Chapter 13

4.3K 97 5
                                    

Enjoy Reading...............

========================================

"Pagiisipan ko." Sabi nya matapos matigilan dahil sa sinabi ko at bumalik na sa pagbabasa ng kung ano sa table nya.


Bumaba na rin ako sa kusina at mangungulit kay Manang. Malapit na ako sa hagdan ng makita kong lumabas ng kwarto si Samantha, nakamaikling short at spaghetti tops. Bakit ba naakit pa din ako sa katawan nya kahit na sobra akong nasasakta? Napalunok na lang ako sa sariling laway at dumeretso na sa pagbaba.

 

Hindi mo ko mahal Samantha? Then I will show you what you've lost. Manghihinayang ka sa susunod na taon. Makikita mo na ako dapat ang kinampihan mo.

"Manang Lusinggggggggg..." sabi ko kay manang habang nagluluto sa kusina


"Ay.. sus kong bata ito. Bakit mo ba ako ginugulat?"

"Manang hindi mo ba namiss ang kagwapuhan at kakulitan nitong alaga mo huh? Ang gwapo gwapo ko kaya. Bakit ka nagugulat? Dahil ba artistahin ako huh?"

"Singkapal nitong taba ng baboy yang kakapalan ng mukha mo." Sabi ni manang na nginingitian ako.

 

"Sus, kunwari ka pa manang eh. Sabihin mo namiss mo talaga ako. Namiss din kaya kita manang." Sabi ko at niyakap sya sa likuran.


"Syempre naman namiss ko kaya ang pinaka pinaka pinaka pinaka gwapo kong alaga." sabi nya ng humarap sa akin at kinurot ng sobrang diin ang pisngi ko. Napangiwi na lang ako sa sakit.


"A-aaaraaaaaaaaay. Manang naman eh. Masisira ang kagwapuhan ko sa ginagawa mo eh." sabi ko ng nakakunot ang noo at lumayo ng kaunti sa kanya.


"Hindi no. Yan kaya rason kung bakit ang gwapo gwapo mo ngayon. Noong bata ka pa lagi kong kinukurot ang pisngi mo." sabi nya ng tumatawa. "Sige na maupo ka na at tulungan mo akong magluto. " dugtong nyang sabi at itinuloy na ang pagluluto.



Sinabi nya lang na tulungan ko sya, lagi naman eh. Pero ni minsan hindi ako tumutulong nakaupo lang ako sa malapit na lamesa at nakatingin lang sa kanya magluto. Simula ng bata pa ako ganoon ang lagi kong ginagawa. Dahil sya ang bantay ko at tagaluto nasanay na din akong nakatingin lang sa kanya habang may hawak na laroang kotse at pinapatakbo sa lamesa.

"Ma, may maitutulong ba ako? Oh, pangit bumalik ka na?" si Janelle anak ni manang Lusing.


"Hindi picture ko lang to. Nagsasalitang picture." Sabi ko, madalas kaming magasaran nyan noong mga bata pa kami hanggang sa ayon nagdorm sya at tuwing sabado at linggo lang nandito. Si daddy na din ang nagpapaaral sa kanya dahil mabait naman si manang, hehe ewan ko lang ang isang to.


"Tss, ma, ano maitutulong ko? Ayokong kausap tong pangit na to eh." Sabi nya at inirapan ako.

 

"Wala naman, tapos ka na ba sa pinapagawa ko sa labas? Kung may gagawin ka para sa school gawin mo na at manananghalian na." sabi ni manang.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon