Chapter 1

16.6K 199 19
                                    

 MICHAEL'S POV

 "Dude, tulala ka na naman. Iniisip mo pa din ba ang babae sa PUNTOD?" kaibigan ko, si Cyrus. Pinagdiinan pa ang puntod. Tsk!  

 "Pwede ba Cyrus, hindi siya babae sa puntod." sabi ko na may halong inis. Hindi naman kasi talaga. Nagtunog multo pa yung babae dahil sa pagkakasabi ni Cyrus. Tsk!  
 

 "O! O! Relax. Kasi naman bakit hindi mo agad tinanong ang pangalan?" singit na sabi ni Patrick.

 "Wag na nga natin pagusapan yun kumain na lang tayo." 

Ako nga pala si Michael Honteveros anak ng isang business man. Labing anim na taong gulang, ika tatlong baitang sa high school. Ngayon nga ay nakatambay dito sa garden ng bahay nila Cyrus. Dito ako natulog ng magdamag dahil gumawa kami ng project. Ang babaeng binabangit nila, ay ang babaeng nakita kong natutulog sa sementeryo nung libing ng lolo ko.

Nagpaiwan ako noon kasi gusto ko pa sanang magpaalam kay lolo, at nung time na pauwi na ko nakita ko nga ang babae. Ewan ko ba kung bakit ko nilapitan yun basta na lang parang may sariling utak yung paa ko na lumapit sa kanya at pagmasdan siya. Nagandahan ako sa kanya, sa dinami dami ng babaeng nakikita ko sa paaralan o sa paligid ko, ang babaeng yun lang ang talagang nakabihag ng pusot isipan ko.

 Bakit ko ba kinukwento sa inyo? Hindi ko nga alam kong makikita ko pa ang magandang mukha niya kahit na umiiyak siya noong mga panahong iyon.  
 

Umuwi ako ng bahay matapos naming gawin ang proyekto sa bahay nila Cyrus. Sakto naman na naabutan ko ang yaya ko sa labas ng bahay.

"Hi, Manang"  

"Micheal, andyan ka na pala, nananghalian ka na ba?"  

"Hindi pa po, nakapagluto na ba si mommy?" sagot ko.  
 
"Oo, kaya lang may bisita ang mommy mo kaya baka ikaw na lang ang kumain, kumain na din naman ang mommy at daddy mo, teka ipaghahanda kita." Pumasok na si manang sa loob, kaya pumasok na din ako pero...

 Nagulat ako ng makita ko kung sino ang bisita ni mommy sa loob, nakaupo siya sa sala. Ang ganda niya talaga, dahil sa ganda niya natutulala ako dito sa may pintuan. Hindi pa ako matatauhan kung hindi pa siya nagsalita, 
 

"I....Ikaw?" She still know me?  
 
"A-anong ginagawa mo sa bahay namin? Ikaw yung babaeng natulog sa sementeryo nung nakaraang buwan."

Yun lang ang nasabi ko ng marinig kong tinawag siya ni mommy. 

"Samantha....... Samantha anak" What the hell? Siya ang anak ni mommy?

 Natulala na lang ako sa nalaman ko, bakit siya pa ang anak ni mommy? Hindi ko na narinig ko ano ang pinaguusapan nila basta nagiiyakan sila. Nilapitan naman ako ng daddy ko at sinabing,

 "Michael, siya ang anak ng mommy mo siya yung kinukwento niya. Naalala mo ba?" 
 

"Yeah. Clearly. "

 Tumalikod na ako para pumunta sa kusina, at kumuha ng tubig. Napainom ako ng madami dahil sa nalaman ko. Bakit naman kung kilan mo nasabing nakita mo na ang babaeng para sayo tsaka naman darating ang mga sagabal? Dinalhan ko na rin ng maiinom ang dalawang babaeng nagiiyakan sa sala.

 Nang ibigay ko ang tubig nakita ko pang napatingin sa akin si Samantha. Samantha hindi ba? Yun ang narinig ko kanina. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tingnan ang napaka-amo niyang mukha. Kaya bago pa man ako mahuli umalis na ako at nagdretso sa kwarto ko. Nawala ang gutom ko dahil sa nalaman ko.

