"Me too." Sagot naman ng babaeng kasama ni Draco.

Natahimik silang lahat sabay tingin sa akin. Napataas ang kilay ko. Hindi ko alam kung bakit hinanap ng panignin ko si Luther na nagkibit balikat lang sa akin.

"What, cous?" Salita ni Draco.

"Anong what?" Sagot ko.

"Duh!you in?" Tanong ulit ni Draco.

"Nah, I'm going to watch you guys.." pumikit ako at sinandal ang ulo sa backrest ng sopa.

They murmured something pero hindi ko na binigyan pansin. Masakit  ang ulo ko at wala ako sa mood para magsugal. Besides, hindi ako magaling sa sugal.

"We're in." Nagulat ako ng hinila ni Luther ang kamay ko dahilan para mapatayo ako. Tumili ulit ang dalawang babaemg kasama nila habang natatawa ang dalawang unggoy na pinsan ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Luther.

Nagkibit balikat siya. Inupo niya ako sa poker table sa gilid tsaka niya kinuha ang isang kahon sa ilalim nito na may laman baraha at chips.

"We're going to gamble.." kumindat siya sabay latag ng chips.

"Gamble?" Ulit ko. Lumapit na sila at nagpapalit ng chips. Draco and his girl bought 200 thousand chips. Same as Darton and his girl.

"What about you, Sahsha?" Bulong ni Luther sa tainga ko kaya tila ba kinilabutan ako. "Bakit ako?" Nagtatakng sagot ko.

"Ikaw ang mag finance, ako ang maglalaro."

"Are you crazy?" Halos mapatayo ako sa upuan. 200k? Ako ang maglalabas? Adik ba siya? Natawa ng bahagya si Luther. Hindi ko alam kung naririnig nila kami o talagang wala silang pakialam.

"I don't have cash here, trust me." Pumungay ang mata ni Luther kaya bigla akong nanlambot. Sa itsura niya ngaun ay para bang ibibigay ko kung ano man ang hihilingin niya ngaun. Dang!

"Okay.. but we will play." Sagot ko sabay kuha ng bag ko. Mabuti nalang at nagwidraw ako bago umalis sa city. Alam ko naman kasi na hindi ako ililibre ni Luther! Nuknukan kaya ng kutipot 'to.

"As you wish.." sagot niya na malaki ang ngisi. Tengene, Sasha! Ano bang kabaliwan ang ginagaw mo? Nevertheless, sumugal pa din ako.

May tinawagan si Luther na mabilis lang din nakarating. To be fair with the game siya daw ang magiging dealer.

Ten/twenty thousand ang stakes. Sa edad namin? Hindi ako makapaniwala na nagsusugal kami ng ganito.

Nagpamigay na ng baraha ang dealer. Magkahiwalay naglaro si Darton at babaeng kasama niya habang magkasama naman si Draco at babaeng kasama niya. And ofcourse, kami ni Luther. Binuklat ni Luther ang cards. Halos mapamura ako ng 2-4 ang baraha na napunta sa amin.

Sa poker, you'll possibly win kung high cards ang hawak mo. It's very rare na isugal ang 2-4.

First bet was Draco and his girl.

"Raise-- 40 thousand." Sagot ni Draco. Napalunok ako bigla.

"Call," sagot ni Darton at sumunod ang babaeng kasama niya. Lalo akong naghina at kinabahan. Darn! This is why I hate gamble! Binibigyan ka niya ng kakaibang pakiramdam na kahit ikaw mismo ay hindi mapaliwanag. Panlaban ba sa 40 thousand ang 2-4? Luther should fold.

"Call," sagot ni Luther sabay tulak ng chips sa harap. Nalaglag ang panga ko.

"Bakit nag call ka?" Bulong ko sa kanya.

"We have sets.." sagot ni Luther. Tutok na tutok siya na tila ba pinapakiramdaman ang mga kalaro niya. I watched Luther played. Sumusugal talaga siya. Pero, pera ko ito! And it'll suck bigtime kapag natalo ako.

"Anong set? Ang baba niyan." Bulong ko ulit. Nag igting ang panga ni Luther at tila ba nairita sa akin.

"Trust me, Sasha.." sagot ulit niya na hindi ako tinitignan.

First three cards were, King, five, Ace..

Ang taas ng cards na lumabas. I told Luther na wag na ilaban!

"Raise, 50 thousand." Sagot ni Darton. Nag fold si Draco pero nagcall ang babaeng kasama ni Darton.

"Fold it." Sagot ko. Tumikhim si Luther at hindi ako pinansin. Nalaglag ulit ang panga ko ng nag call siya. What the?

"Call," sabay tulak ng chips sa harap. Kalmadong kalamado lang si Luther habang parang aatakihin na ako. Ang laki na ng pot sa gitna. Nagpakawala ng mahinang mura si Darton. Binuklat na ng dealer ang turn, ang pang apat na baraha. It was nine.

"Raise, 60 thousand." Sagot ulit ni Darton. Nagfold na ang babaeng kasama niya. So it's Luther's turn.

"Fold it, too." Bulong ko.

"No." Matigas na salita niya.

Hindi ko alam kung bakit ako nairita. Pera ko ang sinusugal niya kaya siya ganyan? Walang pakialam?

Bigla kong inagaw ang baraha sa kamay niya na ikinagulat niya.

"Fold." Sagot ko. Natawa ng malakas si Darton habang seryoso si Luther na tila ba kakainin ako ng buhay.

Binuklat ng dealer ang river, ang pang limang bahara which made me shock. It was 3. Panalo sana kami.. panalo sana kami kung di ko finold. We were straight. Binaba ni Darton ang cards niya kaya lalo akong natulala. He has nothing! Queen at Jack ang baraha niya! Bluffer!

"Sorry, guys.." natatawang sabi ni Darton. Nag igting ang panga ni Luther sabay tayo sa mesa. Now I understand kung anong set ang sinasabi niya. Fuck!

"You should take the risk, cous." Naiiling na salita ni Draco sa akin. Lumakad si Luther na walang kibo palabas ng living room. I felt, ugghh! Okay, I'm so guilty sa pangengealam sa kanya.

"Luther," tawag ko sa kanya. Huminto siya ng bahagya sabay baling sa akin. Sobrang gulat na gulat ako sa emosyon niya ngaun. Dissapointed, iritably, etc..

"Why it is so hard for you to gamble with me, Sasha?" Seryosong tanong niya. I can't utter any words. Ughh! What does he mean? Huminga ng malalim si Luther sabayan ng pag iling. "Nevermind.." tumalikod ulit siya at tuluyan ng naglakad palabas.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now