Hindi ako makapagsalita. Malungkot na sinulyapan ko lamang si Bernard at Art, kasabay ng aking pagbubuntong-hininga.

"If you truly love a person." Wika ni Art, "You don't do everything to make her stay... but rather do everything to make her want to stay. At magagawa mo lamang 'yun kung aalamin mo ang bawat detalye niya, kung ano ang gusto niya't ayaw niya. Kung ano ang makapagpapasaya sa kanya't makapagpapalungkot." Tinapik niya ang aking balikat, "The first step of making yourself whole is to admit that you are broken, Jon. Basag ka kaya nahihirapan kang magpakita ng pagmamahal. Basag ka kaya nakahihiwa ka... nakasasakit at nakasusugat sa ibang tao. Pero kung susubukan mong hayaan ang isang tao, na tulad ni Abby, na pasukin nang lubusan ang 'yong puso upang buuin ka... baka sakali, Jon. Baka sakaling mabibigyan mo rin ng kinang ang kanyang mga mata."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

It is easier said than done, but I will do it.

Papasukin ko siya nang lubusan sa aking puso.

Malalagyan ko rin ng kinang ang kanyang mga mata.

"Give her the security and confidence na sa kanya ka lang, Jon." Si Bernard naman, "Huwag na huwag mong ipararamdam sa kanya na she's replaceable while you know for a fact that she's not. Kung hindi mo kayang mabuhay nang wala siya, 'yun ang iparamdam sa kanya. We are not getting any younger, Jon. You don't shun love when you're scared of love. Kung takot ka, mas lalong dapat kang kumapit, dahil mas lalong walang mangyayari sa 'yo kung parati ka na lang tatakbo palayo. Masakit lamang ang pagmamahal kung hindi ka mahal ng mahal mo, pero mahal ka naman ni Abby, ano bang ikinatatakot mo?"

I admit, I am pretty bad on these matters. Marahil ay dahil, hindi ko na foresee no'n na magmamahal ako ng ganito. Hindi ko ine-expect na magmamahal ako ng iisang babae lang. Akala ko no'n, masaya na 'ko sa iba't-ibang putahe. And sure enough, I don't know what I was missing until I met her.

"Hoy, kayong mga lalake kayo, anong tinitingin-tingin niyo sa amin, ha?" Biro ni Laura nang lumapit sila nina Maggie at Abby sa aming tatlo.

"Oo nga," Pagsingit ni Maggie, "Sulyap kayo ng sulyap sa 'min, kami ba ang pinag-uusapan niyo?"

Tiningnan ko si Abby, tahimik lamang naman siya. Pero napansin ko na pinagmamasdan niya 'yung pagtititigan ng mga mata't paghahawakan ng mga kamay nina Art at Laura, pati na rin ang malambing na pagyakap ni Bernard kay Maggie. Hindi man niya sabihin sa 'kin... alam kong naiinggit siya. Himala ngang nararamdaman ko ang nararamdaman niyang sana... gano'n din ako kalambing sa kanya.

Dahil do'n hinila ko siya papalapit sa 'kin at agad na hinalikan sa labi. Narinig ko naman ang pagsisigawan ng grupo nina Luke, Benj, Jason at Tristan--kasa-kasama ang mga girlfriends nila sa 'di kalayuan.

"Baka langgamin na kayong anim diyan!" Sigaw ni Luke.

"P.D.A. much? Inggit kami!" Sigaw ni Helga na girlfriend ni Jason. Bumaling naman agad ito kay Jason at, "Hoy, halikan mo nga ako nang gano'n!" Tumuturo ito sa direksiyon namin ni Abby. Nag-umpisa na ang kantiyawan ng buong tropa; namula naman kaagad ang mukha ni Jason. Kinakamot rin nito ang kaniyang ulo. Mahiyain kasi si Jason at masyadong konserbatibo. Heto namang si Helga'y masyadong prangka at extrovert. "Ano na? Halikan mo na 'ko sabi eh!"Niyugyog pa nito si Jason na tumitiklop na sa sobrang hiya."Gusto ko 'yung may tongue, dali!" Lalong nagsigawan ang lahat.

"Si Jason masyado pang pakipot oh, gusto rin naman!" Kantiyaw ni Benj.

"Sige na nga!" Namumulang sabi ni Jason na kaagad namang sinunggaban ng halik si Helga... nang may tongue nga! Nagsigawang muli ang lahat.

"Ano Jason, masarap ba?!" Kantiyaw ni Luke.

"Ano bang paki mong hayup ka?!" Pabirong bira nito kay Luke. Lalong tumindi ang paghahalakhakan ng lahat.

Ang saya. Mas masaya pala kapag kasama namin ang mga babae sa ganitong okasyon. Ngayon lamang namin ginawa ito. Kapag nagsasama sama kasi kami dati, kami lamang na mga lalake. Siguro dahil ngayon lamang din nangyari na meron kaming mga love life lahat. Akalain niyong pati ang geek na si Tristan ay mayro'n na ring girlfriend ngayon?

"Thank you, Jon." Bulong sa akin ni Abby.

"Thank you saan?"

"Thank you kasi, ipinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Ang babait nila't masayang kasama."

"Makukulit kaming lahat pero, maganda ang samahan namin. May isa lamang na buwisit pero wala naman siya ngayon kaya mabuti na lang."

"Sino 'yung isa?"

"Si Mike, brother ni Maggie."

"M-Mike?"

"Oo, bakit? Kilala mo ba si Mike?"

"Hindi... may naalala lang kasi ako."

"Ano 'yun?"

"May nagtangka kasing mag-kidnap sa 'kin no'n. Mike rin ang pangalan. Pero baka naman ibang Mike 'yun. Marami namang Mike sa mundo hindi ba?"

"Ang sabi no'ng tauhan niya na binugbog ni Carlos no'n... Pascual daw. Mike Pascual."

What the fuck?! Anong kailangan ni Mike kay Abby?

***

"Malamang na ikaw ang puntirya ni Mike, Jon." Ani Benj, "I'm sure galit 'yun sa 'yo dahil tinutulungan mo si Bernard laban sa mga plano niya." Bumukod muna kaming mga lalaki sa mga babae dahil ayokong marinig nila ang problema namin kay Mike.

"I'm sure alam no'n na mahalaga sa 'yo si Abby kaya ito siguro ang pinlano niyang gamitin laban sa 'yo." Haka-haka ni Tristan.

'"I'm sorry pare, nadamay ka pa sa problema ko." Ani Bernard; tinatapik nito ang aking balikat.

"Wala kang kasalanan do'n Pare," Sagot ko sa kaniya, "Gago lang talaga 'yang bayaw mo. Adik ba 'yan? Putang ina, anong kailangan niya kay Abby? Sa paa\'nong paraan niya gustong gamitin si Abby laban sa akin?"

Nagkibit-balikat silang lahat.

"I'm sorry Pare," Sabi ko kay Bernard sa harap ng lahat. "Alam kong nakiusap ka no'n na wag ko nang patulan si Mike... pero sana maintindihan mo na hindi ko pwedeng palampasin 'to. Kung ako ang gusto niyang saktan, go ahead, fine! Palalampasin ko pa rin. Pero si Abby na 'to Pare. Si Abby na ang pinag-uusapan natin dito."

Matagal na masyado ang pagpapasensya ko kay Mike. Labis-labis na ang pagtitiis ko sa kanya mula pa noong kulehiyo. But his recent attempt to hurt me through Abby is the last straw.

Panahon na para ako na mismo ang pumutol sa sungay ni Mike.

Tama na.

Hanggang dito na lang siya.

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Where stories live. Discover now