"Tapos na ang kasal na'to Kim! Isinosoli ko na ang lahat ng galing sa'yo ..." sabay bagsak ng susi ng sasakyan at bahay sa kama saka nito mabilis na naisara ang zipper ng bag. 

Akmang lalampasan nito ang babae nang hindi man lang nagbibigay ng paliwanag kaya walang inaksaya si Kim. Niyakap nya ang bewang ni Xian mula sa likod para pigilan ang pag-alis nito. 

"Xi, I love you! Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to! May ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Then tell me! Aayusin ko kung ano man yun. Huwag ka lang umalis!"

"Akala mo ba habang buhay mong maitatago ang ginawa mo kay Ericka at sa pamilya nya?"

Napatanga si Kim. Natigilan. Kaya nakaalpas sa yakap nya si Xian. Ngayon magkaharap na sila. Kung kaya lang makapatay ng tingin, malamang bumagsak na sya. 

"Matalino ka nga. Hindi lang basta matalino kundi tuso ! Magaling mong nai-plano ang lahat. You set a trap for me . At ako naman isang tanga at kalahati na sakay na sakay nman. Napaniwala mo ako na isa kang mabuting tao. Mabuting kaibigan. But you are not! You are nothing but a selfish bitch!"  tila hiwa ng mapurol na blade ang tama ng mga salita nito. Unti-unti ang guhit ng hapdi.

"Oo inaamin kong ginawa ko yun! Mahal na mahal kse kita kaya ko nagawa yun . Sana maniwala ka... please nman o?!" 

 Umiling lang si Xian. Malabo ang expresyon ng pagkaawa sa apila ni Kim. "Bakit ba hindi yan ang nararamdaman ko ngayon? Alam mo kung ano ang pakiramdam ko?...Para akong 'Hosto' yung lalaking bayaran. Nakakapanliit! Lalo mo lang ipinamukha sa akin na binili mo nga ako! Isa pang mahirap tanggapin,ang nakakagalit...wala kang pinagkaiba sa mga taong may kagagawan ng pagkakasakit ng nanay ko, puro kayo may ugaling mapangmaliit sa kapwa .And the irony of it,pinakasalan ko ang isang katulad mo! "

Napatuwid si Kim. Hindi sya panghihinaan ng loob. Bihira ang pagkakataong nakakasilip sya ng pinagdaanan at kinikimkim ni Xian. Sa malas lang nya, sya ang nakapagpaalala ng mg bitterness nito. Ng galit sa mundo. Pero hindi ibig sabihin nun na dapat nya itong sukuan.

Hindi ito madadaan sa pagmamakaawa.Pwes iibahin nya ang taktika. Kasal sila. Hindi sya nito basta-basta pwedeng iwanan! Hindi sya si Kimberly Chiu na madaling sumuko. Fighter sya! 

Pinahid ni Kim ang luhang kanina pa bumagsak. Pinatatag ang pagkakatayo at saka sinalubong ng tingin ang mga mata ng asawa. Lalaban sya. Ilalaban nya ang karapatan nya dito.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin . Ang gusto mong itawag sa akin. Pero asawa mo na ako ngayon. ..." bagsak nya sa pamato nya. "Hindi mo ako basta-basta magagawang iwan!"

Isang tawang malakas at puno ng sarkasmo ang pumuno sa silid. Galing kay Xi. Sabay basag sa pamato ni Kim.Check mate!

Nilapitan nito si Kim. Yung malapit na malapit . Kung naiba ng pagkakataon, sa sobrang lapit ng mukha nila ay madididstract sya sa bango ng bagong ligong asawa. Pero malayo sa isip nya ngayon yan.

"Hah! Ganun ba? Dahil asawa na kita ? ....Ganyan ba talaga kaliit ang tingin mo sa pagkatao ko? Akala mo ba kahit kasal ka sa akin, maitatali mo ako habangbuhay? Tsk,tsk tsk...Dyan ka nagkakamali... Dahil ngayon pa lang gumising ka na,pinuputol ko na ang ilusyon mo! Hanggang dito na lang ang pinirmahan kong kontrata. You don't own me anymore!"

"Hindi mo gagawin yan! That's almost like killing me!" parang batang spoiled brat na pilit ni Kim.

"Yeah almost...not quite! Hindi mo ikamamatay ang pag-iwan ko sayo...believe me! Kung sakali man, wala akong pakialam! Because I don't give a damn about you!" sarcastic na sabi nito at punong-puno ng disgust ang mata nito . Tumalikod at kinuha ang bag .

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Where stories live. Discover now