Sana's pov
"Kim Taehyung!" Sigaw ko sa bestfriend kong alien.
Kinuha niya kasi ang journal ko, baka mabasa niya yung sinulat kong entry ngayong araw. Tungkol pa naman yun sa crush kong si Jungkook.
"Habulin mo ko, squirrel" Sabi niya. Ang isip bata talaga nito.
"Gusto mo bang magpa-bogbog?" Tinakot ko siya pero hindi parin natatakot. Alam niya kasing hindi ko magagawa yun.
"Babasahin ko tong journal mo" Sabi niya. Hinabol ko siya pero siya takbo parin ng takbo.
Gusto mo talaga akong magalit Kim Taehyung?
Hinabol ko siya, pero nung hinahabol ko siya nadapa ako.
"Aray!" Sigaw ko "Ang sakit ng paa ko"
Kasalanan mo to alien. Kung hindi mo sana ako pinapa-habol.
"Okay ka lang ba?" Sabi niya. Sa tingin mo magiging okay ba ako sa ganitong sitwasyon?
"Ewan ko nga sayo!" Sigaw ko sa kanya
"Sorry na please?" Sabi niya. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya.
Ano to? Dito na lang ako hangga't sa maging okay na ako? Aish..
"Kaya mo bang tumayo?" Sabi niya sakin.
"Obvious namang hindi diba?" Sinungitan ko siya.
"Ang sungit naman nito" Sabi niya.
"Ano naman ngayon? May maitutulong ka ba?" Sabi ko. Bigla niya akong brinidal style
"Anong ginagawa mo?" Sabi ko
"Hindi ka makaka-lakad di ba?" Sabi niya.
Thank you. Mabait naman pala tong alien na to.
Nandito kami ngayon sa clinic. Habang gingamot ng nurse ang paa ko nangungulit na naman itong alien na to.
"Squirrel, wala bang thank you?" Sabi niya pero binalewala ko lang siya "Hoy Sana Minatozaki!"
"Sige na nga.. Thank you alien" Sabi ko habang naka-ngiti.
"Yan ang gusto ko" Sabi niya.
"Uwi na tayo, alien" Sabi ko
"Tara!"
•••
"Dito ka na naman matutulog?" Sabi ko sa kay Taehyung. Hindi ba siya hinahanap sa kanila? Hindi ba niya nami-miss ang eomma niya?
"Tinataboy mo ba ako?" Malungkot niyang sabi.
"Hindi, pero hindi ka ba hinahanap sa inyu?" Sabi ko. Nag-aalala talaga ako. More than months na kasi siya dito sa bahay.
"Hindi.. Bakit naman ako hahanapin nila?" Sabi niya. Bakit malungkot siya. Mag-isip ka nga Sana, kung anong magagawa mo?
"Alien" Sabi ko "Ano kaya kung dun na muna ako for 1 month?" Sabi ko para maka-sama niya naman ang eomma niya.
"Pero maliit ang bahay namin at nandun pa yung abnormal kong kapatid" Sabi niya.
"Wala akong paki-alam dun. Basta dun muna ako. Okay?" Sabi ko at napa-oo nalang siya.
"Tara na!" Sabi ko. Kinuha ko yung bag ko at sinuot ito.
"Akin na nga yang bag mo. Ako na ang magdadala" Sabi niya habang kinuha sakin.
Ang bait talaga ng bestfriend kong alien. No wonder, maraming nagkaka-gusto sa kanya.
"Thank you alien"
ESTÁS LEYENDO
He's My First True Love
FanfictionIn this story, there will be only one pov and that is Sana Minatozaki's pov Why? Because i want it to be thrilling, you know? I hope you get it ^_^
