Naglalakad kami ngayon sa ilalim ng buwan habang magkahawak kamay
"Baby" sabi ni Ara
Tumingin naman ako sakanya
"Kung bibigyan kita ng tatlong wishes anong pinakauna mong iwiwish?" Tanong niya
Ngumiti naman ako
"Bakit tutuparin mo ba?"tanong ko
"Oo kung kaya ko" sabi niya
"Sige unang wish ko hmmm sabihin mong mahal mo din ako" sabi ko tapos nagstop siyang maglakad
"Anong klaseng wish yun?" Sabi niya tapos nagpout
"Oh kala ko ba tutuparin mo mahirap ba? Mahina ka pala eh hahahaha" sabi ko
"Hoy hindi ako mahina ah dali sali lang nun eh" sabi niya
Tinitigan ko lang siya sa mata iniintay ko yung sasabihin niya
"I-I- AY SI MAMA OH!" sigaw niya tapos tinuro niya yung sa likod ko
Napatingin naman ako
"Wala naman baby girl eh dali nasa-" naputol yung sinasabi ko kasi may sinabi siya
"A-ANONG FAVORITE MONG NUMBER SA ELECTRIC FAN?" sabi niya ng malakas
"Hmm? Hindi naman kami nageelectric fan sa bahay eh pero 2 lang siguro" sabi ko
"AHHH HAHAHAHAHAH OKAY" sabi niya tapos naglakad siya ng mabilis
"Psh pinaglalaruan mo naman ako eh" sabi ko sakanya tapos inunahan ko siyang maglakad
"UYYY HINDI AH" sigaw niya mula sa likod pero hindi ko siya pinapansin
Patuloy lang akong naglalakad tapos bigla siyang sumigaw
"OO NA! I LOVE YOU BABY! I LOVE YOU JEROME! I LOVE YOU I LOVE YOU I LO-" sigaw niya pero bigla kong pinutol yung sinasabi niya tapos niyakap ko siya ng mahigpit
"Ingay mo baby girl gabi na oh HAHAHAHAHAH" sabi ko habang kayakap ko siya
Bigla naman siyang bumitaw tapos nagpout nanaman
"Isang pout nalang baby girl isa nalang AHAHAHAHAH you should stop that habang napipigilan ko pa" sabi ko
Natuwa naman ako sa reaction niya kasi bigla niyang tinakpan lips niya gamit yung kamay niya
Maglalakad na sana siya pero bigla kong hinawakan yung kamay niya at hinatak ko siya papalapit sakin kaya napayakap siya sa bewang ko liit liit kasi ng babaeng to HAHAHAHA
"I love you too" mahina kong bulong sakanya
Napalunok ako kasi feeling ko namumula ako ng sobra
Matagal din kaming magkayakap at naglakad hanggang sa nakarating na kami sa kotse pauwi sa bahay nila
Nasa tapat na kami ng bahay nila Ara
"Nandito na tayo" sabi ko pero pagtingin ko sakanya ang himbing ng tulog niya
Napatitig ako sakanya
Hahawakan ko sana yung mukha niya pero bigla siyang nagising
"Nandito na pala tayo bakit hindi mo ako ginising" sabi niya tapos nakakunot pa
"Lakas mo kasing humilik eh" sabi ko tapos halatang naconscious siya kaya napailing siya sa sarili niya
"T-thank you sa paghatid bye" sabi niya tapos lalabas na sana siya pero napatigil siya dahil nagsalita ako
"Kiss ko?" Tanong ko
Bigla namang umangat yung isa niyang kilay
"Eto baby kiss mo?" Sabi niya tapos tinaas niya yung fist niya pinapakita niya pa sakin
"Kaya mo ko?" Tanong ko tapos ngumisi ako
Napatingin siya sa kamay niya tapos binaba din niya
Bigla naman niyang sinarado yung pinto
"Shoo na shooooo gabi na umuwi ka na" huli niyang sinabi bago siya pumasok sa loob
Nagdrive naman ako ng nakangiti pauwi saamin
A/N: Hope you all enjoy reading this chapter! ♡
Credits to MsKawaiiMelody for doing this cover for me thank you so muchhh i really love it 😚😚
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡
BINABASA MO ANG
Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Highest Rank in Teen Fiction #13 🙈💕 Magkaiba ang NOON sa NGAYON kaya alam mo? sayang ka talaga eh. Alam mo kung bakit? Ang swerte mo na kasi sakin kaso pinakawalan mo pa ako. Ayan tuloy NGANGA KA NGAYON Ako nga pala si Arabella Serene...
Chapter 22 - Moonlight
Magsimula sa umpisa