"Tigil na, Patawad"

448 10 0
                                    

"Tigil na, Patawad"

Tigil na
Katagang aking binitawan na

Tigil na ako'y pagod na
Tigil na ako'y may Mahal ng iba
Tigil na ang panandaliang saya
Tigil na dahil ayoko na

Mali ba ako dahil ako'y nakipaghiwalay sa iyo
Mali ba ako dahil ako'y nang iwan at nang balewala sa iyo

Mahal patawad dahil ako'y nang iwan
na akin nang pinagsisihan
Mahal patawad dahil itinigil ko na ang pagmamahalan nating dalawa

Mahal ako ngayon na kokonsensya sa pag iwan ko sa pagmamahalan nating dalawa

Isa,Dalawa,Tatlo

Gaya ng pagkakaalam ko ganyan lang kadali ang magmahal ng bago ngunit nagkamali ako dahil kasing hirap ito ng algebra na sinasagutan ko

Ng paglayo ko ay siya namang paghabol mo ng pag piglas ko ay siya namang pagkamit mo Mahal naiiyak na ko palayain mo na ko

Sabay sabi mo Hindi maari Mahal ko dahil ikay pakakasalan ko kasing bilis ng alon ang pagpatak ng luha ko

Oo alam kong ako ang lalake ako dapat ang nagsasabi ng mga salitang binitawan mo

Ngunit Mahal patawad dahil lahat ng iyay aking binitawan

Tigil na kaya akoy tumayo upang hanapin ka at sabihing Oo mahal na mahal kita kayat maari pa ba o pwede pa ba

Pwede pabang mabuo ang pagmamahalan na aking ginulo at ang sagot mo patawad dahil ayoko ng masaktan sa parehong dahilan ayoko ng lumaban sa parehong kahihinatnan

Sabay sabi ko Mahal parang awa mo na
Akoy susugal pa upang patunayan na ikaw lang at wala ng iba

Sabay sabi mong tigil na

Naluha ako sabay sabi sa sarili ko PYROS GLIFONEA ang tanga tanga mo yung taong binabalewala mo eh syang iniiyakan mo

Mahal Mali ba ko na habulin ka at pasayahin ka
Mahal Mali ba ko na ipagsigawan sa buong mundo na ang Mahal ko ay ikaw

Dahil kung itoy tagu taguan hindi natin alam kung sino ang taya at kung sino ang nawawala

Mahal aantayin kita
Mahal hahanapin kita kahit nasaan kapa
Mahal ipaglalaban kita kahit kanino pa
Dahil Mahal kita

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon