CHAPTER 39: CONFESSION

Magsimula sa umpisa
                                    

Nga pala! Nasa tapat ako ng binatana, kaya mangungulit nanaman to si Rom

"Si Shin lang! "

Sigaw ko at tinaas ang lap top ko tsaka hinarap sa kanya. Kumaway kaway naman sya kay Shin, at ngumiti..

Pero bakit ganun? Kakaiba?

Muli kunang hinarap si Shin

"Alam mo! Natutuwa talaga ako sa set up nyong dalawa.. Biruin mo! Magkatapat pa talaga kayo ng bintana how sweet right ?"

Sabi nya habang kinikilig kilig pa. Nako! Kung katabi ko lang sya ngayon baka mabatukan ko na

"Stop it Shin! -_-"

Kinikilig pa din sya ng kinikilig when someone caught my attention...

Nasa likod nya si Niel

"Hey! Bakit nanjan si Niel? May hindi ka sakin sinasabi"

Tanong ko sa kanya pero pinanlakihan lang ako ng mata, at biglang pinatay ang Skype..

Hmm? I smell something fishy eh?

Is Niel courting her? Buwahahahhaha *evil smile*

Pinatay ko na din ang wifi ko at tumingin na sa Bintana

"Hey! "

Tawag ko kay Rom.. Dahan dahan naman nyang iniangat ang ulo nya

When I saw his boyish smile.. I feel like anytime pwede na akong matunaw

"Sha! Samahan mo ako"

"Saan? "

Ngumiti lang sya

"Basta! Bihis ka. Hintayin kita sa labas"

Sabi nya at binaba na ang kurtina sa bintana nya..

Dali dali naman akong naligo at nagbihis. Gusto ko ng makita ng harap harapan si Rom.. Namiss ko agad sya kahit ilang araw palang kaming hindi nagkakasama, at panay titigan lang ang ginagawa

Pagbaba ko nakita ko agad si Rom.. Dahilan para mag race nanaman ang puso ko

Heaven!

"Ready? "

He ask and smile.. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, at inabot ang kamay ko sa kamay nya..


"Idlip ka muna.. Medyo malayo layo pa yun eh"

Sinunod ko naman ang bilin nya at natulog muna ako sa kotse..

________

"Hey! Wake up andito na tayo"

Dahan dahan akong dumilat, when he offer her arms at inalalayan ako pababa

I was shocked ng makita kong nasa isang mini garden kami at punong puno ng iba't ibang bulaklak ang mga halaman.. Sa gitna naman nun may candle light dinner?

Lihim akong napangiti..

may nag play namang music, sa tuwina by TJ monterde


"Isang ngiti na galing sayo ay sumisigla itong puso ko
Di na hahanap ng iba, ikaw lamang sinta
Sa tuwina ay mamahalin kita
Sa tuwina ay iingatan ka
.....🎶🎤"


Inaya nya akong mag slow dance..

"Sa tuwina, sa tuwina ikaw yung lagi kong naiisip. Magmula ng magkita tayo ewan ko ba, namangha agad ako sa kagandahan mo. Oo alam kong torpe ako! Pero this time hindi ko na papalampasin to. Sha mahal kita mahal na mahal kita. Alam ko kahit mag iisang taon palang tayong nagkasama nahulog agad ako sayo, hindi man ako yung perfect guy na hinahanap mo pangako ko handa kong gawin para lang sayo, hindi ko man matumbasan yung haba at tagal ng pinagsamahan nyo ni Verm, pangako ko mas hihigitan ko pa yun. . . Kung papayagan mo ako, Sha ! Can I court you? "

Hindi ko napigilan, kusang bumagsak yung luha ko. Hindi dahil sa nalulungkot ako na baka masaktan ulit ako kundi dahil natutuwa ako.

Ito na ba ulit yung isa pang pagkakataon? Yung magmamahal ako ulit ng iba?
Ito na ba yung matagal ko ng gusto? Yung makalimutan si Verm? Ito na ba yun?

Hindi na ako nag isip at sinagot ko sya

"Yes! You may"

Agad ko namang syang niyakap.. Pag bibigyan ko naman yung puso kong lumigaya..

Panibagong kwento nanaman to kay Shin, pambawi sa utang ko pero mukhang may kailangan din syang i kwento

_________

COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon