CHAPTER 2- DARE

3.7K 57 0
                                    

VERM's POV

Gaya ng napag usapan, pumunta kami sa bahay nila Sean .. Dito daw gagawin yung mga KALOKOHAN nila,

Nadawit nanaman ako. Pag si Niel bumira lagi nalang akong talo.  Lagi din akong nasusupalpal sa plano nya.  Sila lagi ni Sean ang pasimuno kaya lagi akong inaaway ni Nica.

"Verm, ready ka na ba malaman ang kapalaran mo?"
Tanong ni Niel habang tataas taas pa yung kilay, mukha syang tanga.

  Kapalaran?  Tsk!  Kapalaran nanaman atang madawit ako sa kalokohan nila

"Kapalaran? Mukha mo!! Dalian mo na! Ano ba yang Dare na yan ?"

Naiirita na talaga ako, ang dami pa kasing sinasabi bakit di nalang ako diretsyuhin? Ang dami pang alam eh kainis!  Di dapat ako pupunta eh,  kaya lang napagtanto kong boring talaga yung buhay ko pag wala sila.  They are my happiness.  Yeah they are!  The bugok boys

"Oh chill pre, ito na nga ready ka na ba talaga? Baka hindi pa"
Tanong naman ni Sean.  Mababaliw talaga ako sa kanila

Maya maya nanahimik si Niel tapos tinambol yung lamesa.  Nang aasar pa sya lalo. 

"Ready na nga.. Satsat pa ng satsat eh"
Singhal ko.  Kinakabahan ako e kung anong dare to.  Baka mamaya papapuntahin nanaman ako kay Nica at pagsasabihin ng kung ano ano.

"Sure ka ba?"
Tanong ulit ni Niel

Argh!! Naiinis na talaga ako dito sa ugok na to -_-

"Sasabihin mo ba o hindi?"

"Ito na ito na."

May kinuha syang papel sa bulsa nya at binasa yun. May speech?

"Ito na talaga Verm *clear throat*"

Ah! Punyemas ang lakas nya mang bitin ah.  Sinamaan ko sya uli ng tingin,  for my sake!  Ano ba naman yun

"Make Shanta Ramia Yeon as one of your girlfriend make her fall for you, as simple as that"

Literal na napanganga ako, as in nganga!!!

*^▁^* <---- Sila

(⊙o⊙)?<---- Ako

Ganyan na ganyan.  Mga shungangot tong mga to!

May girlfriend ako,  hindi ba nila alam? Sa araw araw kong kasama si Nica hindi pa ba nila alam?  The heck!

Parang di nila alam na girlfriend ko si Nica ah. Anong kalokohan to?

Pero ano nga bang mangyayari pag pinatulan ko to?  Boploks Verm!  Natural mapapatay ka ni Nika,  she's very possessive.

KALOKOHAN!  Ano ba tong mga pinagsasabi ko

Napatingin pa ulit ako sa kanila ng masama at umayos sa pagkaka upo.  Mga tukmol !

"ARE YOU INSANE? May girlfriend ako.  Baka nakakalimutan nyo"

Ano ba kasi pumasok sa utak ng mga ugok na to at yung ang ginawang dare? Nahihibang na ba sila ? Aba!! Tarantado tong mga to mapapahamak pa ako dahil dito eh

"Ano pre? Tandaan mo ang nakataya dito tsaka alam naman naming may girlfriend ka e, secret lang to pre wag kang mag alala "tanong ni Sean sakin habang tatawa tawa

Batukan ko sya jan eh..

"Ano bang klaseng dare yan? Iba nalang! Tsaka gusto nyo bang mapatay ako ni Nica pag nalaman nya to"

COLD HEARTEDWhere stories live. Discover now