Chapter 64: Lola Nanay:)

Start from the beginning
                                    

Ngumiti lang siya..

"Wag mo ng patagalin pa..pag yan nawala pa. Bahala ka."

--

After ng last class ko, sinamahan ako ni Dzi na puntahan si Fille sa last subject niyo for today.

Pero dismissed narin sila nung nandon na kami sa room niya.

Nasalubong naman namin si Jem.

"Jem! Si Fille?" tanong ko

"Hindi ba siya nag text sayo?" sabi niya

"Hindi siya nagrereplay sakin eh. Bakit ano bang nangyari?" sabi ko

"Tinawagan kasi siya ni Tita Jho kanina. Pinapauwi niya muna si Fille sa kanila" sabi niya

"Ha? Bakit daw?" sabi ko

"Hindi ko alam eh..pero umuwi si Fille sa dorm kanina. Hindi nga siya nag attend don sa last class niya eh. Umuwi siya sa dorm para kumuha ata ng damit. Para ngang ang tagal niyang aalis kasi ang dami niyang dalang damit sabi ni Den" sabi niya

Tatakbo na sana ako pero bigla akong hinawakan ni Dzi sa kamay.

"San ka pupunta?" sabi niya

"Pupuntahan ko siya?" sabi ko

"Magpapadalos-dalos ka nanaman Gretch!?" sabi niya

"Gretch..alamin muna natin kung anong nangyari bago tayo gumawa ng action" sabi ni Jem

Tama naman sila eh. Dapat di ako padalos-dalos ng kilos

Bumalik na kami sa dorm, hindi parin ma-ipinta yung mukha ko sa lungkot.

Nadatnan namin sina Den na nanunuod ng TV.

Umupo ako sa sofa.

"Teh Gretch..san po pumunta si Ate Fille?" tanong ni Gizelle

"Hindi ko din alam eh, hindi siya nagsabi eh" malungkot kong sagot.

"Try mo kayang tawagan" sabi ni Bea

Kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko..

Then I dialled her number.

*..calling My Princess Babe..*

*toot...toot...toot*

"Walang sumasagot eh" sabi ko

"Ha? Bakit kaya?" sabi ni Dzi

"Nakakapagtaka naman na hindi siya magpapa-alam sayo" sabi ni Den

"Oo nga..nag-away ba kayo?" tanong ni Bea

"Hindi naman" sabi ko

"Tinawagan nga siya ni Tita Jho kanina, mukang may problema ata sa kanila" sabi ni Jem

Biglang nagring yung phone ni Jem.

Sinagot niya yung tawag.

Naka loud speaker kaya rinig namin.

*PHONE CONVO*

"Hello?" bungad ni Jem

"Hello Jem?" sabi nung tumawag

"Oh, Frowee..napatawag ka?" sabi ni Jem

"Uhm..May pinapasabi kasi si Fille sayo eh" sabi ni Frowee

She's The OneWhere stories live. Discover now