni Namjoon pero  hindi na nag pa-pigil si Jin.      "Mahal mo pa ba si Jungkook?

Natigilan ako sa tanong ni Jin hindi ko alam kung sasagutin ko ba pero bago pa ako makapag salita ay pumasok si Suga na parang ginahasa ng 10 bakla. "Anyare sayo hyung? "Nag tatakang tanong ni Jungkook. "Golden Aces strikes again!

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Heyoooooo GA hihi.May nagbabasa pa ba neto?HAHAHAHA ia-unpublish ko na sana to kasi sobrang tagal na neto pero walang bagong idea na pumapasok sa utak ko tas busy pa ako sa lablayp ko kaso sh8t kaloka ala pala ako nun djk lang hihi. Sa mga readers kahit alam kong konti lang kayo thank you sa inyo 😘💜💜💜

IM JEON JUNGKOOK'S SASAENG FANWhere stories live. Discover now