 Ano na ang gagawin ko ngayon? 
 
 
 
 
Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, 
 
"Michael, anak maghahapunan na bumangon ka na at ng makasabay ka pagkain sa amin." Si mommy.  

Ayoko sanang bumaba dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nakaharap ko na siya. Sa loob ng isang buwan wala akong ibang inisip ko hindi siya lang. Anong pangalan niya? Saan siya nakatira? Saan siya nagaaral? Sinong mga kaibigan niya? Sinong mga magulang niya? Tapos ngayon malalaman ko na siya ang anak ng naturingan kong ina?

"Ito na pala si Michael. Samantha meet Michael your uncle Arthur's son. Michael this is Samantha my daughter" Sabi ni mommy.

Napatingin naman ako kay Samantha at nakita kong nakangiti siya sa akin. Tinanguan ko na lamang siya at umupo na sa kabilang upuan katabi ni mommy.  

 Kumain lang ako ng tahimik habang sila ay panay pa din ang kwentuhan hanggang sa napunta ang usapan sa.......

"So from now on, dapat magturingan na kayong magkapatid." napatingin ako kay mommy ng sinabi niya yan.

 Yes! Hindi kami totoong magkapatid. Namatay ang tunay kong ina noong araw ng kapanganakan ko. Kaya tuwang tuwa ako noon ng dalhin ni daddy si mommy Maria sa bahay at sinabing girlfriend niya ito. Magkakaroon na ako ng mommy, hindi na ako maiingit sa mga kaklase ko na hinahatid ng mga mommy nila. Hindi na si yaya ang gagawa ng pagkain ko. Hindi na si yaya ang magpapaligo sa akin.Ganon ang mga iniisip ko noon.

"Samantha kasal na kami ng uncle Arthur mo, kaya siguro naman pwede mong tawaging kuya si Michael mas matanda naman siya sayo ng isang taon.

"Aah ehh, kung yan po ang gusto mo ma. Wala pong problema." napatingin ako sa kanya.  What? Wala pa man talo na agad ako?  

"Good then, okay lang ba sayo yun Michael? Matagal ka ng naghahanap ng kapatid, ayan meron na." sabi ni mommy na may ngiti pa sa labi. 

 "So maybe hon, dapat na din nating ipakilala si Samantha sa mga business client ko or sa mga tao sa work ko, since may event na magaganap next month bakit hindi na lang natin isabay doon diba? " dugtong naman ni daddy. 
 
"Really Arthur? gagawin mo yun?" tanong ni mommy na may kislap sa mga mata. She’s really happy.  
 
"Why wouldn’t I? Anak ko na din naman si Samantha." Hindi na nawala ang saya sa mga mata ni mommy hanggang sa natapos kaming kumain.

  "Aaaah naman! Nakakaasar ka na!” Sabi ko sabay palo sa dibdib ko. “Ano bang problema mo? Bakit sa kanya ka tumitibok ng sobrang bilis? Hindi na pwede, magkapatid na kayo ngayon. Hindi na pwede." Dugtong kong may panghihinayang. 
 
  Ang tigas naman kasi ng ulo, matingin lang ako sa mukha niya nagwawala na siya agad at parang gusto pang lumabas.  Gusto pa ata niyang lumapit kay Samantha.

"Kailangan ko ng matulog. Puyat ka lang heart puyat ka lang." andito na ako sa kwarto ngayon at ala UNA na ng madaling araw hindi pa ako nakakatulog. 

 Ano bang gagawin ko?

__________________________________________________________________

Author's Note

Here's the Chapter 1.
Sa mga nakabasa na po ng My Sister noon. Paumanhin po dahil may mga pangyayari po na nabago dito. Ang takbo ng storya ay ganoon pa din naman ngunit sa mga dialogue ng character ay may nabago. Para mas makilalang mabuti ang character ay nagdagdag ako ng ilang pangyayari at nagpalit ng ilang pangyayari.

Salamat po ulit.

**Jack_Frost18**

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon