CHAPTER 13: THE TRUTH

1.7K 34 0
                                    


[VERM's POV]

It's been one week magmula nang magkasakit ako. 

So,  meaning tapos na din ang isang buwan kong panliligaw kay Shanta and still hindi padin alam ni Nica ang nangyayari samin… Although,  may katiting

At,  hindi pa din ako pinapansin ni Nica kahit ilang beses ko na syang sinuyo.. 

Nasa loob lang ako kwarto at maghapong nagkukulong, tulala, at nag isip. I want to see her! I want Shanta.

Walang Shanta ang nagpapakita, walang Shanta ang nagsusungit. Damn! I miss her

Natuklasan ko nalang kasi na..
I'm inlove with her.  In love ako kay Shanta, pina realize sakin nila Niel at Sean kung bakit sa tuwing nanjan na siya di ko laging alam gagawin ko, kusa akong ngumingiti sa tuwing naiisip at nakikita ko siya.

Pwede ba yun? Si Nica girlfriend ko pero kay Shanta ako may gusto? How ironic right?

Iba kasi e. Ibang iba yung nararamdaman ko para kay Shanta

Sa sobrang pag iisip nakaramdam ako nang uhaw kaya naisipan ko nang bumaba,  habang pabalik ako hawak ang baso  naririnig ko sila mommy at daddy. Nagsisigawan sila.

Nagtago ako sa may likod ng pader papasok sa sala, hindi ko naman ugali to pero nakaka curious

"Kailangan na nyang malaman ang totoo! —"

"But Hon!  Ayaw ipaalam ni Shanta ang tungkol dito. Respetuhin mo naman ang desisyon nya."

TEKA?  Guni guni ko lang ba o totoo yung narinig ko? Si Shanta kilala nila? O baka ibang Shanta?

Kung ganun paano? E hindi ko naman si Shanta kinewento sa kanila.

Mas lalo ko pang pinakingan sila. Hindi ko talaga ugali to.

"Yah!  I know pero sooner or later malalaman na ni Verm ang totoo! Hon.. Baka magalit si Verm sa atin, "

"Pero.."

"Look! Honey, alam nating pareho na anytime makakaalala na siya, pwede ng bumalik sa dati ang lahat. I want to see my son to be happy with the girl he love, at si Shanta yun"

Ano bang pinagsasabi nang mga magulang ko?

Ano ba talagang meron siya? Everybody knows her well. Pano naman ako?

Ano ba? How they know na mahal ko si Shanta? Sinabi nila Niel? Si Sean? Paano?

Bigla ko nalang nabitawan ang hawak ko dahil sa gulat.  Dahilan para mapalingon sila sa gawi ko

"V-Verm—"

"Mom ano ang hindi ko alam tungkol dito? Ano yung tungkol kay Shanta?  Ano yung dapat kong malaman?  Bakit niyo siya kilala?"
Sunod sunod kong tanong sa kanila.  Litong lito na ako!

Bakit parang may tinatago silang lahat?

Lumapit si mommy sa sakin at hinawakan ang kamay ko nang mariin

Kinakabahan ako sa pwede kong marinig

"Hon no—"
Pigil ni daddy sa kanya

"Jack! He need to know"

"But—"

"Jack! Hayaan mo na akong mag explain"

Muling napalingon si mommy sa gawi ko,  at emosyonal na napatingin sa mga mata ko

COLD HEARTEDWhere stories live. Discover now