KABANATA 15

251K 2.1K 41
                                    

Jonathan's P.O.V.

Damn that woman. Natameme ako do'n ah. I really hate her right now. Sino ba siya sa akala niya? Kung hindi nga lang talaga sa kanya lang ako tinatayuan lately, talagang magsasama ako ng iba. 'Yung mas maganda. 'Yung mas magaling. Punyeta naman kasing bayag 'to, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang sumpong!

Hindi ko siya mahal. Pero hindi ko alam kung bakit nababaliw ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kapag may kausap siyang ibang lalake, o kapag may tumitingin sa kanyang ibang lalake. Hindi maganda 'to. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko ng may kung sinong nang-aalipin sa aking isipan. Kailangan kong makahanap ng kahit anong baho niya para matanggal ko na siya sa aking isipan.

Anything and everything to turn me off totally, hahanapin ko sa kanya. Natatagalan na kasi ang pagkahumaling ko sa buwisit na babaeng 'yon, and that's not a good sign. I need to take her out of my system for good. And I need to do it fast.

I hired a private investigator.

"Attorney Romero. Ayon sa nakalap kong impormasyon isa na siyang ulilang lubos. Unang namatay ang kanyang ama sa sakit na Tuberculosis no'ng siya'y apat na taon. Ang ina naman niya'y sa sakit na Leukemia no'ng siya'y anim na taon. Ang tanging nag-alaga sa kanya'y ang kanyang tiyahin na nag-iisang kapatid ng kanyang ina. Walang anak, walang asawa't walang kapatid. Dati siyang social welfare assistant sa DSWD at library assistant sa National Library. Sa ngayon siya'y isang volunteer social worker, legal assitant at professional flair bartender. Siya'y college graduate ng kursong Legal Management at kasalukuyang nasa Ikatlong taon ng pag-aabugasya."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Shit. Wala bang negative?

"Wala siyang criminal record," Dugtong niya, "Pero may pitong records siya sa pulisya na nagsasaad ng pakikipagaway niya sa magulang ng mga inaabusong bata."

Huh?!

Kinuha ko ang mga papeles at mga litratong iniabot ng imbestigador bago ko ito pinaalis. Inutusan ko itong patuloy na mangalap ng iba pang impormasyon tungkol kay Abby dahil...

Hindi ito pwede. Para kasing lalo lamang ako nalubog sa mga nalalaman ko.

***

"Bakit naman kasi kailangan mo pang humanap ng dahilan para kamuhian siya, kung pwede namang mahalin mo na lang? Kalimutan mo na ang nagyari sa inyo ni Ella. Hindi naman kasalanan ni Abby ang ginawa ng ex mo sa 'yo." Pangangaral ng bestfriend kong si Art. Sa kanya ko lamang sinabi ang ginawa ko. Pero dapat siguro'y naging pari na lang 'to imbes na Arkitekto. Napakahilig kasing manermon eh.

"Mahalin? Sino? 'Yung two-timer na Abby na 'yun. Eh may boyfriend 'yun eh." At saka ko ikinuwento 'yung nakita ko no'ng araw na sinundan ko ito.

"Paano mo naman nasiguro na boyfriend nga niya 'yun? Sinabi niya ba sa 'yo? O nag-assume ka lang?"

Hindi ako nakasagot.

"Alam mo pare ikaw ang abogado sa 'ting dalawa," Dagdag niya, "You know for a fact that sometimes things and circumstances aren't really what they appear to be. Malay mo naman kung kaibigan lang. Buti sana kung nahuli mong naghahalikan o nagse-sex."

"Ano ang gusto mong gawin ko? Hindi ko nga siya mahal. Libog lang 'to 'no!"

"Kung libog lang, eh bakit nagkakaganiyan ka? Nag-hire ka pa ng private detective para ano? Para hanapan siya ng butas? Kung hindi mo mahal, o kung wala ka talagang nararamdaman para sa kanya, eh bakit kailangan mo pang mag-extra effort para tanggalin siya sa buhay mo? Hindi ba kung hindi mo mahal, dapat wala lang siya sa 'yo?"

Ano ba 'yan? Bakit ba kahit sino yatang kausapin ko lately, eh wala akong masabi? Magugunaw na ba ang mundo?

"O well, so anong gusto mong palabasin?" Walang gana kong tanong. "Anong gusto mong gawin ko, aber?"

"Get real, Jon. Kung hindi mo kayang maging honest sa kanya sa totoong nararamdaman mo. Maging honest ka man lang sa sarili mo. Ikaw lang ang nakaaalam kung ano talaga ang nandadiyan sa dibdib mo. Magpakatotoo ka lang, 'yun ang gusto kong gawin mo."

Napabuntong-hininga ako.

"And one more thing," Pahabol niya,"Tanggalin mo na kasi ang poot diyan sa dibdib mo. Hindi kasalanan ng lahat ng mga babae ang ginawa ng Mama mo sa 'yo at lalong hindi rin kasalanan ni Abby ang ginawa ni Ella sa 'yo. Ang galit ay maikukumpara sa isang lason na iniinom mo, habang umaasa ka na ibang tao ang mamatay."

"Huwag mong hilingin na patawarin ko ang ang aking ina, Art. Huwag mo siyang isali sa pinag-uusapan natin."

"I'm sorry pare, I don't mean to, pero matagal ko nang sapintaha, na 'yon talaga ang puno't dulo kaya ka nagkakaganyan. I just want you to be happy that's all."

"What makes you think I am not happy?"

"Why? Are you happy?"

Am I... happy?

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon